VI - Manila's Magic

182 71 191
                                    

            "Ate Tamara!" sigaw ng batang hawak ni Selena. Pumalag ito sa ate at tinakbo ako at saka yumakap sa bewang ko. "Wow! You're so pretty, ate," sabi nito habang nakatingala sa akin. "Meet my puppy. She's Mazikeen!" pakilala nito at inangat ang kulay brown na tuta para ipakita sa akin.

           Ngumiti ako ng bahagya sa kan'ya. "Punta ka muna sa kwarto mo, Matt," atsaka tinapik ng mahina ang ulo n'ya.

           "Go to your room, Matthew!" sigaw ng impakta n'yang nanay. Nakanguso namang sumunod ang bata at tumakbo pa-akyat. Nakatingin pa 'ko sa sa kaniya nang marinig ang malumanay na boses ni Selena. S'ya yung tipong mahinhin na nakakainis pakinggan. Badtrip.

       "Bakit s'ya andito Dad?" tanong n'ya sa tatay na nakatayo at hinihilot ang gitna ng mga mata.

       Ang mga tauhan ay pinanatiling nakayuko ang ulo at hindi nakatingin sa amin. Hindi sila maaaring magbigay ng oras para makapagsolo kami sa pag-aaway rito dahil baka magkagulo.

Kapag itong mag-ina ang kaharap mo, sasapian ka talaga ng demonyo.

         "Inimbita ko s'ya," sabi ni Daddy. Nalukot naman ang mukha ni Selena. Ang pangit n'ya.

       "What? Why?!" sigaw n'ya. Parehas sila ng ina n'ya na nauulol kapag nagagalit.

         "What's wrong with inviting her in our dad's birthday?" singit ng hindi na nakatiis na si Silver. Nakakunot na ang noo nito at palipat-lipat ang tingin sa mag-ina.

        "Well obviously she doesn't belong in this fam--"

          "And you do?" putol sa kanya ni Silver. Nagtatakang tinignan s'ya ng dalawa habang sinasaway naman s'ya ni Dad.

          "Kung ang pagiging anak ni Dad ang basehan ng imbitasyon mo, hindi ka dapat nandito," walang prenong sabi ni Silver kay Selena na parang napapahiya at tumingin sa mommy nya. Tama 'yan Silver.

       "Silver, tama na," pagsasaway ni Dad na naiipit sa pagitan ng mga anak at ng asawa n'ya. "Tigilan ninyo ang away na ito! Hindi ako nagpahanda ng marami para rito!" malakas na sabi n'ya, bagama't galit ay hindi mawawala ang kalmado n'yang postura.

          Tumalikod ako at naglakad papunta sa pintuan. Ramdam ko rin ang pagsunod ni Silver sa akin. Minsan ay hindi mo maipagkakailang magkapatid kami, parehas kaming bastos.

         "Ano bang klaseng pagpapalaki ang ginawa ng ina nila sa mga batang ito?" sigaw ni Karina.

Anak ng? Hindi parin siya kuntento sa eksena n'ya kanina?

           "Para kayong walang pinag-aralan! Ang babata nyo pa pero ganyan na kayo sumagot? Hindi n'yo na ako nirespeto!" gigil na sigaw n'ya sa amin ni Silver.

        "Bakit, Karina? Totoo naman hindi ba?" Hindi ko mapigilan na magsalita muli. Gustuhin ko mang palagpasin ay parang hindi ko ata kayang hayaan syang gan'yan.

At isa pa, matagal-tagal na kaming hindi nagsasagutan.

        "A-Ano? Aba't talagang-" pinutol ko s'ya.

        "Hindi ako ang basura dito. Dahil sa ating dalawa, hindi ako ang pinulot para hainan ng pera Karina." Buong buo ang ngiti ko pero nanginginig ang kalamnan ko sa pagkapikon. "Kagaya ko lang naman kayong dalawa..." Huminto ako at tinignan si Selena. Napaiwas sya nang magtagpo ang mata namin.

         "Sampid. Tama 'di ba?" dugtong ko.

        "I SAID ENOUGH!" Dumagundong ang malakas na sigaw ng pangulo. Hayun ang boses n'yang kinakatakutan ko. Kapag naririnig ko ay parang durugo ang tenga ko. Nanahimik kaming lahat.

The Chaotic DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon