NME 124

1.3K 34 35
                                    

Kakatapos lang naming kumain sa isang restaurant and we are walking inside the mall when we saw a familiar face.Si Harley Maie. May hawak siyang dalawang juice at umupo siya sa bakanteng upuan doon. Ilang saglit pa ay may dumating ulit na pamilyar na mukha, hinalikan ng lalaking iyon sa pisngi si Harley Maie.

"Si A-astro? Really?" bulong ko, di talaga ko makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"Bakit? Nagseselos ka ba na sila ang magkasama? Nandito naman ako," si Viktor, nagseselos pa.

"Magseselos ka pa talaga? Really now, huh?" sabi ko at napatawa siya sa aming dalawa.

Naglakad kami malapit doon sa dalawa pero wala naman kaming balak na magpakita sa kanila. After all, exes pa rin namin sila.

Tahiimik kaming naglalakad noong nakita naming pumasok sa comfort  room si Harley Maie pero napatigil kami nang may marinig kaming boses.

"C-carilley?" Astro it is.

Tumingin ako sa kanya, hiyang-hiya pa ko sa nangyari ngayon. Ang awkward pero okay lang dahil kasama na namin ang mga taong totoong nagmamahal sa amin.

"A-astro, hello. Musta?" I asked, nahihiya pa rin ang itsura namin.

Kinamayan ni Astro si Viktor, kahit inis na inis siya dito noon ay sinubukan pa rin niyang ngumiti. After all, nasa kanya na ako.

"I see, siya talaga 'no? I'm happy for you. I'm seeing someone else too," sabi niya.

"It's good to know that you're happy now, Astro."

Ilang minuto pa ay narinig ko na may tumawag kay Astro. Nilingon namin siya at kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat nang makita niya kami.

"V-viktor? C-carilley?"

"Harley Maie, it's so good to see you. Kamusta ka na?" nakangiting sabi ni Viktor.

"Viktor, I'm sorry. I just-"

"Don't be. Masaya ako na masaya ka kay Astro. Be well, you two."

Umalis na kaming dalawa ni Viktor, natatawa siyang sumakay sa kotse. Binuksan niya ang makina nito, habang naghihintay ay hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan.

"I never imagined life will be like this. Thank you, Carilley. Thank you for always being there for me," sabi niya.

Namula ang mukha ko dahil doon. Napangiti na lang ako at inalala kung gaano ko kagusto na mangyari ang lahat ng ito noon.

"Are we on the right track?" I asked him, tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak pa rin sa kamay ko.

"I guess so. Harley Maie is with Astro and you are with me. Perfect, isn't it?" sagot niya.

"Pero hindi pa kita sasagutin, lovelove ha?" paglilinaw ko.

"Oo, hindi pa. Sagutin mo ko kapag nagawa ko na ang pangarap ko. I'm sure, I'll get it this time," sabi niya.

"The license?" I asked.

"Yes, kapag nangyari na 'yon, pwede na tayong dalawa. Gusto ko kapag tayo na, parehas nang may title sa names natin," sabi niya sabay ngiti.

"Engr. Viktor Alfred Ferrer," I said.

"Ang sarap pakinggan Engr. Carilley Manalili. Thank you for patiently waiting for me. Ang gago ko, nasa harapan ko na noon pero sa iba pa ko nakatingin."

"We'll make it right this time, okay?" Ngumiti ako, nag-drive na siya pagkatapos noon.

Need Me, Engineer (TES #2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon