Epilogue

467 17 6
                                    

A/N: This an extra chapter guys... sana magustuhan niyo...

Happy reading guys... and stay safe always...

~~~0~~~

Lahat ay nagkakasiyahan ng mga oras na iyon, everyone except Zach na mag-isang umiinon sa may dalampasigan. He doesn't want to worry everyone sa kalungkutang bumabalot sa kanyang pagkatao ng mga oras na iyon.

Kung ito ang tatanungin ay nanaisin na nitong umalis na lang sa pagtitipong iyon ngunit hindi niya magawa. This is a very special night for Gillian, Elisse' bestfriend. Wala man ito ngayon, ang mahalaga ay naroroon siya bilang kahalili nito.

A few months ago... nakahanda na rin ang lahat para sa kasal nila ni Elisse, but shit happens. And it ruins everything.

Ngayon narito siya at nag-iisa, nangungulila sa minamahal. Kung alam lang niya, hindi na sana siya nagsayang pa ng oras ng mga panahong kasama pa niya ito.

~~~0~~~

"I don't know what to do to him anymore." ani ni Alaina sa asawa na kasama nitong pinagmamasdan ang anak.

"Let him be for now..."

"But its been three months already, ngunit hindi parin siya bumabalik sa dati."

"Laney, you have to understand. Walang kinalaman ang panahon para maghilom ang sugat na dala ng puso. I should know, I've been there. The pain and regrets of losing someone you love can make you insane and the only reason why I remain sane when you were gone is our daughter Drew." ani ni Nick sa asawa.

"I'm worried for him."

"Then be worried, hindi ko iniaalis yun sa iyo." masuyo nnitong sabi. "All we can do for him is to be always there for him." sumang-ayon naman siya sa asawa.

~~~0~~~

Abala si Zach sa pag-iisip ng maramdaman niya ang mahihinang yabag na palapit sa kanya, ever since he was fifteen, he was trained by his cousin-in-law Brad and his friends Trace and Ivan na pakiramdaman ang paligid. Kaya malakas ang kanyang pandama.

"Why are you alone here? Hindi ka ba natatakot kahit madilim?" nagtatakang tanong nito bago ito umupo sa kanyang  tabi.

Hindi niya ito sinagot sa halip ay nilingon niya ito. It's Calvin, ang anak ni Gillian at Marvel.

"Hindi mo po ako sinagot." nakanguso nitong sabi and he looked adorable.

"I was just thinking of someone special."

"Ang ninang pretty ko po ba ang iniisip niyo?"

"Ninang pretty?"

"Thats how I called my ninang Elisse." anito habang nilalaro ng kamay ang isang basag na sea shell. "Malungkot po ba kayo dahil wala siya dito ngayon?" tanong nito habang patuloy pa rin sa paglalaro ng sea shell. "Ako kasi malungkot eh, kahit nasabi na sa akin ni mama ang tungkol kay ninang, hindi parin ako naniniwala."

"Bakit naman?"

"Kasi strong ang ninang pretty ko." napangiti naman ang binata sa tinuran ng bata. "At isa pa, naniniwala ako mawawala lang siya saglit then she'll come back again like 'the flash'." ani pa nito na mas lalong kinalapad ng kanyang ngiti.

Hindi niya alam na sa dami ng tao na pwedeng magsabi sa kanya ng ganoong bagay ay sa isang bata pa iyon manggagaling.

"You believe that?"

Tumungo naman ito bilang sagot. "Di ba boyfriend ka po niya? Yun po kasi ang sabi ni mama eh."

"I'm her fiancee." Pagtatama niya.

"Then, let us both wait for her to return. I'm sure she'll be very hungry when she comes back." ani pa nito na tuluyan na niyang ikinatawa.

Patuloy pa silang nag-usap hanggang sa maisipan nilang bumalik na sa kasiyahan.

~~~0~~~

Nilapitan ni Nick at Alaina ang anak ng makita nila itong bumalik sa loob ng kasiyahan.

"Son, you okay?" tapik ni Nick sa balikat ng anak.

Nagkibit-balikat naman ang binata at hindi sumagot. Siya namang paglapit  dito ni Calvin.

"Let's go ninong pogi! Let's dance." hila ni Calvin sa kamay ni Zach.

Nagkatinginan naman ang mag-asawa habang pinagmamasdanan ang anak na nakangiti at tumatawa habang kasama ang anak ni Gillian.

"I think he'll be fine soon." ani ni Nick.

"I wished he will." sagot naman ng kabiyak nito.

~~~0~~~

...end of Epilogue

...please don't forget to vote and write your comments below...








KS02 Mi Amor Perdido (My Lost Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon