After ng pag-uusap namin ni Jayceon nung isang gabi hindi na ulit kami nakapag-usap pa, actually that's better dahil alam kong may priority sya ngayon, ayokong may masabi si Claire sa akin or ibang tao na maaring makasakit sa akin. Kung tatanungin nyo ako kung anong nararamdaman ko ngayon I guess I'm getting better.
"Ingat Kei" si Kuya yon, sya kase naghatid sakin dito sa school.
Foundation week na namin ngayon, malas ko lang hindi ako nakapag-exam dahil nga nagkasakit ako, walang sayaw sa P.E equals to walang exam. Masaya ang lahat ng nakakasalubong ko because this week was considered to be the rest day and bonding of students. Madaming pwedeng paglibangan, may mga booths na talagang maeenjoy mo, may mga souvenirs din na mabibili tulad ng tinda ng Arts Club which is a DIY stuffs like t-shirt na pwedeng ikaw mismo ang magcostomize at gumawa ng sariling design mo syempre iguguide ka nila, mga Arts and Humanities students ang nanduon though everyone is free naman to choose which club you want to join pero syempre madalas pinipili nilang club ay related sa course nila, in my case wala akong sinalihang club this year hindi naman kase required sumali pero may credits pag may sinasalihan kang club or organization. Kaya eto ako ngayon paikot-ikot dito sa school at iniisip kung paano ang grade ko sa P.E. Hindi ko kase pwedeng abalahin si Kyleigh kase nasa booth pa sya ng sinalihan nyang club, tama duon muna ako pupunta.
"Hi Miss do you want taste to taste this? Free taste" sabay turo nya sa brownies na hawak nya.
Opo sa andito ako ngayon sa Bake Sale booth dahil andito si Kyleigh, anlayo ng course nya sa sinalihan nyang club no? from being an accountancy student to baking! pero sabi ko nga we are free to choose kung saang club kami sasali, so don't jugde hehe. Sakto namang lumabas si Kyleigh ng booth nila, I think kakagaling nya lang sa pagbabake, nakalimutan nya pang tanggalin apron nya. Nung makita nya akong nandito sabay sya ngumiti sa akin.
"Hi ate anong order nyo, brownies, american apple pie, orange-almond cake or me?" biro pa nya.
"Ikaw nalang ate pwede?" sagot ko pa habang tumatawa.
" Hala Kei marunong ka na magjoke ha? Saan ka natuto nyan?, Anong ginagawa mo pala dito Kei?" tuloy-tuloy nya pang sabi.
"Wala kase akong mapuntahan eh, dito muna ako pwede?"
"Syempre pwede Kei, mas masaya nga yon dagdag costumer ka sis"
"Hindi ako bibili, makikiupo Lang hehe" biro ko sa kanya.
"Alam mo Kei, tapos na ship ko dito sa booth kaya tara na, bawal dito hindi bumibili" sabay tawa nya at hila sakin."Hoy teka lang, sigurado kang aalis na tayo?" sabay turo ko sa suot nya pang apron.
"Hala Kei bakit di mo sinabi agad" sabay takbo nya sa loob ng booth nila, nakaapron at hairnet pa sya kase.Naglibot kami ni Kyleigh sa buong Cypress University, halos lahat ng booth napuntahan na namin. Wala rin palang sinalihan na club si Kaiden dahil mas gusto pa daw nitong matulog sabi ni Kyleigh sakin. Wala din akong balita kay Jayceon.
"Siguro wala din sinalihan na club si Jayceon ano? Sa Enderun University kase si Claire eh, bawal naman outsider dito sa atin, buti pa sa sa Enderun University pwede outsider sa kanila tuwing foundation week baka dun si Jayceon pupunta next week" sabi pa ni Kyleigh habang kumakain Ng icecream.
"Siguro nga"."Kyleigh may pupuntahan ka pa ba? Samahan mo naman akong hanapin si Ma'am Atis, tatanungin ko lang kung pwede pa akong mag-exam sa P.E" ayoko naman kase bumagsak, pero wag naman sana nya akong pasayawin mag-isa.
Mabuti nalang pumayag si Kyleigh na samahan ako, thank to her dahil naabutan namin si Ma'am sa faculty.
"Miss Rosario what can I do for you?" bati agad ni ma'am paglapit ko sa table nya.
" Ma'am can I request po regarding sa exam ko, pwede pa po ba akong nakapag-exam?"
"Sorry Miss Rosario hindi ako naggawa ng written exams kase nga performance ang exam nyo diba but may naisip akong magandang idea for you" tuloy-tuloy na sabi ni Ma'am.
"Ano po yun ma'am?" kinakabahan kong tanong.
"Since bukas ng gabi ay may program ang University, I want you to be one of the performers bukas since kulang sila bukas, It's either you will sing or dance" nakangiti pang sabi nya.
"Don't worry I will give you additional points,I don't accept no as an answer" sabi pa niya.
"Pero po Ma'am...."
"You may go now Miss Rosario, I said I don't accept no as an answer, magready ka sa performance para bukas like I said a while ago grade mo nakasalalay dito"Lumabas ako ng faculty room na tulala, paano ako kakanta? Bahala na bukas besides grade ko naman ito, bumagsak man o hindi ako yung sisisihin.
"Girl alam mo si Ma'am nakakagigil, pero kaya mo yon maganda naman boses mo Kei" Kyleigh said.
"Yun nga Kyleigh eh alam mo naman na hindi ako kumakanta lalo na sa harap ng maraming tao"
"Girl kaya mo yon besides grade mo yon, I have a bright idea what if magpaturo ka kay Jayceon diba maganda boses non at maalam yon sa music" mukang excited pa nyang sabi.
"Alam mo namang hindi pwede diba?"
"Ay oo nga pala, pero Kei kaya mo talaga yon!" like she is cheering me up.
"Bahala na bukas"Kung tulad lang sana ng dati hindi ako mag-aalala pero hindi pwedeng magpaturo ako Kay Jayceon dahil alam kong matagal na nyang inayawan ang pagkanta in fact he hated it.
He hated it, so I also stop singing for him.
-----
Ps: this chapter was dedicated to my two fans hihi, HI ATE ROSEANNE AND ROMA, salamat sa support.Also cheers to 100 reads🎉♥️
Thankyou so much💖
BINABASA MO ANG
Long Lost Treasure
Teen FictionKeisha Rosario is a girl who wants to prove herself to everyone, ngunit paano nya mapapatunayan ang sarili kung laging may Jayceon Flores na humahadlang sa kanya? " You can prove that you are not a pathetic anymore if you find my treasure" Ngunit...