NME 151

1.2K 28 15
                                    

Dinala ako ni Viktor sa bahay nila, suot ko ang isang kulay peach na dress na binili niya. Hindi ko rin alam bakit binili pa niya ako ng dress. Hindi rin naman ako sanay na magsuot ng mga ganito. It's too girly for me.

"You're here. Pasok na kayo," sabi ng isang babaeng nasa edad singkwenta. Mommy siguro niya ito.

"Welcome sa bahay namin. This is my parents' house. Usually, kapag may big events, dito namin ginaganap. Upo ka na," sabi niya.

Big event? So, big announcement talaga ang meron ngayon? Ano kaya iyon?

Nakangiti sa akin ang parents niya. Nahihiya talaga ako at alam kong ramdam iyon ni Viktor kaya agad niyang hinawakan ang kamay ko na siyang kinagulat ko pero pinabayaan ko na rin.

Dumating na si Kash at nakita kong ang laki ng ngiti niya sa akin. I waved at her and she waved back, bago siya tuluyang umupo kalapit ang parents niya.

"So, what's the big news? I want to hear it. Kayo na ba ni Ate Carilley? Ikakasal na ba  kayo?" tuluy-tuloy na tanong ni Kashmira sa amin, hindi tuloy ako makatingin sa parents niya dahil sa hiya.

"Kashmira, your mouth please? Kumain muna tayo okay? Mamaya, sasabihin ko na ang announcement," sagot ni Viktor.

Kumain muna kami. Sobrang dami nilang hinanda, lima lang naman kami ngayon rito.

Pagkatapos kumain, inayos ni Viktor ang kanyang sarili at tumingin na sa aming lahat. Ngumiti siya sa akin at hinawakan na naman niya ang kamay ko bago siya magsalita.

"We all know that I tried again. Kumuha ulit ako ng board exam. The results came and-" hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil pinutol siya ni Kash.

"Oh em, so totoo nga ang nakita ko sa internet? You passed the boards, kuya?!"

Napailing si Viktor sa kapatid. Nainis siya dahil nasira ang moment dahil sa inasta ni Kash.

"Yeah, I passed the exam and now I'm a licensed engineer," he smiled to all of us.

Napatayo ang mommy ni Viktor at naiiyak na niyakap siya. Ngumiti naman ang daddy ni Viktor sa akin.

"Thank you, Carilley for being my strength and inspiration to do this. Parehas na tayong lisensyado ngayon. Thank you for sharing this moment with me," sabi niya sa akin.

"You shouldn't thank me, ikaw ang nagpursige na makuha 'yan. Nandito lang ako sa likod mo noong nag-aral ka. Congratulations, Engr. Viktor Alfred Ferrer."

Ngumiti sa akin si Kash at ang parents niya. Nakita ko rin na lumuha ang mommy niya, lumapit sa akin at niyakap ako.

Saglit akong natulala kaya hindi ko siya nayakap agad. Napayakap ako pabalik nang tumingin na sa akin si Viktor na para bang sinasabing gumalaw ako.

Hindi ko kasi sukat akalain na yayakapin ako ng mommy niya. Hindi naman nila ko kilala masyado para gawin nila iyon. Nakakahiya talaga.

"Salamat sa pagbibigay inspiration sa anak ko, Carilley. Akala ko, hindi na mangyayari ito, pero dahil sayo.. Nagpursige si Victor."

"Wala po 'yon tita. Congrats po ulit kay Viktor at sa inyo. I'm sure, you are very proud of your son," sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Need Me, Engineer (TES #2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon