Dangerous KENZO

142 4 0
                                    

Ang gulo talaga ng mga lalake. Sasabihing mahal ka niya pero sa huli iiwanan ka din pala. -PrincessZrechell

Chapter 20

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Zrechell's POV

"Okay, class Our lesson for today is all about The Whistle by one of the famous authors in America.So can you please tell me what is the story all about?", palibot libot ang teacher ko sa harap at naghahanap ng taong sasagot sa kanyang katanungan.


Tss...Monday na naman.Balik school na ulet, nakakapagod na.Buti pa itong prinsepe ko sarap na sarap sa pagtulog, di kasi sya sinisita ng teacher kasi alam nyo na, crush ng teacher ko yan.Binalaan ko na nga yung teacher na yun na sisitahin ko sya sa trabaho kapag lumapit sya sa prinsepe ko at buti naman nakinig sya.


Hayy....nakakatamad.Kumusta na kaya si Shawn?


Ayy, teka bakit ko ba iniisip yung lalaking yun as if may pakealam sya sa akin.Binaling ko na lang ang tingin ko kay Dark.Ang gwapo talaga nya, kaya ang swerte swerte ko eh, kasi ako ang minahal nya at hindi si Thalla, speaking of Thalla.Mukhang nananahimik ata sya ngayon ah, ayy buti na yun, manahimik na lang sya habang buhay para di na nya agawin sa akin ang mahal ko.HAHAHAHAHA !~_^

"Class, you may now take your rises goodbye.", with that umalis na si mam.Hindi ko namalayan na time na pala, lutang ako eh.

Sinimulan ko ng ligptin ang gamit ko at tumayo na saka ginising si Dark.

"Dark, huy gising na rises na.", pilit ko syang niyuyugyog para gumising tas bumangon na sya.

"Prinsesa naman,ang sarap sarap pa ng tulog ko oh?Tsk, tara na nga baka nagugutom ka na.", hinigit na nya yung kamay ko

>////< like OMG hahaha kinikilig ako.


Nagpunta na kami sa cafeteria at dun sinalubong kami ng kabarkada namin.

Pero....parang may kakaiba, parang may nag-iba kina Trish at Joshen.Yung Joshen na dating tahimik lang sa tabi ngayon aba at ang sweet sweet kay Trish, nakikipagharutan na.


"Tama na nga babe, hindi na nakakatuwa ah", pagpipigil ni Trish kay Joshen na halata mong ang saya saya, ang saya saya nilang dalawa, pero hanggang kailan kaya?hanggang kelan sila magiging masaya ng ganyan?

Ito namang sina Veronica at Skye parehong may hawak ng cellphone, kausap ata nila yung date nila mamayang gabe, tsss...mga ito kitang kita naman na may gusto din sa isa't isa pero pinipigilan nila, at nung dumako naman ang tingin ko kina Strike at Arnica well, parang di nag eexist ang isa't isa para sa kanila, tuloy lang sila sa pagkaen eh.

"Hi Guys" bumati naman ako sa kanila.


"Hi Girl!, naks naman ano yan huh?", sabay nguso nya sa kamay namin ni Dark na magkahawak.


Ihhh..... >///< grabe pedeng kiligin?hahahahaha joke.


"Kamay, asan na common sense mo Veronica?", sarap mambara ah, umupo na rin kami sa tabi nila para kumain.


"What I mean is bakit magkahawak ang kamay nyo, yieeeehhhhhhh don't tell me kayo na?", mapang asar na tanong niya sa akin.


Teka...hindi naman kami ah, pero narealize ko parang kami nga na sa totoo naman eh hindi talaga kami.Gets nyo?Kasi teka hindi pa nga sya nagtatanong sa akin kung pede nya akong maging girlfriend tas nagpapahawak na ako ng kamay?Tsss....alam ko na magiging mag-asawa na din naman kami pero ano ganun lang yun?walang girlfriend boyfriend as in?

"Hindi pa!", sabi ko sabay bitaw ng kamay sa kanya.


"Wushuuuu, amin na kasi.", nakakaloko itong si Skye ah.

Napansin ko naman na sumimangot si Dark nung tinanggal ko yung kamay ko sa kanya pero hindi naman sya nagsasalita, siguro nagets nya rin na hindi pa nga sya nagtatanong -_-


Kumain na lang ako.Pero habang kumakain ako may naramdaman akong presensya na nakatingin sa akin.Hindi ko sure kung kaklase ko sya pero iba sya makatingin eh.Lalake.


Hindi ko na lang sya pinansin at kumain na lang.Natapos ang araw ko ng maayos.Maraming ass pero keri lang naman basta nandyan si Dark hahahahaha math genius sya eh.


Andito na kami ngayon sa parking lot at napagdeisyunan na naming umuwi tutal nakakstress ang araw na ito, gusto ko ng magpahinga.

"Bye guys!Bukas na lang ulet", pumasok na ako sa kotse ni Dark at umalis na kami.Nag- bid na rin sila ng goodbye sa amin.


Habang nasa byahe tahimik lang kami ng biglang humangin ng malakas, bukas kasi yung window nung kotse nya at may naramdaman akong hindi maganda.Isang panganib.

"Prinsepe ko naramdaman mo ba yun?"

"Oo nga prinsesa eh, parang....parang may sumusunod sa atin."


Mukhang napansin nya nga din.Medyo gumagabi na at delikado na din.Kinakailangan na naming makauwi ng bahay as soon as possible.

Napansin ko ang isang itim na kotse na sumusunod sa amin.Wag mong sabihin na si Thalla na naman ito?Grabe ha hindi na ba sya napagod?

Lalong binilisan ni Dark ang pagmamaneho na halos lumipad na kami sa bilis, mukhang napansin nya din yung itim na kotse.

Pinilit kong magconcentrate hanggang sa makarinig ako ng tinig na mula sa malayo.

"Kailangan na kitang patayin prinsesa, ito na ang oras mo HA HA HHA AH AH A", tinig mula sa isang lalaki na animoy baliw sa pagtawa.Mukhang sya yung sumusunod sa amin.Nakakatakot na tinig ang pinapakawalan nya, para syang demonyo.

"Prinsepe ko, lalake sya.Naririnig ko sya, nakakatakot.....para syang baliw", nanginginig pa rin ako habang sinasabi yun kay Dark.


"No, wag kang matakot, poprotektahan kita, prinsesa ko andito lang ako.", hinawakan nya yung kamay ko para maiwasan yung takot na nadarama ko.


Parang bawat segundo mas lalong bumilis yung kotse na sumusunod sa amin at di ko na namalayan na napahinto na kami dahil nasa unahan na namin yung kotse.Bumaba na kami at nakita kong bumaba na rin yung tao mula sa kotse.

"Sino ka?! at bakit mo kami sinusundan?", isang maawtoridad na sabi ni Dark.


Ang lalakeng nasa harap ko, pamilyar sya.....sya yung lalakeng nakatingin sa akin kanina nung rises, sa school pero ngayon mas nakakatakot yung mukha nya, sobrang puti nya at pula ng mga mata nya, may umaagos pa na dugo mula sa bibig nya at......andami nyang tahi sa katawan.

"Ako? ako si Kenzo at nandito ako para patayin ang prinsesa...Dark", tugon niya na nagbigay sa akin ng goosebumps, kilabot...ang nadarama ko sa bawat pagsasalita nya, isa rin syang bampira.....masamang bampira.


Flashback....


Kenzo's POV


"Ilang beses ko bang sasabihin sayo Kenzo na hindi kita kayang mahalin huh?Si Dark lang ang mahal ko, ang prinsepe lang!!!!", sigaw sa akin ng pinakamamahal kong si Thalla.Wala akong naririnig alam kong ako lang ang mahal nya at hindi ang hangal na yun.


"Mahal kita Thalla, please...ano bang kailangan kong gawin para mahalin mo ako?", lumuhod na ako sa harap nya.Kahit ang sakit sakit na.


"Gusto kong dalhin mo sa akin ang ulo ng prinsesa, patayin mo sya at mamahalin kita", yun, yun yung sagot nya sa akin.

"Kung yan ang gusto mo, gagawin ko", at umalis na ako patungo sa kinaroroonan ng prinsesa pero bago yun pumatay muna ako ng tao, kailang ko ng lakas, kailangan ko ng dugo.


end of flashback.

Back to Zrechell's POV

"PAPATAYIN KITA!!!!!", tumakbo na sya palapit sa akin dala dala ang lagari na hawak nya at wala na akong nagawa kung hindi ang pumikit na lang.


itutuloy.....

My Butler's A VAMPIRE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon