II - Highway Mess

298 103 300
                                    

         SINAPAK ko s'ya. Sa kung paanong paraan ko nagawa 'yon sa sitwasyon namin ay di ko na matandaan. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at nasaktuhan s'ya. Agad niya akong ibinaba at ininda ang mukha n'ya.

       "Damn lady! Ano bang problema mo? Nagmamagandang loob na nga ako!" sabi nya habang hinihimas ang mata n'yang napuruhan ko. Nag-init ang ulo ko sa sinabi n'ya. Magandang loob?!Hah!

      "Wala akong pakialam sa pangalan mo! Bakit mo'ko binuhat?! Wag mo ipilit sakin ang ospital, baka ikaw ang ipadala ko doon na may tripleng galos kaysa sa meron ako," inis na sabi ko. Grabe ang pagpipigil ko na hindi machambahan at basagin ang panga ng lalaking 'to. Ang kapal ng mukha. Hinawakan ako. Ako?

    Tsk, ewan ko lang makapag ganyan pa s'ya kung hindi lang ako nangingimi. Mukhang mayaman baka mag himas-rehas ako. Delikado.

Dad should be proud of me. Ito ba ang sinasabi n'yang short-tempered? Tsk. Basic.

       "Ano bang sinasabi mo? Pinagbabantaan mo ba ako?" Tanong niya na may naglalarong amusement sa mga mata. Hindi ko napansin ang itsura n'ya. Gwapo, matangkad, at singkit. Mukhang manlolokong hapon.

      "Kung marunong kang umintindi, pagbabanta 'yon. Kung talagang matigas 'yang bungo mo, halika sasampolan kita ng pangalawa," sabi ko at humakbang pa. Nanlaki ang singkit n'yang mata.

      "Calm down!" pikon n'ya nang sabi. Napasabunot sya sa buhok nya na parang s'ya pa ang na-stress sa akin. Ipukpok ko kaya sa kanya 'yung nakalas na side mirror ng motor ko? "Ayaw ko lang managot kapag napaano ka dyan!" Dagdag pa n'ya, asar na asar na.

    Napapailing pa s'ya habang kinukurap ang kaliwang mata. Napalakas ata ang sapak ko. Napangisi ako sa inisip ko.

      "Yung motor ko alalahanin mo, wag ako. Mukha ba kong kaawa-awa ha?" sabi ko. Hindi ko alam kung tama bang nagsisigawan kami rito. Hindi ko rin malaman bakit ko pa pinagtatyagaan ang lalaking 'to.

      "Eh bakit ba ayaw mo magpadala sa ospital?!" madiing tanong n'ya. Tila ubos na ang pasensya at gigil na gigil na.

      Bakit ba hindi n'ya na lang ako sundin?! Tinignan ko lang s'ya sa nakakaasar na paraan atsaka tinalikuran muli. Ngunit talagang naghahanap s'ya ng gulo at hinila ulit ang braso ko kaya mabilis ko s'yang nilingon at muling sinapak.

      "Pucha. Alam mo bang masakit!?" sigaw niya na parang nahilo pa. Kunot ang noo at masamang-masama ang tingin.

      "Sinabi ng wag mo 'kong hawakan! Ang tigas ng bungo mo!" sigaw ko. Sa oras na 'yon sinagad na ang pasensya ko. Asar na asar na ako. Hinila ko ang kamay nya at inipit yon sa likod niya. Kapag pinalagutok ko 'yon, siguradong bali.

         Rinig ang hiyaw nya dahil lalo kong iniipit ang braso n'ya. Parang nawala ang sakit ng katawan ko sa asar ko sa lalaking 'to. "Ano ba? Ano ba! Bitaw! Baliw ka ba!?" sigaw niya habang pinipilit pumiglas pero walang magawa dahil mahigpit ang hawak ko sa kan'ya. Lalo kong idiniin 'yon at talaga naming sumigaw na s'ya.

       "HOY! Ano 'yan!" Napalingon ako sa sumigaw at nakita kong mga pulis iyon. Papalapit silang dalawa samin habang nakaturo pa. Binitawan ko ang lalaki at sabay kaming tumayo ng maayos at tumingin sa kanila.

Anak ng...? Bakit may parak na rito!?

      Nilingon ko ang paligid at nakitang nag-traffic pala dahil nasa gitna ng kalsada ang mga sasakyan namin at kasalukuyan kaming nag-aaway habang maraming nakikichismis. Nakakahiya!

      "May nag report sa aming may banggaan daw dito. Sumama kayo sa presintong dalawa. Akala ko pa naman nag-aagaw buhay na kayo. Nagpadala pa ng ambulansya! Anak ng? Nagawa nyo pang mag away sa kalsada! Hala sige! Pasok!" sigaw nito, inuutusang pumasok kami sa sasakyan nila.

The Chaotic DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon