Chapter 30 (Stungs and aches)

21 4 0
                                    

The Heiresses

Hazmaein's P.O.V

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan sa kalsadang tahimik at madilim. Kung saan ang patungo'y kapahamakang 'di man lang nakakapagpakaba sa'kin. I only feel right now is rage, and hatred! Dahil sa loob ng kutang 'yon ay isang makating higad na may breed ng pinakamakamandag na ahas. Ang traydor'ng 'di ko inakala.

Ang kaniyang inosenteng mata ay may nakakubling matang na sagad ang inggit, na sa likod ng kaniyang matamis na ngiti, ay ang ngising nakakakilabot, at sa likod ng kaniyang pagiging mabait ay isang demonyong sagad na ang galit. Such a shame that an Alonzo was been tricked and deceived by someone who's just nothing in the first place!

Napahigpit ang hawak ko sa manibela kasabay ng unti-unting pagbilis ng takbo ng sasakyan ko.

Lumiko, kumanan, kumaliwa, ang ginawa kong pagkambya ng sasakyan ko. Lubak-lubak ang daan dahil malayo na ito sa kabihasnan. Unti-unti kong pinadahan ang takbo nang sasakyan ko nang maaninag ko ang lungga ng mga ahas. Bagay na bagay sa kanila ang paligid ng resthouse nila. Mula sa tagong kuta na pabilog ang bubong na animo'y lungga at matataas na talahib at mayayabong na dahon ng puno. Bagay na bagay sa mga ahas na gusto munang magpahinga mula sa siyudad. Damn it! What am I thinking?! Hindi ko na dapat pang iugnay ang gagawin ko sa dalawang traydor sa buhay ko! Hindi ko siya ipaglalaban! Hinding-hindi!

Akmang lalabas ako sa sasakyan kong nang may isang pamilyar na sasakyang patungo mismong bungad ng tagong lugar na 'yon. Napalunok ako kasabay ng unti-unting panlalabo ng mga mata ko. Sa gitna ng kadilimang nagkukubli sa'kin at katahimikang yumayakap sa kapaligiran kasabay ng mahinang apyas ng mga dahon ay ang pag-usbong muli ng sakit, pagdaramdam, pighati,at kataksilan!

Bumaba ang siya sa sasakyan niya. Agad siyang sinalubong ng babaeng tinarakan ako ng punyal sa aking dibdib at dahan-dahan iyong hiniwa. Napaupo ako muli sa upuan ng sasakyan ko at napatungo. How can they smile like that when they know that they've hurt someone who trust them so much? How can they breath and sleep peacefully when there's someone they've broke?

How I wish, na ang bawat pangakong napako ay kasabay ng kanilang salita ay maglaho. For them to vanish so with their broken promises. Kasi, their promises made someone hope. Made someone hold unto that and how their words broke a world that was painted with different colors.

Matagal akong nakatungo habang hinahayaan kong maglandas ang aking mga luha sa aking pisnge. Hinding-hindi kita ipaglalaban pero may karapatan parin akong masaktan. Dahil kahit ayaw kong aminin sa sarili ko, alam kong bawat pintig ng puso ko'y ikaw parin ang gusto nito. Pero, hindi sa lahat ng pagkakataon pinapairal ang emosyon. I am an Alonzo, and we always make our minds more functional than our hearts.

Huminga ako ng malalim at tinanaw ang kanilang pwesto kanina. Wala na siya at ang sasakyan niya sa kaninang pinaglalagyan nito. I can't do my attack! Not when he's around. Hindi pwedeng magtagpo ang landas namin habang siya pa ang gusto ng puso ko. Hindi maari!

"Sobrang swerte mo naman, Jasmine. Palaging may tao sa tabi mo para pasayahin ka. You're so lucky pero 'di ka man lang makontento at nang-agaw ka pa ng pag-aaring 'di sayo." Madiing sambit ko habang nakatanaw sa resthouse na ginawa nilang kuta. Nagliyab muli ang galit sa aking mga mata habang naaaninag kong mula sa glasswindow ng second floor ng resthouse ay ang pigura ng lalaking nakayakap mula sa likuran ng babae. What a scene! What a hurtful scene! Imbis na ilihis ko ang aking paningin ay parang may tila nanghihila sa'kin para tignan sila. Sinasabi ng isip kong pagmasdan silang maigi kahit kapalit nito'y kirot sa aking dibdib. Saad nito'y namnamin mo ang kirot at sakit para tuluyan ng mamanhid.

The HeiressesWhere stories live. Discover now