Patuloy lang siya sa paghila sa akin hanggang sa makarating kami sa harap ng Mommy at Daddy niya. Nakangiti ang kanyang nanay habang nakatingin sa amin.
"We're going to leave now, mom." Nagulat ako dahil sa sinabi niya at gano'n din ang kanyang ina.
W-what? Leave? Hindi pa nga tapos ang party ng kanyang Mommy tapos kakarating lang din namin dito.
Umiwas ako nang tingin sa Mommy niya nang tumingin siya sa akin.
" Son, the party is not yet done! What's wrong, huh? Did something happened?" Nag-aalalang tanong ng kanyang nanay sa kanya.
Huminga siya nang malalim dahil doon. "I'm sorry, mom, but we need to leave now. Happy birthday." He said before he kissed his mother's forehead.
Parang may humaplos sa puso ko nang makita ko iyon. He really loves his mother. Ganyan na ganyan din siya sa akin.
"But, son. Hindi mo man lang ba hihintayin si Andia? She's here earlier, hinahanap ka din niya." My smile was gone for a moment because of his mother's said.
Lumingon si Rhettius sa akin at gano'n din ang kanyang ina sa akin. Umiwas ako nang tingin sa kanila dahil ayaw kong makita nila na naapektuhan ako doon.
"Mom, please! We're going to leave now. I'm sorry." Mariing sabi ni Rhettius bago ulit ako hinila paalis doon.
Nakayuko lang ako habang ginagawa niya iyon sa akin. Huminto siya saglit para tingnan ako. Tinaas niya ang aking mukha at hinaplos niya iyon.
"I'm sorry" Hindi ako sumagot doon at nanatiling nakatingin lang sa kanya.
Pinikit niya ang kanyang mata bago ako niyakap nang mahigpit.
"Rhet?" Parehas kaming napalingon nang may tumawag sa pangalan niya.
And I saw Andia looking at him with her big smile on her face pero kaagad napawi ang mga ngiti niya nang unti-unti siyang tumingin sa akin.
"Y-you invite Selen here?" Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot habang nakatingin sa amin lalo na't nang bumaba ang mga mata niya sa kamay ni Rhettius na nakahawak sa baywang ko.
"Of course, she's my girlfriend!" Rhettius said. Tumingin siya kay Rhettius bago niya ito nginitian.
"C-congrats, then." She smiled at us, but behind her smile, I can see that there's sad that she was hiding there.
Tumango lang si Rhet sa kanya bago niya ulit ako hinila palayo doon hanggang sa makarating kami sa Mercedes niya.
He was silently driving his car while I was busy staring at him. Gusto ko siyang kausapin pero nahihirapan ako kung paano ko sisimulan.
BINABASA MO ANG
A Night With Selenophile (Untamed Heart #2) ☑
General FictionRhettius Dior Cervantes Selenophile Renée Vilamalla