XII - Threat of Antiques

85 29 63
                                    

MONDAY
9:46 AM
UNIVERSITY OF SAINT AQUINAS
SEPTEMBER 2018

        "Are you ready students?" Malakas ang hiyawan.

       Nangingibabaw ang nakabibinging tambol na paulit-ulit pinapalo. Umiindak rin sa harapan ang mga cheerleaders habang sumisigaw ng pangalan ng paaralan ko. Nagkalat ang mga iba't-ibang kulay ng lobo, depende sa eskwelahang may dala nito. Lahat ay nagsasaya, mataas ang dugo at nangigigil sa panalo.

     Karamihan ay nakasuot ng kani-kanilang batch shirt na may tatak ng paaralan nila. Ang amin ay berde na may serpent sa likod.

      Ang mga varsity ng USA na gaya ko, pare-parehas na naka-jacket na kulay berde at puti na may apelyido sa likod. May serpent rin itong logo sa may kanang dibdib.

      Masyadong maligalig ang lahat, aktibo ang adrenaline at halos talunin ang isa't-isa.

     "Bukas ang start ng pageant ko, Tamara. Kinakabahan ako, kalaban ko si Selena," halos pasigaw na sabi ni Art na nasa gilid ko. Napakaingay ng paligid, halos hindi ko siya marinig.

    "Ba't? Takot ka ron eh ang pangit non," sagot ko sa kaniya.

      Nasa tapat pasilyo kami ng Grade 12 building sa second floor habang nakatanaw sa napakalaking quadrangle. May mga estudyanteng nagsisigawan para sa kani-kanilang school. Sa pagkakaaalam ko ay nasa pitong school ang narito ngayon.

      Basketball ang unang laro, habang ang archery ay nasa pangatlo kasabay ng badminton. Hindi man buong populasyon ng mga eskwelahan ang nandito, parang maduduling ako sa dami nila.

      Sa USA gaganapin ang lahat ng sports na naka-schedule ngayong araw. Magpapalipat-lipat kami ng lugar sa loob ng isang linggo.

       "Alam mo ba, sa practice namin inaway niya ako. Ginupit ko raw kasi buhok niya. galit na galit siya kapag kami lang dalawa," sumbong niya sa akin. Sinimangutan ko siya.

       "Siraulo ka kasi e. Bakit mo ba ginupit buhok no'n? Hindi mo alam ang topak ng babaeng 'yon," inis kong sabi. Ngumuso naman siya.

       Sa loob ng tatlong linggo ay wala kaming ginawa kundi mag-practice. Si Art ay naging busy sa pageant niya, full support sa kaniya ang mga pinsan namin lalo na si Astrid na tuwang-tuwa.

      "Inutusan ako nila Kuya Aries at Hades hehe saka galit din ako sa kaniya kasi tinulak niya ako sa hagdan sa mansyon n'yo," pagdadaldal niya.

      "Ano!" sigaw ko sa kaniya. Anak ng...
Napakuyom ang kamao ko. Tinulak?

     "Ayos lang. 'Di naman ako nagka-injury and nagupit ko naman ang buhok niya," sabi niya saka nginitian ako nang napakalaki. Niyakap niya ang braso ko at idinikit ang pisngi roon.
 
     "I know everyone's excited for our interhigh school sports competition! Before we proceed, let us start the ceremony with a prayer led by Ms.Calibri Rosette. STUDENTS!" Nagulantang ang mga nag-iingay pa ring estudyante sa sigaw ng MC. "Please be quite and settle down for a while," pakiusap nito saka tinawag si Calibri sa harapan ng entablado upang magdasal.

     Tumayo ako nang maayos at tinitigan siya habang payapang nagsasalita sa harap. Suot niya ang parehong jacket ng akin at nakaputing pantalon.

      Magaling siya, aaminin kong pinahanga ako ng improvement niya sa loob ng tatlong linggo. Marunong rin siyang isantabi ang personal naming isyu kapag nasa training kami. Kinakausap niya ako nang pormal at sinasamaan ng tingin kapag nasa labas ng field.

The Chaotic DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon