Christmas Special Chapter

174 5 4
                                    

People fall inlove in mysterious ways - Ed Sheeran in Thinking Out Loud.

Chapter 21

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Zrechell's POV

"PAPATAYIN KITA!!!!!", tumakbo na sya palapit sa akin dala dala ang lagari na hawak nya at wala na akong nagawa kung hindi ang pumikit na lang.

Sa bawat pagpatak ng segundo hindi ako makahinga, parang nawala ang lahat ng lakas ko at naramdaman ko na lang ang dugong dumadaloy sa katawan ko. An--nong?

"DARK!!!!", napasigaw ako ng makita ko sya sa harapan ko duguan ang kamay nya dahil pinigilan nya ang lagaring dapat ay papatay sa akin. Pakiramdam ko biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Hindi ko hahayaang patayin mo sya Kenzo, magkakamatayan muna tayo bago mo sya mapatay, tandaan mo yan.",saka nya tinapon yung lagari ng walang kahirap hirap. Lumabas na naman yung mga pula nyang mga mata at ang mga pangil nya. 

Hinawakan nya sa balikat si Kenzo at lumayo sila sa akin ng konti. Sa una ay nagtagisan lamang sila ng tingin hanggang sa tinuluyan na nilang sunggaban ang isa't isa. Matatalim na tingin, matitilos na pangil at alertong mga mata. Para silang nasa isang laban, laban ng patayan, matira matibay.Ilang ulit silang nagsuntukan at masasabi kong napakabilis talaga nila.

Hanggang sa....

Nawala na lang ng bigla si Kenzo. Nilapitan ko si Dark na ngayon ay naghihingalo na, mukhang tinamaan sya ng malala.

"Dark, ayos ka lang ba?", nilagay ko yung ulo nya sa lap ko pero imbes na sagutin nya ako bigla na lang syang nawalan ng malay.

"Dark?! Uyyy....Dark, gumising ka ui", pilit ko syang inaalog pero wala talaga hanggang sa nawalan na rin ako ng malay.

***

My Butler's A VAMPIRE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon