Chapter 8

2 0 0
                                    

Nagising ako sa ingay na narinig ko mula sa malapit sakin. Asan ba ako? Hindi ko yata kwarto to!

"Nurse baka kailangan sa ospital sya dalhin?" 
Oo nga pala nasa school clinic pala ako.
"Sir hindi na po kailangan, pahinga lang po ang kailangan ng pasyente, besides normal fever lang po ang meron sya"
"Pero kanina pa sya walang malay, 3 hours na to be exact, normal ba ba yon?!"pagalit na sabi niya.
"Jayceon calm down okay, alam nila yung trabaho nila, besides maya-maya magigising din si Keisha"pamilyar yung boses niya, si Claire siguro yon.

Gusto ko na sana imulat yung mata ko pero nahihiya akong naabala ko na naman si Jayceon baka magalit na sa akin pati si Claire dahil inaabala ko sila lagi.

"Bantayan nyong mabuti si Kei" bilin nya pa sa nurse bago umalis.
"Pakisabi po kung sakaling magising sya hintayin nya ako dito ihahatid ko lang si Claire, just tell her babalikan ko sya" dagdag pa nya.

Paglabas nila ng pintuan ng clinic sabay ko iminulat ang mata ko.

"Miss gising ka na pala, kamusta pakiramdam mo? "
"Okay na po ako, salamat po, pwede na po ba akong umuwi?" tuloy-tuloy kong sabi.
"Pwede na Miss pero sabi ni Sir Jayceon hintayin mo daw po sya"
"Hindi napo siguro Nurse, uuwi nalang po ako may service naman po ako."
"Sige Miss, nacheck na naman kita kaya sige  pede ka nang umuwi, kunin ko lang yung gamit mo"
"Sige po Salamat po Nurse"

Mabilis akong nakauwi sa bahay buti nalang nasa school parking na si Kuya Sonny kaya nakauwi din ako agad. Hindi ko na hinintay si Jayceon dahil alam kong mas magiging abala ako sa kanya at ayokong magalit sa akin si Claire kase naiisip kong baka nakakahadlang na ako sa relationship nila.

Patulog na sana ako ng sunod na sunod na tumunog ang cellphone ko.

Keisha nasan kaba?
Sabi ko hintayin mo ako diba?
Ang tigas talaga ng ulo mo.
Stupid!
Ano nasan ka? sunod-sunod nyang tanong sa text.

Hindi ko alam kung magrereply ba ako o hindi pero maya- maya lang ay tumawag na sya.

"Ano Keisha, nasan kana?!" pasigaw nyang tanong.
"Sorry Jayceon nakauwi nako"
"Diba ang sabi ko hintayin mo ako? Bakit ka umalis agad? Are you okay now?" sunod-sunod nya pang sabi.
"Okay na ako salamat pala tsaka pasensya na din sa abala"
"Are you even thinking? Bakit ka pumasok alam mo namang may lagnat ka!"
"May P.E class ako, sasayaw dapat kami" I said with a low voice.
"Diba hindi ka naman nakasayaw? Next time Kei isipin mo muna bago mo gawin" inis nya pang sabi.
"Take your meds. Matulog kana!" sabay baba nya ng tawag.



Long Lost TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon