Chapter One
J's
"For you my Princess." Nilapag nya, ang milktea sa harap ko at umupo sya sa tabi ko.
"Thank you!" Ngumiti ako ng matamis sa napaka guapong lalaking nakilala ko.
Ngumiti rin ito, lumabas tuloy ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin.
Singkit ang kanyang mga mata na binabagayan ng mga makakapal nitong mga kilay, na tila malalaking higad.
"Jessica!" Natatawang saad nya.
Hindi ko kasi napigilan ang sarili kong haplosin yun.
"Asset mo talaga 'to no? Nakakaguapo, hehehe."
"Kahit wala akong kilay guapo parin ako," inismiran ko sya.
"Ang yabang naman po ni Dean Christian Wong." Natawa lang sya.
"Kapag ba wala na kong kilay, hindi mo na ko love?"
"Oo. Kasi kilay mo lang naman nakapag-paakit sakin sayo, eh. Hahaha!"
"Ang sama mo," lalo akong natawa sa pag-nguso nya.
"Mahal kita hindi dahil sa looks mo, given na 'yon. Pero mas na inlove ako sayo, dahil ikaw mismo."
"Sobrang thougthful kaya ng boyfriend ko," sabay kurot sa pisngi nya.
"Sobrang ganda at sexy naman ng girlfriend ko."
Napangiti at napailing ako. "Bolero!"
"Hindi ako nang bobola no? Hindi naman ako volleyball player, eh. 'yung kambal ko yun."
"Pero ang swerte ko, talaga. Dahil may isang Jessica Margarette Galanza, na sobra kong mahal at mahal na mahal ako."
"Ang korni na natin, hahaha." Natawa rin sya.
"Ganun talaga kapag nagmamahal, nagiging corny."
"Hindi ba dahil musician ka lang kaya ganun?"
"Pwede rin, kasama talaga sa buhay namin ang humugot kaya dapat masanay kana." Hinawakan nya ang kamay ko. "Dahil may guapo kang boyfriend na guitarist ng banda."
"Hindi ba pwedeng guitarist lang? Wala ng guapo?"
"Bakit hindi ba talaga ako guapo?" Nakangusong sabi nya.
"Hindi." Natatawang saad ko at umiling-iling pa. "Sobrang guapo mo kasi," sabay pisil sa mga pisngi nya.
"Naman. Ang dami ngang naghahabol sakin. Pero ikaw ang pinili ko kaya maswerte ka talaga, hahaha."
"Ang kapal mo!!!!" Tumayo ako. "Ikaw nga 'tong patay na patay at habol ng habol sakin, eh."
"Wait saan ka pupunta? Galit ka na agad?"
Natawa naman ako.
"Sira. Mag-ccr lang ako."
"Okay. 'wag magtatagal ah? Mamimiss kita agad."
Tinaasan ko sya ng kilay, habang nakangiti, "ang corny mo talaga." Nakangiting sabi ko at lumakad palayo kay Dean.
Pagpasok ko sa cr, sa cubicle agad ako dumeretso. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Kyla, ang bestfriend ko.
"Hello, Mars."
"Yes, Jemalyn? May problema?"
"Kapag tumatawag sayo may problema agad?" Sarkastiko kong tanong sakanya.
"Ay wala ba? Sa pagkakatanda ko kasi, naaalala mo lang akong tawagan kapag may problema kayo ng poging mong boyfriend."
"Sorry na nga. Ito talaga masyadong matampuhin."