Chapter Nine

384 14 5
                                    

A/N: Sa mga walang sawang nagbabasa nito ay maraming salamat...

Be safe and happy reading guys...

~~~0~~~

Hindi malaman ni Gillian ang gagawin sa natuklasan niya ng araw na iyon. Gulong-gulo na ang kanyang isipan at halos panghinaan na siya ng loob.

She's just nineteen years old and graduating next semester and yet she's pregnant.

Ayon sa pampublikong clinic na pinuntahan ay walong linggo na ang nasa tiyan niya at kung susumahin ay nabuo iyon noong nasa Sagada sila ni Marvel.

Pilit niyang pinapakalma ang sarili ngunit hindi niya magawa.

Madami siyang plano sa kanyang buhay. Pero paano pa niya magagawa pa iyon? May buhay na sa kanyang sinapupunan na kailangan niyang intindihin.

She should have known that this would be possible to happen, especially when she freely gave herself to Marvel without any protection.

Bumalik na siya sa tinutuluyan niya. Isa pa iyon sa kanyang pinoproblema. Walang padala sa kanya ang kanyang ina tatlong buwan na ang nakakaraan.

Hindi niya iyon nabanggit noon kay Marvel dahil alam niyang mag-aalala ito.

Mabuti na lamang at kahit papaano ay may panggastos pa siya noon para sa sariki dahil iniipon niya ang mga sobra sa padala ng ina niya, ngunit nasaid niya iyon nitong huling semestre.

Kaya napilitan na siyang magtrabaho upang matustusan ang kanyang pangangailangan kahit pa nga ba hindi maganda ang hulog ng kanyang katawan.

"Gillian nandyan ka na pala." Salubong sa akin ni Lourdes anak ng kanyang landlady at kahit papaano at nakapalagayan na niya ng loob.

"Des, napadaan ka?"

"Si inay kase... pinatatanong niya kung may pambayad ka na daw..." Nanantiyang tanong nito sa kanya.

"Des, pasensiya na kami wala pa kasing sahod eh. Wala pa akong maiaabot sa ngayon."

"Paano ba ito?" Nag-aalala pa nitong sabi. "Dalawang buwan ka ng palya sa pagbabayad ng upa... Bilin pa man din ni inay na kapag hindi ka nakabayad sa katapusan eh kailangan mo daw magbalot-balot ng mga gamit mo."

"Pasensya na sa abala, Des. Pakisabi na lang sa inay mo na gagawan ko ng paraan."

Sumisirko na ang kanyang utak sa kakaisip ng kanyang mga suliranin. Hindi rin niya magawang humingi ng tulong sa kanyang mga kaanak dahil tiyak niyang marami lang siyang maririnig sa mga ito.

Umpisa pa lamang kasi ay di na sangayon ang mga ito na sa maynila siya nagpatuloy ng pag-aaral.

Maging ang pinsan niyang si Caleb ay hindi niya magawang lapitan kahit pa nga ba ito ang pinakamalapit sa kanya. Alam kasi niya ang gastos ng pag-aaral nito ng medesina at isa sa dorm na panglalaki ito nanunuluyan. Nahihiya siyang hingan ng tulong.

~~~0~~~

Ilang araw na at magkakatapusan na at hanggang-ngayon ay wala pa rin siyang naipon na pangbayad sa kanyang upa, di rin siya makabale sa kanyang amo dahil hindi rin naman kalakihan ang kinikita nito.

KS02 Mi Amor Perdido (My Lost Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon