IV - President's Son

231 83 200
                                    

           NANATILI ang tingin ko kay Silver. Hindi ko alam kung anong uunahin kong gawin. Sakalin si Art at Mizuki o takasan si Silver? Pero iisa lang ang sigurado, banaag ang matinding pagtataka at inis sa mga mata ko.

        Nakita ko kung paano magkagulo ang mga nakakakita sa kanya. May ibang nagtataka, may ibang nanlalaki ang mata, aba't may kumukuha pa ng pictures.

Akala mo naman may artista.

          Yung iba'y nataranta at na-intimidate sa dami ng bodyguards na dala ni Silver. Apat ang bodyguard na nasa likod ng kotse na sinasandalan ni Silver. Lahat ito ay nakaitim at pawang walang emosyon ang mukha.

  Lintek. Magsusundo lang madami pa ring dalang abubot.

      Isa sa mga consequences ng pagiging anak ng presidente ay ang kawalan ng privacy. Labas sa media ang mukha ni Silver kaya naman kahit sa'n siya pumunta, may mga kasama s'ya. Parang preso na walang kalayaan, isang dahilan kung bakit pinili ko ang ganitong buhay.

Delikado nga naman baka bumulagta s'ya sa daan. Napakahambog pa naman ni Silver kahit kailan.

          Nakakatawa ang reaksyon ng karamihang babae na nandito. Parang sinisilihan ang mukha sa sobrang pula. Hindi ko sila masisisi, gwapo si Silver. Samaniego 'yan e. Mayabang dahil may ipagmamayabang.

         Nakasimangot parin s'ya at diretsong nakatingin kay Mizuki na parang nabigla rin.
      
        Magkasing tangkad sila at magkaparehas ng lakas ng dating. Kaya naman parang nasisilaw ang iba sa parking lot sa paglalapit ng dalawang 'to.

Pucha. Bakit kasi nagpakita si Silver dito? Hindi ba s'ya nag iisip?

      Kapag nalaman nila ang koneksyon naming dalawa, siguradong sira ang tahimik kong buhay. Hindi ko maiwasang mainis pa lalo. Napaka-impulsive kahit kailan!

           Pinandilatan ko s'ya ng mata. Umaasang maiintindihan n'ya ang gusto kong sabihin. Hindi nawala ang simangot sa mukha ni Silver, bagkus ay tumango s'ya at inirapan ako.

Mamaya mo paganahin ang pagiging masungit mo Silver.

          Tumalikod s'ya at sumakay sa van kasama ng mga bodyguards. Umalis ang van na kanina'y pinagkakaguluhan.

           Alam ko ang ibig sabihin no'n, hihintayin n'ya kami. Hindi na'ko makapaghintay kwestyunin ang pagpapauto nya kay Artemis. Hindi ako nabigla nang mapuno ng bulungan ang parking lot.

Nanggigigil ako. Alam na alam mo lahat ng ayaw ko Silver pero ginagawa mo pa rin.

        "Si Silver Samaniego ba talaga 'yon?!" sabi ng isang babae habang nakatingin sa'kin ng kakaiba.

         "Nakakatakot baka may bumagsak na bomba dito ah." Napaka OA naman non.

         "Anong ginagawa n'ya rito? Kakilala n'ya ba sila? Nilapitan yung transferee tsaka si Tamara."

          "Girl, Samaniego si Tamara. H-Hindi naman siguro sila magkamag-anak 'di ba?"

           "Hala Cindy! Oo nga pala. Hindi ko naman iniisip 'yon kasi common na apelyido ang Samaniego pero bakit andito si Silver? Baka tama ka beh. Takte!" Napapikit ako sa narinig kong sabi ng isa.

            "H-Hindi naman siguro. Baka si Alex 'yung pinuntahan kasi magkasing gwapo sila oh.  Shocks imposible girl!"

         "Tanga ka. Anong koneksyon ng kagwapuhan nila? atsaka anong imposible e magkaapelyido nga sila."

The Chaotic DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon