Chapter Two

897 26 11
                                    

Malalim na ang gabi ng makauwi si Gillian sa tinitirhang condo, hindi kasi niya magawang magpaalam ng maaga sa kaibigan sa engagement party nito dahil alam ng dalaga kung gaano kahalaga sa kaibigan ang gabing iyon.

Hapong-hapo na agad siyang dumeretso sa kanyang kwarto at doon bumungad sa kanya si Calvin na mahimbing na natutulog sa mismong kama niya.

Kung tutuusin ay may sarili itong silid na sadya niyang inilaan dito kapag narito ito sa bansa, ngunit ay marahil ay hinahanap nito ang amoy niya kaya ito naroroon sa silid niya.

Marahan siyang lumapit sa kama niya upang hindi ito magising, bahagyang pinagmasdan niya ito. Hindi maikakaila na kahit saan anggulo ay magandang lalaki ito and she can't help herself but to feel lucky.

Napangiti na lamang siya bago nagtungo sa banyo at nagbanlaw ng katawan. Matapos niyon ay nagbihis na siya at humiga na sa tabi ni Calvin.

Naalimpungatan naman ito ng lumundo ang kama. "Mommy..." Anito.

"Shhh... Go back to sleep..." Masuyo niyang sabi.

"I want some loving..." Paglalambing nito.

Agad niya naman itong pinaloob sa mga bisig at hinagod-hagod ang buhok nito. Marahang kinanta rito ang kantang kinakanta na niya rito mula pa ng nasa sinapupunan niya ito.

"My wish for you. Is that this life becomes all that you want it to. Your dreams stay big, your worries stay small. You never need to carry more than you can hold. And while you’re out there gettin’ where you’re gettin’ to. I hope you know somebody loves you. And wants the same things too. Yeah, this is my wish..."

Nang mapansin niyang nakatulog na ito ay saka niya ito pinagmasdan ng mabuti habang unti-unting bumabalik sa kanya ang mga pangyayari eight years ago.

~~~0~~~

"Sige na inay." Kumbinsi niya sa ina. "Gusto ko po talagang mag-aral sa Manila."

"Anak, bakit ba gustong-gusto mong mag-aral sa maynila. Nakakapag-aral ka naman diyan sa mga tiyahin mo ng kolehiyo, hindi ba?" Ani ng kanyang ina habang kausap ito sa telepono.

"Inay, matagal ko na nga pong pangarap na makapag-aral sa maynila, doon sa unibersidad na madalas kong ikwento sa inyo, and besides kumuha po ako ng entrance exam doon at nakapasa po ako."

"Natutuwa ako at nakapasa ka anak, pero hindi ka ba mahihirapan kung magtatransfer ka sa susunod na semester, nasa third year ka na diba?"

"Inay, sige na po pumayag ka na po. Promise po mag-aaral ako ng maige doon."

"Anong sabi ng mga tiya mo?"

"Ikaw daw po ang tanungin ko." Aniya habang napapakagat sa labi sa sobrang kaba.

Narinig niya ng ang pagbuntong-hininga nito mula sa kabilang linya.

"Sige na, sige na payag na ko." Halos mapatalon siya sa tuwa ng marinig ang pagpayag nito.  "Pero siguraduhin mong magtatapos ka, anak. Hindi biro ang matrikula ngayon."

"Pangako po, mag-aaral po akong mabuti para naman makauwi na po kayo dito pinas at ng magkasama na po tayo."

"Aasahan ko yan, anak." Anito pa.

KS02 Mi Amor Perdido (My Lost Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon