Dali-dali kaming pumasok sa loob ng bahay nina Carilley dahil ang lakas nga ng ulan. Basang-basa na ko pero okay lang dahil ibigsabihin, may oras pa ako para makasama si Carilley dito sa kanila.
"Diyos ko, magbihis kayo. Magkakasakit kayo niyan!" sabi ng mom ni Carilley sa amin.
Binigay niya sa akin ang isang t-shirt at shorts. Sa tatay ba 'to ni Carilley? Mukhang kasya naman sa akin kaya kinuha ko na rin.
Pagkabihis ko ay lumabas agad ako ng banyo. Nagulat ako nang makita na nakapangbahay na rin si Carilley. Kahit hindi ako nagsalita, sinagot niya na ang tanong ko.
"May comfort room ako sa kwarto ko kaya nakabihis rin ako agad," sabi niya sabay upo sa may dining area. Tumabi naman ako sa kanyang upuan.
"Hindi pa rin natila ang ulan, mas mabuti kung dito mo muna patuluyin ang manliligaw mo, Carilley."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Carilley. Natatawa ako sa sinabi ng Mama niya, habang siya ay hiyang-hiya ang itsura. Ni hindi makatingin sa akin.
"Ma, hindi ko po-"
"Si Kobe lang ang lalaking dinadala mo rito, Carilley. Itong lalaking ito, ngayon ko lang nakita kaya sigurado akong espesyal ang taong ito para sa iyo," sabi niya nang putulin niya ang sinasabi ni Carilley.
"Ako po si Viktor, Tita. Nakapunta na po ko rito noong graduation namin ni Carilley, at saka po noong minsan na-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil tinapik ni Carilley ang mga binti ko.
Tinapunan rin niya ako nang nakakatakot na mga tingin kaya tinigil ko na kung ano man ang sinasabi ko. Sa loob-loob ko'y natatawa ako dahil alam kong iyon ay isa sa mga pagkakataong hindi alam ng Mama niya.
"Ah, siguro nga ay nakita na kita noon, hindi ko lang matandaan dahil ilang beses pa lang. Siya, kumain muna kayo ng niluto kong adobo. Masarap iyan at paborito ni Carilley kaya panigurado ay marami na naman siyang makakain ngayon," natatawang pahayag ng Mama niya.
Malakas pa rin ang ulan pagkatapos naming kumain kaya hindi muna ako umuwi. Gusto ko na ngang sabihin kay Carilley na dito na ko matutulog kung pwede pero syempre, alam kong hindi siya payag kaya hindi ko na sinabi pa sa kanya iyon.
Pumasok muna si Carilley sa kanyang kwarto, nanatili naman ako sa sofa dahil hinihintay ko na lang talagang tumila ang ulan.
"Hijo, gusto mo bang makita ang baby pictures ni Carilley? Meron dyan sa tabi ng TV. Pwede mo munanh tingnan habang nagpapatila ka ng ulan," alok ng Mama niya sa akin.
Pumunta ang Mama niya sa may tabi ng TV at binigay niya sa akin ang isang photo album. Nakangiti lang ako habang tinitingnan ang pictures ni Carilley noong bata pa siya.
Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ko yung iba doon. Ang cute niya kasi talaga kaya hindi ko napigilan. Isa pa, gusto ko siyang asarin kapag magkasama kaming dalawa. Tamang-tamang pang-asar ang mga pictures na ito.
"You're so cute, Carilley."
BINABASA MO ANG
Need Me, Engineer (TES #2) Completed
Teen FictionViktor Alfred Ferrer and Carilley Manalili Viktor and Carilley are friends. They secretly inlove each other, but they can't be together because of Harley Maie. Carilley pushed Viktor away. Book Cover by meydamnwp Date Started: August 4, 2020 Date En...