Chapter 7

1 0 0
                                    

Safe naman akong nakauwi sa bahay namin pero parang mabigat parin yung pakiramdam ko, sila Jayceon din yung naghatid sakin. Claire seems so nice swerte sa kanya ni Jayceon. Maswerte din sya kay Jayceon kase kahit ganun sya mabait padin Yun. Ako lang yata talaga yung malas kase mukang magkakasakit pa ako.

"Okay ka lang ba Kei?" tanong ni Mommy.
"Ayos lang po ako, nabasa lang po ng ulan"
"Osya inom agad ng gamot ha! Sige na pahinga kana Kei, tsaka pala don't lock your door ha, I'll going to check on you later" dagdag pa ni Mommy.
"Yes Mommy, I love you"
"Ay sya sya, I love you too baby, dalaga kana pero parang baby ka padin, nako kailan kaya ikaw magpapaligaw o baka may boyfriend kana? Wag ka magsikreto samin ha!" panunukso pa niya.
"Maaaa naman hindi po, sabi ko naman po sa inyo dito nalang ako sa bahay, ayoko na po sa Condo, mag-isa ako dun eh"
"Hay nako Kei yan na naman tayo besides it's for your own good, you need to socialize with other people, learn to be independent Kei" she said before she leaves my room.

Tama naman si Mommy pero mahirap mag-isa sa Condo, wala manlang akong makausap.

_______________________________________

Kinabukasan nagising ako with a heavy feeling, ngayon pa talaga ako nilagnat kung kailan performance namin sa P.E. Hindi ako pwedeng umabsent, ayokong sumayaw mag-isa. Kaya nagmadali akong mag-ayos ng sarili para sa pagpasok sa school.

"Ma'am sigurado po ba kayong kaya nyo? Kami po ang papagalitan ng Mommy nyo eh"
"I'm okay po Kuya Sonny, don't worry po I can handle myself besides sa P.E class lang po ako papasok papasundo po ako sa inyo agad"
"Ma'am magagalit po ang Mommy nyo"
"Kuya kailangan kong makasayaw ngayon kase  ayokong sumayaw mag-isa, pag po di ako nakasayaw sige po kayo po ibaback up ko sa sayaw namin sa P.E, gusto nyo po ba yon?" natatawang sabi ko.
"Sige Ma'am ihahatid ko na po kayo"

Pagkadating namin sa Xavier ay dali-dali akong bumaba ng kotse dahil sigurado akong nagpapractice na yung mga kagrupo ko ngayon kaya kailangan kong bilisan ang paglalakad ko.

"Kei wait lang" a familiar voice called me.
When I stop bigla nya akong hinampas sa braso, medyo harsh talaga tong si Kyleigh.
"Kanina pa kita tinatawag girl, you look pale uy. What happened sa itsura mo? Wait ang init mo, sabi na eh may sakit ka! Tara na iuuwi na kita sa Condo mo" tuloy nyang sabi habang hila-hila ako palabas ng gate.
"Wait Kyleigh hindi ako pwedeng umabsent, I supposed to perform our dance in P.E. besides okay lang ako, uminom namo ng gamot. Uuwi din ako pagtapos"
"You sure? Ganto pag di mo talaga kaya just give me a beep, ihahatid Kita kahit may klase ako"
"Thanks Kyleigh, una na ako ha? Late nako"
"Hatid na kita Kei, I'm super worried namumutla ka kaya girl!"
"I'm okay, don't worry". Pero mapilit padin sya at hinatid ako hanggang sa P.E class ko.

"Kei practice ulit tayo last na para mamaya sa performance perfect na natin" Aarron said.
"Sige sunod na ako".
Pangatlong ulit na namin at ramdam ko na yung pagod at panghihina dahil nga siguro nilalagnat ako.
"Hala Kei namumutla kana, Are you okay? tanong ni Joan, kagrupo ko din.
"I'm okay pagod lang tsaka may lagnat kase ako"
"Bat di mo agad sinabi Girl, ang putla mo na talaga, wag na muna tayong magpractice guys namumutla kase si Keisha" sabi nya pa.
"Hindi ituloy na natin kaya ko naman besides nakainom nako ng gamot"
"Magsabi ka pag pagod kana Keisha ha ititigil na natin tong practice, okay na yon sa performance mo nalang reserve lakas mo" dagdag pa ni Aarron
"Sige pero maayos ako kaya don't worry, practice na tayo? "
Nagpatuloy kami sa pagpapractice pero nang nasa kalagitnaan na ng pagsasayaw bigla akong nakaramdam ng panghihina, feeling ko babagsak ako, unti-unting nagdilim ang mga mata ko at bumasagsak ng tuluyan sa semento.

"Guys tulong si Keisha nahimatay buhatin nyo, dalhin nyo sa clinic bilis"
"Aarron buhatin mo na si Keisha"
"Ako na" kasabay non ang pag-angat ko sa semento. Pamilyar ang taong may buhat sakin pero imposible.
"Bakit ang tigas ng ulo mo Keisha? Lagi mo akong pinag-aalala" sabi ng pamilyar na tinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.


Long Lost TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon