Prologue

415 128 228
                                    

     "Sino ka ba sa tingin mo?" galit na bulyaw ko. Nanginginig ang boses ko at kakaiba na ito sa pandinig ko. Nangingilid na rin ang mga luha kong kay tagal kong pinigil. Tumingala ako at huminga ng malalim para pigilan ang mga ito.

      "Ang kapal ng mukha n'yong ganituhin ako," usal ko habang nakatingala. Ibinaba ko ang tingin ko at ibinigay ang pinakamalamig na tingin na kaya ko. Nakita ko ang pagkabigla n'ya.

       "Hindi ko gagalawin 'yang babae mo kung hindi n'ya ko kinanti una pa lang. Malay ko bang hindi mo pala alam ang tama sa utak n'yan kaya dito ka naghuhumiyaw," saad ko at umisang hakbang patungo sa nabibigla n'ya pa ring mukha.

Bakit parang ibang tao na ang kaharap ko ngayon?

      "Tamara." Binanggit n'ya ang pangalan ko sa malumanay na tono. Pinapahinto ako, inaalo, pinapakalma. Hindi ko alam kung bakit may munting kirot na nanaig sa dibdib ko. Iba ang tono nito sa nakasanayan ko.

I used to love hearing his voice saying my name. Who would have thought this could sting like this?

       "Bakit hindi mo subukang ipatingin 'yang utak n'yong dalawa? Tutal pareho naman kayong sinto-sinto sa paningin ko," mahina kong sagot. Noon ko lang naramdaman ang dami ng taong sa amin ay nakatingin, nahiya ako.

       Napakadungis ko at halata ang mga sugat sa braso ko. Napakagulo na rin ng buhok ko, lukot ang uniform ko at hindi na pantay ang medyas ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang ganito. Nilingon ko sila at may ibang natatawa, naaawa at walang pakialam.

Bakit ko hinayaang ganituhin ako?

      Ibinalik ko ang mga mata ko sa dalawang taong nasa harapan ko. Isang makisig na lalaki at isang kaawa-awang babae. Inaalo ng lalaki ang isa na sya namang humihikbi. Nakatutuwang tignan para sa iba pero sa paningin ko, wala ng mas kasuklam-suklam pa rito.

     Parang nakalimutan na nilang andito ako sa harapan nila. Nakakatawa. Nakakaawa.

      Ngayon ko lang naintindihan kung ano ako sa buhay nila.

      "Alex," pagtawag ko sa pansin niya. Unang beses ko s'ya tinawag sa pangalan nya. Kahanga-hanga na hindi s'ya nabigla. Tumingin naman siya sa akin sa paraang hindi ko nakasanayan.

      Nakakapanibago ang lahat sa'yo ngayon. Nakalimutan mo na ba ako?

      "Kung pwede lang, wag mo na akong lalapitan kahit kailan." Napalunok ako, pilit na nilululon ang bikig na nananatili sa lalamunan ko. "Wag mo na ako kakausapin." Napabuntonghininga ako.
"Magkunwari ka na lang na hindi mo ako kilala." Tumingin ako ng diretso sa mga mata nya at parang bigla na naman akong naliyo pero pinigilan ko ang sarili ko. "Nakikiusap ako, ayaw na kita sa buhay k--"

       "Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan sa boyfriend ko sa harapan ko, Tamara!" buong paghinanakit na sabi ng babaeng katabi niya. Nakakuyom ang mga kamao nito at parang handa ng saktan uli ako.

      Tama. Boyfriend n'ya si Mizuki. 'Yon ang dapat kong tandaan.

      Nginisihan ko sya kagaya ng dati ko nang ginagawa, may pailing-iling pa at sa pinakasarkastiko kong boses ko piniling sagutin s'ya.

       "Wag mong ipagmalaki sa akin ang nobyo mo, Selena. Saka mo na lang ako yabangan kapag nagawa n'ya nang pigilan ang galit kong sumasalubong sa'yo. Wala kang control sa anumang sabihin ko. H'wag kang makialam." Napakunot ang noo nya, nananatiling galit. Walang kapantay ang gigil ko sa baliw na 'to.

       "Tandaan mo 'tong mga sugat ko, Selena. Kabisaduhin mo ng maigi. Ingatan mo sarili mo. 'Pag natyempuhan kitang mag-isa, baka humagis ka."

      "Tamara, ano ba!?" sigaw ni Mizuki. Noon ay wala na kong nararamdamang lungkot, nangingibabaw ang inis at nginig ng kamao kong manakit. Hindi ko sya tinignan at pinili kong tumalikod.

Sa kanya,

Sa nararamdaman ko,

Sa lahat.

      I am Tamara Hope Samaniego, the President of the Philippines' prodigal daughter. Independent, a rebel, short tempered student...

and I don't give chances.

The Chaotic DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon