Chapter 4

3 1 0
                                    

Keisha's POV

Two weeks na simula nung nakalipat ako dito sa bagong condo. Complete naman yung gamit dito at syempre komportable naman pero di ko maiwasang malungkot dahil nga mag-isa ako kaya madalas fast food ang kinakain ko, nakakatamad kaya magluto pag mag-isa ka. My unit is located at the 16th floor of this building at yung mga kaibigan ko nasa 20th floor naman dun nga din sana ako kaso walang available na unit.

It's already 9pm pero di pa ako kumakain kase wala akong gana. So eto ako patweet-tweet lang sa twitter na "craving for spaghetti and fried chicken" baka sakaling may magbigay kase diba uso yung "Sana ol" though wala pa yatang 100 yung followers kong makakakita ng tweets ko at wala din naman magbibigsy eh umaasa padin ako na baka meron.

I was busy scrolling on my social media accounts when I heard a loud knock. Grabehan makakatok parang may sunog lang, si Kuya talaga epal eh, ganyan yan lagi. Inaasahan kong si Kuya but when I opened the door I saw Jayceon infront of me may dalang dalawang plastic bags.

"Ano titingin ka nalang dyan? Di moko papasukin? Ganyan kaba sa bisita mo?"

"Ay sorry Jayceon mali yung unit na napuntahan mo, unit ko to remember?"

"Sa ayaw at sa gusto mo bahala ka papasok nako! Weirdo mo Kei, kakasabi lang na bisita eh!!"Jayceon shouted.

"Ano na Kei? Sobrang gwapo ko ba para matulala ka ng ganyan? Lutuin mo na dun yung spaghetti at yung chicken i fry mona, bilisan mo gutom na ako"

Hindi ko alam pero natuwa ako dahil nagkataon na gusto ko din kumain ng mga pagkain na yon, nakatipid pako dahil si Jayceon ang bumili.

"Ano ba Kei, magluto kana"
"Oo na, kukuha lang ng apron"
____________________________________

Jayceon's POV

Andito ako ngayon sa Jollibee para kumain, as usual tamad akong magluto. I ordered two cups of rice and two pieces chicken. Isa ako sa mga taong picture muna ng food before kumain for my Instagram story syempre marami fans ang araw-araw at oras-oras ang nag-aabang sa post ko. Hindi ko lang to nagagawa pag kasama ko si Kei, nagagalit yon pag pinicturan ko yung pagkain bago kumain dapat daw magdasal muna ako, wait bakit ko ba sya inaalala? Hays gutom lang talaga ako.

After eating my dinner pauwi na sana ako pero nabasa ko ang tweet ni Kei "craving for spaghetti and fried chicken". It's already 9pm pero di pa kumakain yung babaeng yon?. So I decided to go the nearest grocery shop and buy some ingredients for spaghetti and chicken. I don't know why I'm doing this but deep inside there's something that pushes me to do this.

Hindi ko alam kung iiwanan ko nalang ba ito dito sa tapat ng unit ni Kei, magdodoorbell at tatakbo nalang, pero bakit ba ako kinakabahan? Bahala na.

So kumakatok ako ng malakas na malakas para marinig agad ni Kei. After a minute bumukas na ang pinto at nakita ko kung paano natutulala si Kei.

"Ano titingin ka nalang dyan? Di moko papasukin? Ganyan kaba sa bisita mo?"

"Ay sorry Jayceon mali yung unit na napuntahan mo, unit ko to remember?"she said with a little smile.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil baka she's expecting someone. Nakakapikon kaya yon nag-effort ako tapos ayaw nya akong papasukin dito?.

"Sa ayaw at sa gusto mo bahala ka papasok nako! Weirdo mo Kei, kakasabi lang na bisita eh!!" I shouted.

Pero ilang minuto na yung nakalipas nandun padin sya pintuan. Ayaw nya ba talaga ako dito? Sino bang expected nyang dadating?

"Ano na Kei? Sobrang gwapo ko ba para matulala ka ng ganyan? Lutuin mo na dun yung spaghetti at yung chicken i fry mona, bilisan mo gutom na ako" sigaw ko ulit.

I saw her smile a little bit at tila kusang kumalma ang puso ko. Ano ba tong nangyayari sakin? Pati ako naguging wierdo pag kasama ko si Kei.

"Ano ba Kei, magluto kana"
"Oo na, kukuha lang ng apron" malumay nyang tugon.

After a couple of minutes I decided to watch her cooking dahil bored na ako kakaupo dito sa living room, aasarun ko sana si Kei dahil wala akong magawa pero nakita kong focused na focused sya sa ginagawa nya, halatang enjoy sya dahil magaling talaga sya magluto. Nakangiti pa sya, yung ngiti na alam mong masaya at hindi pilit. I felt something at hindi ko alam pero ang ganda nyang pagmasdan. Unti -unting bumilis ang tibok ng puso ko, masama to.

"Keisha aalis na ako"

"Pero paano tong niluluto ko?" tanong nya

"Bahala kana dyan kung gusto itapon mo nalang, nawalan nako ng gana"

I saw disappointments in her face but I really need to go.

Long Lost TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon