I - Sunday Bloody Sunday

383 123 345
                                    

SUNDAY
9:35 AM
Kawit,Cavite
August 2018

~ I can't believe the news today

Oh, I can't close my eyes

and make it go away~

      Nangibabaw ang malakas na tugtog sa speakers ko. Mahina kong sinasabayan ang malinaw at lumang tugtugin sa mahinang boses at manaka-nakang sumusunod ng ulo ko. How I love old songs.

      Pinupunasan ko ang mga paa ng lamesa nang tumunog ang cellphone ko dahilan para maputol ang tugtog. Ibinaba ko ang basahang hawak ko at padabog na sinagot ito.

      "Hello?" Inikot ko ang tingin sa apartment ko na kasalukuyan kong nililinis.

        Lintek! Bakit nandito na naman sa pinto ng CR ang tuwalya ni Alliah? Ilang beses ko ba s'yang sasabihan!?

Mas napasimangot ako sa nakita ko.

       "Ang aga-aga naman nyan, Tamara," sagot ng kausap ko. Nanlaki ang mata ko at sinilip ang Caller's ID. Bat tumatawag 'to?

      "Anong kailangan mo?" tanong ko sa bored na tono atsaka pinulot ulit ang basahan at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Ang aga mo naman tumawag," dugtong ko pa.

      "Ang sama talaga ng tabas ng dila mo, Tsk." Naisip ko agad ang mukha n'yang nakakunot at nakanguso pa. Parang tanga kahit kailan. "I called to check up on you kaya," sabi n'ya.

        Tumayo ako at pumunta sa ref para uminom ng tubig. Diniretso kong ininom ang laman ng 1liter kong tumbler tsaka sya sinagot.

      "Wag mo 'kong bolahin, Astrid. Anong kailangan mo?" sabi ko at paunti-unting gumuhit ang ngisi sa labi ko.

      "Anong Astrid?! Ate mo ako, Tamara! Lintek ka talaga!" Siguradong nanlalaki ang butas ng ilong n'ya. "Nakakainis ka kahit kelan," dagdag pa n'ya pero sa mahinang tono na.

      "Eh ano nga kasing kailangan mo 'ate'?" sabi ko na dinidiin pa ang salitang ate para manahimik na siya.

      "Di na talaga kita malambing e 'no? Tsk!" Hindi ako sumagot. Sumandal ako sa lababo habang inaayos ang ibabaw ng ref. Maya-maya'y narinig ko ang buntonghininga n'ya.

   "Dad wants you in his birthday, Tamara," sa wakas ay idineklara n'ya. Tumaas ang kilay ko.

     "Bakit?" simpleng tanong ko pa. Walang pakialam.

      "Anong bakit? Hibang ka ba? Syempre!" sabi pa n'ya na parang hindi kapani-paniwala ang naging sagot ko. Natawa ako ng sarkastiko.

       "Nakalimutan mo na ba ang posisyon ko sa pamilya n'yo?" pabalya kong sagot. Rinig ko ang singhap n'ya.

       "Tamara ano bang sinasabi mo?" sabi niya sa mababang boses. Nabibigla, nasasaktan.

       "Darating ako, pakisabi," sabi ko atsaka ibinaba ang tawag. Nagpatuloy ang tugtog ko sa malakas na volume.

~How long?

How long must we sing this song?

How long?

How long?~

     Itinuloy kong I-arrange ang ibabaw ng ref nang marinig ko ang boses ni Alliah, housemate ko.

The Chaotic DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon