NME 21

2.1K 58 39
                                    

Lumapit ako sa table nina Carilley. Kitang-kita ko na lasing na siya kaya wala na akong nagawa kundi yayain siyang umuwi.

"I said, go home. Tinext na kita di ba?" naiinis na sabi ko, pagewang-gewang na si Carilley doon sa inuupuan niya.

Nagulat ang mga kaibigan niya sa akin kaya nagulat rin ako at napatingin sa kanila. I bet they are Carilley's friends.  Lagi ko silang nakikitang tatlo sa hallway na nag-uusap.

"It's okay, ako na lang ang mag-uuwi sa kanya. Baka maabala ka pa namin," sabi nung lalaki.

"Ay hindi, mamaya pa tayo uuwi kaya mas mabuti ngang ihatid na ni Viktor si Carilley sa kanila," sagot naman noong babae.

"Pero Amira.."

"Okay na, Viktor. Ihatid mo na si Carilley sa kanila, okay? Ako na ang bahala magpaliwanag sa kanya bukas. Salamat!" sabi noong babae at pinatayo na si Carilley sa upuan. Tinulungan naman ako nung isang lalaki na Kobe yata ang pangalan.

"Iinom pa nga ako, gusto ko pa magpakalasing, di ba? Bakit iuuwi mo na agad ako?" sabi ni Carilley habang pagewang-gewang.

"You're drunk, may pasok pa bukas kaya umuwi ka na. Okay?" utos ko sa kanya.

The smell of alcohol on her mouth is so strong. Fuck, I bet she'll vomit soon.  Pina-upo ko na siya sa shotgun seat at mabilis akong pumunta sa driver's seat para magmaneho. Tatanungin ko sana siya pero hindi ko na nagawa dahil nakatulog na agad siya. She's drunk so bad, huh?

Buti na lang at tinawagan ako ni Amira Dane gamit ang phone ni Jay kaya nalaman ko ang address ng bahay ni Carilley. 

"Pauwi na tayo, buti alam ko na ang address ng bahay mo. Well, bakit nga ba kita kinakausap eh hindi ka naman sasagot sa akin?" sabi ko sa kanya habang nagmamaneho ako.

"I'm not drunk, ibalik mo na ako sa Enrico's please? I just want to have some fun," narinig kong sagot niya.

"No, I won't let you do that. Hindi ka na iinom. Hindi mo ba na aamoy ang sarili mo? Ang baho mo, amoy alak ka. Buti na lang maganda ka, Carilley."

"Bolero ka talaga no? Siguro, dyan mo nakuha si Harley Maie. Sana all may Viktor Alfred Ferrer. Ang swerte ng mga babae mo, no?" sabi naman niya.

"Swerte talaga sila dahil gwapo ako. Ang malas ko lang minsan dahil kung hindi ako niloloko, iniiwan naman ako. Hay, lasing ka na nga talaga. Dinadamay mo pa ako," natatawa kong sabi.

"Ayaw mong niloloko ka o iniiwan, pero bulag ka naman. Haynaku!" sagot naman niya.

"Bulag? Saan?" tanong ko.

"Wala.  Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko." nakapikit na sagot niya sa akin.

Ilang minuto pa ay  dumating na kami sa address na binigay sa akin ni Amira. Gusto ko pa sana siyang tanungin about sa sinabi niya pero alam ko namang lasing siya kaya hindi ko na lang pinansin iyon.

Tinulungan ko siyang makababa sa kotse o at tinulungan ko rin siyang makapasok sa bahay nila.  Paalis na sana ako pero nagulat ako nang biglang hinawakan niya ang kamay ko.

"Viktor.."

"Ano 'yon?"

Fuck. Shit. Sumuka siya sa harapan ko. Buti na lang at may space sa aming dalawa kaya hindi niya nasukahan ang damit ko. Nainis pa ako nang tawanan niya ako dahil sa ginawa niya. This girl is so unbelievable!

Need Me, Engineer (TES #2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon