B R I E L L E . S .
"Bakit hindi mo pinigilan?!"
"Pinigilan ko nga kasi! Ayaw lang makinig sa akin!"
"Kuya Kyle, Brielle, tama na."
"Bro, kalma ka lang."
"Sana ginawa mo 'yung best mo para mapigilan siya! Paano kung may mangyaring masama sa kaniya?! Lagot ako kay tita!"
"Hallleerr?? Baka nakakalimutan mo kuya, isang pasaway na babae si Aria. Kahit gawin mo pa ang best mo, kahit tawagin mo pa ang lahat ng santo sa langit o mga halimaw sa impiyerno, at kahit magyelo pa sa lunggang iyon ni satanas, hindi natin siya mapipigilan gawin ang gusto niya. Kaya kung ako sayo, maghihintay nalang ako hangga't makauwi si Aria kaysa naman magbunganga at magsayang ng laway sa harapan ko!"
Ayun. Natulala sa akin ang mokong.
Hindi naman siguro obvious na nag-aaway kami ni kuya, 'di ba? Kasi naman, 'e, sobra kung mag-alala kay Aria. Ayaw kasi magtiwala, parang tanga.
4:30 palang at 4:00 noong umalis si Aria. Nakabalik na sina kuya Kyle at kuya Clyde. Pagkadating nila, aalis na sana sila Caitlin pero nagtigil nang magsimula kaming magsagutan ni kuya.
Nadamay tuloy.
*BAAAGG*
"Ay puk-"
"Bakit ka umalis?! At bakit ka nagdada...bog..."
Alam niyo nangyari? Nothing special naman. Natiklop kasi bigla ang isang Kyle Skye nang dahil sa isang maka-pangyarihang Aria Skye. Akalain niyo 'yun? Isang tingin lang ni Aria kay kuya, BOOM! Matatahimik bigla.
"K-kamusta lakad m-mo?" sabay na tanong ng magkapatid at sabay din na nautal. Sychronized ah?
"Hmm," 'yun lang ang narinig namin mula sa kaniya at umakyat sa kuwarto.
"You are dealing with this everyday? You both need an award," hindi makapaniwalang sambit ni kuya Clyde at pabagsak na umupo sa sofa. Ganoon din ang ginawa ni Caitlin at mahinang napatawa.
"At bro, hindi ako makapaniwalang under ka ng dalawa mong prinsesa," natawa nalang ako sa dagdag ni kuya Clyde at napailing.
"She's not in herself."
"What do you mean baby B?"
"Let's just say that, Aria is more scarier whenever she's angry."
//
haloooo,
sorry kung napapadalas minsan
ang narrations ko dito. May
mga situation kasi na hindi pwede through messages kaya I can't
help not to narrate. Hope
you'll understand, my lovely
readers! Stay safe!
\\
BINABASA MO ANG
president ' ep.1 || EDITING
Romance₍ 📣 ₎ synopsis "You will pay for this!" "Sorry na nga, 'e!" ↬A story in which ; the student council's president accidentaly spilled some hot coffee into the principal's son. ↬full moon high epistolary 📁i. mysticyangiel↫ - {☕.}