NME 55

1.6K 48 38
                                    

Nagulat na lang ako nang makita ko si Carilley na nasa tapat ng pinto ko. She's smiling at me like there's no problem at all.

"Hmm, nakipag-break lang sayo, ayaw mo na mag-review? Ang unfair mo naman," sabi niya, smiling bitterly.

"Sabi ko, huwag ka na pupunta ah. Anong ginagawa mo rito?" inis na sagot ko.

"Dinadamayan ang isang kaibigan. Ano pa nga ba?" pinakita niya ang plastic na hawak niya at saka pumasok sa loob.

Umupo siya sa sofa at ginawa ko rin 'yon. Tiningnan ko lang ang mata niya, natawa siya nang ma-realize na tinitingnan namin ang isa't isa.

"Ano ka ba? Baka matunaw ako niyan," biro niya.

"Minahal kaya talaga ko ni Harley Maie? Carilley, matagal na kami pero may something na off sa kanya. Basta, may kulang o wala talaga sa kanya."

"Vik, lahat naman ng tao may pagkukulang. Kaya nga sila may partner para iyon ang bumuo sa kanila," sagot niya sabay labas ng dala niyang pagkain. Inabot niya sa akin ang isang beer, isang beer rin sa kanya.

"Hmm, thank you for wasting your time on me. Imbes nag-aaral ka kasama sina Amira at Kobe, nandito ka sakin."

"Syempre, super woman kaya 'tong kaibigan mo. Kung saan ako mas kailangan, doon ako," sagot niya sabay ngiti.

Oo nga, lagi kang nandyan para sakin. Pero bakit?

Uminom na kami habang nanunuod ng TV. Tig isang bote lang kami dahil baka kung anong magawa ko sa kanya kung lunurin ko ang sarili ko sa alak.

"Nasaan pala si Kashmira?" she asked me. Bumalik na ko sa katinuan dahil doon.

"Ah, nasa classmates niya. May assignments raw kaya mamaya pa uuwi. Susunduin ko na lang siya mamaya," sabi ko sabay ngiti.

"Ah, where are your parents?"

"Ah, nakatira sila sa iba naming bahay. Hindi raw kasi mag-kasundo ni Kashmira kaya pinagsama kami rito," sagot ko ulit.

"Ah, I see. Uuwi na rin pala ko-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil hinalikan ko na siya sa labi.

She kissed back.

Pagkatapos noon ay tahimik niyang kinuha ang gamit niya at aktong aalis pero pinigilan ko siya.

"Vik, no. Si Harley Maie, siya dapat 'yon, hindi ako. Mahal kita pero hindi tama 'to."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko siya nang mahigpit, yung tipong hindi na siya makakaalis.

Yes. Tama ka, si Harley Maie ang dapat kong halikan ngayon at hindi ikaw.

Pero tangina,ilang beses kong pinigilan ang sarili ko. Sa tuwing kasama kita, iba nararamdaman ko. Parang may kung anong humihila sakin at sinasabing sayo ako.

"You kissed me back, right? Something is there. We both know that," sabi ko pa.

"Nothing, we have nothing."

Hindi ko na siya sinundan pa kahit gusto ko dahil baka mas lalo akong maging mukhang gago sa harapan niya kapag ginawa ko 'yon.

Baka isipin niya na isa lang siyang panakip butas dahil wala na kami ni Harley Maie. Hindi ko tuloy alam kung paano ko pa siya kakausapin pagkatapos ng nangyari ngayon.

Need Me, Engineer (TES #2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon