Chapter 5

3 0 0
                                    

It's been a hard day for me, sobrang daming paperworks at activity sa school lately kaya eto ako pagod na naman, malapit na din kase ang midterm exam after nuon foundation week na yun na siguro ang magiging pahinga namin.

"Kei let's eat na magaalauna na oh di parin tayo kumakain" Kyleigh said.

"Sige una na kayo ni Kaiden tatapusin ko lang itong  accounting eh, malapit nako makabalance"

"Keisha malilipasan ka na ng gutom, I told you komopya ka nalang sakin or I'll teach you mamaya, basta kain muna tayo" Kaiden firmly said.

"Mamaya nalang ako Kaiden, di pa talaga ako gutom"

Pagkasabi non nuon biglang may bumagsak na libro sa gilid ng table namin.

"Kung ayaw wag nyo pilitin, arte-arte pa, edi wag ka kumain anong pakialam ko?Tss" Jayceon said.

"Oh bro andyan ka pa-la?" Pero bago pa matapos ni Kaiden ang sasabihin nya bigla nalang lumabas si Jayceon ng library.

"Anong problema non? Parang iniiwasan tayo ni Jayceon, Magka-away ba kayo Kei?" tanong ni Kyleigh.

"Hindi"

"May nililigawan yon kaya di lumalapit satin, dumidiskarte ang loko" dagdag ni Kaiden.

It's been two weeks simula nung nakausap ko si Jayceon. Last usap namin nung nagluto ako tapos bigla syang umalis, pagkatapos noon naging aloof sya samin. Nahihiya naman akong magtanong, magtext o tumawag sya kanya kase alam kong magagalit I susungitan nya lang ako. Concerned na kaibigan lang naman ako eh.

----------------

"Any question class? Okay naang groupings ha, walang lilipat-lipat! I'm expecting a great performance, alalahanin nyo midterm grade nyo ito."

Bakit naman sa lahat ng pwedeng gawin sumayaw pa talaga? Sana nagdrawing nalang ako or kumanta? Joke lang hindi maganda boses ko hehe, kung si Jayceon pa maganda boses kaso ayaw na nya sa music simula nung namatay yung dad nya.

"Keisha sa Saturday ang practice natin ha, sa bahay nalang namin" sabi ni Joan Isa sa mga classmate ko. Actually mabait sya at maganda rin. Bale we are eight in the group ( five girls and three boys) we are tasked to dance in modern.

Hindi ko blockmate sila Jayceon dito sa P.E kaya mag-isa lang ako, well it's mabuti din sigurado ako tatawanan nila ako pagnakitang sumayaw ako.

Palabas na ako ng campus ng mahagip ng mata ko si Jayceon palabas nadin sya sa gate kaya dali-dali akong tumakbo para abutan sya. Masyado syang mabilis maglakad parang yung lakad nya takbo ko na eh. Paano ko sya aabutan? Sumigaw kaya ako? Wag nalang nakakahiya pala.

"Ouch" bigla kase akong natapilok kaya agad-agad lumingon si Jayceon at nagmamadaling lumapit sakin.

"Ano na namang katangahan yan Kei? Parang di babae kung kumilos" biglang yuko nya para icheck ang paa ko.

"Okay nako Jayceon di naman ako gaano nasaktan"

"You sure? Bakit kaba nagmamadali? May date ka? Sigurado naman akong Wala"

"Hinabol kase kita eh, galit ka ba sakin?"

"Hindi ako galit" but he sounded mad.

"Galit ka yata eh"

"Ang kulit mo Kei sabing hindi ako galit, wag mo muna ako lapitan please. Ginugulo mo ako" after  he said those words  he walks away.

Galit nga siguro sya sakin. Baka nga kailangan kong lumayo. Bakit kase ang stupid ko? Sana pala di ko nalang sya muna nilapitan.


Long Lost TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon