NME 47

1.7K 58 41
                                    

Sinundo ako ni Viktor sa bahay para nga bumili ng regalo kay Harley Maie. Kahit medyo nasasaktan ako, go lang. Natatago ko naman yung sakit sa mga ngiti ko. Viktor isn't a mind reader so he won't know that I'm struggling. Ang mahalaga lang naman sakin ngayon, makasama ko siya.

"Thank you for going with me, ha?" he said.

Nagulat ako sa sinabi niya at napabalik ako sa senses ko. He's now driving his car papunta sa mall kung saan bibilhin namin ang regalo para kay Harley Maie.

"Ha?" sagot ko, tila ba pinapa-ulit kung ano ang sinabi niya kanina.

"Ang sabi ko, salamat sa pagsama sa akin ngayon. Alam kong busy ka pero sinamahan mo pa rin ako. Thank you for always being one call away."

Of course, 'll always be one call away for you.  Crush kita e, ay mali.. Mahal na kita at hindi mo alam 'yon.

"Ah, oo. Wala rin naman akong ginagwa kaya sinamahan na kita. No worries. Sabihan mo lang ako, lagi akong handa," sagot ko.

"Bakit? Girl scout ka ba?" pabiro niyang tanong, parehas tuloy kaming tumawa.

Ilang minuto pa ay nasa mall na kami. Lumakad siya papunta doon sa jewelry store at ako'y nasa likod niya lang. Gusto ko sanang makipag-holding hands pero alam ko namang hindi pwede 'yon kaya tinanggal ko agad 'yon sa isip ko. 

"Why are you there?" he asked me.

"Ay, saan ba ako dapat?" I asked back.

"Sa tabi ko, I mean dito ka sa kita kita. Baka mamaya niyan, iniwan mo na pala ako pero hindi ko nakita kasi nasa likod kita."

This guy. Paano ako mawawala sayo eh mahal na mahal nga kita? Kahit anong mangyari, nandito lang naman ako sa likod mo. Hinding-hindi kita iiwan.

"I see. Nandito na o," I smiled at him.

Lumipat ako sa tabi niya mula sa likod. Hindi ko naman matitiis na hindi siya sundin no. Whatever he wants, I'll do it.

Nasa jewelry store na kami at tumitingin na siya ng mga necklaces. Tumitingin rin naman ako kahit na alam ko naman na hindi ko 'yon mabibili. Nandito lang talaga ako para magmasid. Baa manakaw si Viktor sa paningin ko.

Nakita yata niya akong napatingin sa isang bracelet kaya agad niya akong nilapitan. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin naman siya sa akin pabalik. 

"Tapos ka na ba pumili?" I asked him, binalik ko na ang bracelet na tinitingnan ko kanina.

"Ah, hindi pa. Ikaw, nakapili ka na ba?" he asked me.

Nagtaka ako kaya tiningnan ko agad ang bracelet na 'yon. Baka akala niya ay bibili ako. Umiling-iling ako sa kanya na pinapabatid na hindi ko bibilhin 'yon.

"Bilhin mo na, isipin mo na lang thank you gift ko 'yan sayo kasi sinamahan mo ko dito ngayon. Dali na."

"I-ikaw ang bibili?" nauutal kong tanong sa kanya.

"Yes, gift ko nga sayo. Kunin mo na, baka magbago pa ang isip ko. Sige ka," pang-loloko pa niya.

"Huwag na, okay lang. Kaya ko namang mabuhay na wala 'yan. Ang mahal eh, wag na. Sayang lang ang pera mo," sagot ko.

Nagulat ako nang kunin niya ang bracelet at sinabi niya sa nagbabantay doon na bibilhin rin niya 'yon.  Pagkatapos ay ngumiti siya sa akin na parang walang nangyari. Hala, bakit mo naman binili Viktor? Nakakahiya.

Ilang minuto pa ay dala-dala na nung babae ang isang maliit na paper bag at binigay 'yon sa akin. I can't believe it, Viktor just bought me a bracelet. Bakit ang bilis lang sa kanya na bigyan ako?

Nanahimik na lang ako at naghintay sa may labas ng jewelry store. Nahihiya ako dahil sa binili niya kaya ayaw ko na siya sundan, baka kapag may tingnan na naman ako ay bilhin na naman nya 'yon.

Need Me, Engineer (TES #2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon