Chapter Sixteen

289 12 2
                                    

A/N: Expect  two or  more updates tomorrow.... 

Enjoy reading and stay safe  always..

~~~0~~~

Ilang linggo na ang nakalipas ngunit hindi parin nawala sa isip ni Gillian ang sinabi ni Ray sa kanya bago siya nito ihatid sa kanyang condo.

Alam niyang may punto ang kaibigan pero hindi pa siya handang kausapin ang binata kahit pa nga ba halos araw-araw itong nagpapakita sa kanya at ninanais na makausap siya.

Ngunit patuloy pa rin niya itong hindi binibigyan ng pansin.

Kararating pa lamangg niya sa kanyang condo ng tumunog ang kanyang mobile phone, ang inay niya ang  tumatawag.

"Inay, napatawag po kayo?"

''Anak, Dr. Weasley went back to the Philipines."

"What?" gulat niyang sabi. "But, Calvin and I have an appointment with him this coming weekend."

"I know. Nalaman ko lang naman ito kay Nurse Anya, sabi niya ay umuwi na si Dr. Weasley para makasama ang pamilya niya. Kaya inilipat niya lahat ng pasyente niya kay Dr. Sanderson."

Kilala niya si Dr. Sanderson, magaling itong doktor at isang masugid na manliligaw na mas matanda lang sa kanya walong taon. Hindi sa wala siyang tiwala sa binatang doctor, dangan mas palagay ang loob niya kay Dr. Weasley. Sa loob ng apat na taon ay ito na ang nangangalaga sa kanyang anak, maging nang ma-confine ay hindi magmaling sa pag-momonitor sa anak niya.

"Bakit daw biglaan?"

"Sa totoo lang anak matagal na iyong binabalak ni doc. kaya lang gusto na nang pamilya niya na makasama na siya sa pinas at manatili na doon." natahimik naman si Gillian sa  narinig mula sa  ina. Matagal na niyang kilala si Dr Weasley at sa hindi niya malamang kadahilanan ay ito lang ang doktor na nakakasundo ng anak niya buhat ng dalhin niya ito sa ibang bansa.

"Anong plano mo anak?" tanong ng ina ng dalaga na tila nababasa ang nilalaman ng kanyang isipan.

"Malapit na  ang surgery ni Calvin, inay. At alam nating pareho na kay Dr. Weasley lang siya nagtitiwala." aniya pa. "I'll book a flight for tomorrow, pack my son's belongings, inay. Nurse Anya will accompany him, I'll fetch them on saturday night on the airport." mahinahon niyang sabi. "Can give the phone to Anya, may itatanong lang po sana ako inay."

"Anya, do have contacts of Dr Weasley?" tanong niya rito ng marinig niya ang tinig nito sa kabilang linya.

"Meron po, may iniwan po siya sa aking number na pwede ko daw tawagan if may kailangan ako."

Ibingay nito sa kanya ang numero ng doctor na agad naman niyang tinawagan ngunit nagri-ring lang iyon.

~~~0~~~

Kinabukasan ay agad siyang nakapagbook ng flight para sa anak niya at kay Anya. Matapos iyon ay sinubukan niyang kontakin muli ang numerong ibinigay ni Anya, bumangon ang kagalakan sa kanyang dibdib ng sa wakas ay may sumagot na mula roon.

"Hello! Good morning! This Gillian Gomez, I'm looking for Dr Weasley Zavernik." agad niyang sabi ng may sumagot sa kabilang linya.

"He's currently unavailable, ma'am. He has an important patient to attend  to."

"I understand, but can I set an appointment this coming Sunday? Its really important."

"No problem ma'am, can I have the name of the patient? Its  really needed."

"Calvin Gomez, he is also one of Dr. Zavernik's patient in Boston  Children Hopital. He knows him very well." pagbibigay niya ng impormasyon.

Matapos ang pakikipag-usap na iyon ay nagpasiya sa Gillian mamili muna ng stock sa kanyang tinitirhan, wala kasing kalaman laman ang condo niya dahil hindi naman siya madalas sa bahay niya.

KS02 Mi Amor Perdido (My Lost Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon