"UNFAMILIAR FEELING"(gxg)

86 13 0
                                    

Maaga ako nagising dahil excited ako sa bago kong papasukan na school.
At dahil transferee ako ay dapat maganda ang impression nila sakin.
Kaya't nagmadali akong naligo at nag- almusal.

Nagsusuot ako ng sapatos nang biglang sumulpot si papa. Nakasabit ang helmet nito sa kanang braso at abala naman ang kaliwang kamay sa paglagay ng relo sa pulsuhan ng kabilang kamay nito.

"Ready ka na?" Tanung nito.

"Opo" malapad ang ngiti ko. Hindi ko maitago ang sabik sa pag kakaroroon ng bagong kaibigan at bagong paaralan.

Saktong alas siete kami nakarating ng school. Marahan akong bumaba ng motor at inayos ang palda ko.

Dumeritso kami sa principal's office upang itanung kung saan ba ang classroom ko. At nang maverify na ay pinasamahan kami ng isang head teacher upang maguide kami nito.

Namumuong kaba ang nararamdaman ko nun. Nasa tabi ko man ang aking ama, ay alam kong aalis din to maya-maya at kailangan kong harapin to ng mag-isa.

Dalawang building ang dinaanan namin bago namin narating ang mismong classroom ko.

Naunang pumasok ang guro na agad namn siyang binati ng mga studyante doon ng "good morning"

Sumenyas siya na pumasok na kami kaya dahan dahan akong nagtago sa likod ni papa.

Ang kaninang excitement ko ay tila natunaw nang masalubong ko ang mga titig ng mga studyante sa room na yun.

"Come hija, " nakangiting pagayaya ng isang teacher na marahil ay class adviser.

Lumapit namn ako agad dahil nasa akin ang atensyon ng lahat.
Nakakailang ngunit kailangan kong lakasan loob ko.
Hindi rin naman magtatagal at magiging kaibigan ko rin 'tong mga to.

"Mind of introducing yourself to us?" Malambing na wika ng guro.

"H-hi everyone, I-im J-jade M-Mendez ." Mahinang pagpakilala ko.

Nag angat ako ng tingin at ngumiti nang mahagilap ng paningin ko ang isang babae.

Napakaganda nya.

Kumunot ang noo nito nang mapansin sa kanya ako nakatingin.

"Please take your seat Jade," doon ko lang napansin na kanya kanyang labasan na nang libro ang mga studyante or should i say classmates ko.

Napalingon ako sa pintuan nang tawagin ako ni papa.
Nagpaalam ito na pupunta na sa trabaho.

Naupo ako sa last row. Nasa likod ako ng babaeng maganda na agad kong napansin kanina.

Yes,I'm attracted to girls. And  still can't figure out why I'm feeling this kind of shit when it comes to girls.

Biglang tumahimik ang lahat ng magsimulang magdicuss ang teacher.
Isa isa kong palihim na pinag-aralan ang mga itsura nito.

Katabi ko ay ang nakasalaming babae. Matangos ang ilong nito,may makapal na labi at kulot na buhok. Tutok ito sa pagsusulat sa notebook nya kaya hindi ko sya nakakausap.

Sa kabilang gilid ko naman ay halatang mayayaman at matataray. Sila yung tipong nabibilang sa spice girls. Ang apat na babaeng katabi nito ay halos magmukhang christmas tree na sa dami ng accessories at kolorete nito sa mukha.

Napatigil ako nang tawagin ako ng teacher at pinatayo.

"Now tell me Ms. MENDEZ, what are the similarities of metacognition and cognition....hmmm? ", nag-aantay ito sa sagot ko. Pinwesto ko ang dalawang kamay ko sa likod sabay pinagkokutkot ang kuko ko.

one shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon