SKY
I woke up to rustling sounds near me, when I opened my eyes all I saw was white. My ghad patay na ba si accho? Anyare ba? Nasan ako? Nagpapanic kong tanong sa isip ko.
"Gising ka na pala. Kamusta pakiramdam mo?" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses sa kanan nakita ko ang isang nurse na palapit sakin.
"Nasan po ako? Anong nangyari sakin?"
"Dinala ka kanina dito nila Mrs. Andrada you passed out and you're in heat. Mukhang na triggered ni Mr. Mendoza ang heat mo, malapit ka na ba sa cycle mo this month? Heto inumin mo muna tong suppresant. Alas quarto na ng hapon kailangan mo na inumin tong second dose mo." sabi niya at inabot sakin ang isang pill at isang baso ng tubig.
Nangunot ang noo ko at napa mental face palm habang bumabalik sakin ang alala ala ng kahapon! Charot! Mga nangyari kanina pumasok ako sa loob ng opisina ni Sir. Ethan tapos.. tapos nagkatitigan kami and my ghad! Wag mong sabihin na triggered niya ang heat ko?! Nakakahiya shet!
"Thank you ate." namumula kong panimula at pasasalamat pagkakuha ng gamot at tubig, ininom ko muna ito na saka nagpatuloy. "Hindi pa naman po. Next week pa po talaga ang cycle ko.. Hindi ko rin po alam bakit nag triggered to ng maaga?" pagtataka kong tanong sakanya.
"Well normally ang heat ng isang carrier ay nangyayari talaga every cycle niya for 3 days pero may mga exception kagaya ng kapag may nag stimulate ng nito. Kagaya na lang kapag ang pheromones ng isang Breeder ay sobrang potent.. Kaya possible na matrigger talaga ng mas maaga ang heat ng isang carrier at vice versa sa rut ng isang breeder. Ibig din sabihin compatible ang bearer at ang carrier na to." mahaba niyang palinawanag sakin.
Ah kaya naman pala get- wait hanu DAW?! Tama ba rinig ko? Nanlaki ang mata kong napatingin sa nurse. "T- teka ate sa anong ibig mong sabihin na v-vice versa sa rut ng isang Breeder? Ibig mo bang sabihin na triggered ko ang rut ni Sir Ethan kanina?" naloloka kong tanong sakanya. Shuta! Eto na ba yun? Bakit ang sikip ko pa rin?! Wala bang nangyari?! Ay ang harot oh!
"Tama, kanina bago ka dalhin dito ay nauna siyang pumunta sakin para humingi rin ng suppressants para sa kanya. Anyway ibinilin niya sakin na pagpagkagising mo ay pauwiin na raw kita."
"Pero paano po yung trabaho ko?"
"Ayos lang, tumawag siya kanina bago ka magising and he instructed na next week ka na lang daw magsimula sa trabaho."
Napatango ako sa sinabi niya.
Pagtapos niya akong icheck at pagbilinan na inumin ang suppressants ko every 8 hours sa 3 days na duration ng heat ko ay pinayagan niya na kong lumabas.
Nagpasalamat ako at nag decide na rin na umuwi since patapos na rin naman ang araw.
Paglabas ko ng clinic nakatanggap ako ng tawag. Nakita ko ang pangalan ni Star nag faflash sa screen kaya sinagot ko to.
"Hello bakla nasa clinic ka pa? Tinawagan ako kanina ni Mrs. Andrada sabi dinala ka raw sa clinic nagpunta ako diyan kanina kaso tulog ka pa. Anyare beks? Diba next week pa cycle mo? Ano ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong niya. Wow I feel the love! Concerned ang ogre sister ko!
"Thank sis. Mamaya ko na lang sa bahay papaliwanag. Okay na ko nandito na ko sa labas ng clinic, pinauuwi na ko yun daw kasi ang utos ni Sir Ethan pagkagising ko pauwiin na raw ako. Ikaw?"
"Okay antayin mo ko sa labas na lang tayo ng building magkita sabay na tayo umuwi nagpaalam na ko kanina eto pababa na ko."
"Okay go. Antayin na lang kita doon." sabi ko sakanyan at pinatay na ang tawag.
Lumabas na ko ng building at habang naghihintay kay Star nakatanggap na naman ako ng tawag galing naman kay Mrs. Andrada.
"Hello, Sky? Ano ayos ka lang ba? Natanggap ko yung email na sinend ng nurse sabi niya pinauwi ka na raw niya. By the way nag sabi sakin yung head ng Creative Team pinagpaalam niya yung kapatid mo para sabay na kayo umuwi."
"Ah opo Mrs. Andrada ayos na po ako. Nandito na po ako sa labas ng building nasabi na nga po niya kanina inaantay ko na lang si Star para makauwi na kami. Pasensya na po talaga sa abala kanina. Hindi ko naman po akalain na aaga yung cycle ko this month." pagpapaumanhin ko.
"That's good to hear. Ano ka ba ayos lang! Sir Ethan said na next week ka na lang daw mag star don't worry bayad ka this week. The company takes very good care of it's employees kahit bago pa lang ito."
"Talaga po? Salamat! Paki sabi na rin po kay Sir Ethan thank you and sorry po sa abala!"
"Will do. O siya take care! See you next week hopefully hindi na to mauulit. Hahaha bye Sky!" ay wow nag joke close tayo sis? Lol!
"Haha sana nga po eh! Hahaha thank you po ulit Mrs. Andrada see you next week bye!" natatawa kong paalam sakanya.
Pagbaba ko ng tawag nakita ko na si Star na palabas ng building.
"Ano baks sino yun? Anyway sure ka okay ka na? Tara uwi na tayo tinawagan ko na rin sila mama nag hysterical na sila dahil sayo" sabi niya paglapit niya sakin."Eksaherada na naman siguro yung pag kukwento mo kaya sila nag hysterical! Tara na nga uwi na tayo baka ma paano pa si mama sa bahay." nakataas kilay kong sabi sakanya.
At pumara na kami ng taxi para diretsyo na kami pauwi.
Habang nasa biyahe I can't stop thinking about what the nurse said.. Totoo kaya na na triggered ko yung rut ni Sir Ethan? Compatible nga ba kami? OMG! Flex ko sa mga chismosang kapitbahay maiingit kayo! Mga sikat na love team diyan step aside kabahan na kayo at maghanap na ng bagong trabaho! Charot! Hahaha
××××××××××××××××××××××××××××××××
Chapter 3 is out! Don't hesitate to leave a comment guys! Let me know what you think! 💙
BINABASA MO ANG
ESSE (Carrier-Breeder Seriers)
RomanceESSE /ˈesē,ˈese/ essential nature or essence. Hi, my name is Sky and I'm one of the first carrier the world has ever seen and this is my story. 💙 Carrier-Breeder Seriers Book 1 WARNING: THIS IS AN LGBTQIA++ THEMED STORY BIGOTS AND HOMOPHOBES PLEAS...