Chapter 19

24 3 1
                                    

SKY

Did you guys ever have that feeling that something wrong is about to happen, shit is going to hit the fan whenever everything is going great? Because I have. Hindi ko alam siguro paranoid lang ako but I just couldn't shake this feeling off. Something is wrong or at least may mangyayaring hindi maganda. Nangyari na ba sainyo yun? Comment niyo nga below!

Anyway whatever it is ayokong isipin nakaka stress and besides today is a good day. Today is the big day sasabihin ko na kay Ethan na mahal ko siya. To cut the story short sasagutin ko na siya ngayong araw. This. Is. It. This is really is it, is it!

Kagabi kasi pagkahatid sa akin ni Ethan pauwi sa bahay galing sa dinner date namin. Habang nakahiga ako sa kama napag isip isip ko na ayoko ng patagalin pa 'tong pagpapakipot ko. I want Ethan to be mine and I want to be his, officially.

I mean why bother to prolong what's inevitable doon din naman kami papunta. For the short 3 months that we've known each other pakiramdam ko kilalangkila ko na siya. Hopefully ganoon din siya. Make no mistake alam ko marami pa kaming dapat malaman at dapat kilalanin pa namin lalo ang isa't isa pero… I think we can get to know each other nang mas maigi kapag kami na.

Mamaya I'll ask him out on a date para sagutin siya. Sana lang hindi mag inarte yung lolo niyo dahil alam niyo naman na hindi tayo RK kaya pang tabi tabi lang ang afford natin. But I promise to make this special para sa kanya. So I'll try my hardest to shake kung ano mang negative vibe 'tong nararamdaman ko. I won't let this get in the way of what I have planned for tonight para saamin ni Ethan.

I opened the door of the bathroom at lumabas ako mula rito together with puffs of steam. Kabahan kayo hindi kami rich pero may heater mga banyo namin charot!

Lumapit ako sa aparador at naghanap ng susuotin papasok sa trabaho para sa araw na 'to. Habang namimili ako tumunog ang cellphone ko kinuha ko ang napili ko at sinara ang aparador nilatag ko rin yung kabayong platsyahan at inilapag yung mga damit sa ibabaw noon.

Lumapit ako sa kama ko at kinuha ang cellphone ko tinignan ko kung sino ang tumatawag and I smiled when I saw Ethan's name flashing on the screen agad ko naman itong sinagot.

"Hello kitten. Good morning, did you sleep well?"

"Hi. Good morning to you too. Yes maayos naman tulog ko bakit ikaw? Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi? Nagtataka kong tanong sakanya.

"No I have. Iniisip ko lang na hindi ka nakatulog kagabi kakaisip sa akin. Then again I bet you enjoyed thinking and dreaming of me." I heard him chuckled. Ang kapal? Sino ba siya sa akala niya?

"Hoy alam mo mag almusal ka na. Halatang halata na  hindi ka pa nakakakain ng breakfast kung ano-anong pinagsasabi mo diyan."

"What? I know it's true, even you know that. You can deny all you want kitten I won't get mad." mahangin na sabi nito sa kabilang linya. I can practically see the smirk plastered on his handsome face right now.

I admit iniisip ko naman talaga siya kagabi I even dreamt of him last night. The dream may or may not be a wet dream last night but I will not confirm nor deny any of it! I exercise my right to remain silent! Kidding aside as if naman aaminin ko sa kanya na iniisip ko talaga siya kagabi edi lalong lumaki ulo nito? Eneng ulo be yern? Charot! Hahaha!

"What's so funny? Ikaw yata hindi pa nag aalmusal tawa ka ng tawa diyan." sabi niya sa kabilang linya na nagpabalik sa akin sa ulirat.

"Ikaw nakakatawa ka. At oo hindi pa ako nag aalmusal I would have kung hindi tumawag yung isa diyan. Pero pagkatapos kong magbihis baba na ako para kumain. Teka nga bakit ka pala tumawag ha?"

ESSE (Carrier-Breeder Seriers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon