Umuwi ako sa bahay namin dahil sobrang upset ko, naiinis ako sa sarili ko dahil ganito ako. Bakit ba kase hanggang ngayon ang stupid ko padin? Bakit hanggang ngayon hindi padin nababago yung mindset ko? Bakit hanggang ngayon feeling ko nakadepende ako kay Jayceon? Maybe it's better na matuto na akong magtiwala sa iba, maybe its my time to let go from my comfort zone. Baka pagod narin si Jayceon na turuan ako, baka pagod na sya sa katangahan ko. Tsaka may nililigawan na sya, ayokong makaabala pa sa kanya. Dagdag pa sa isipin ko na may P.E practice pa kami bukas, yari ako di ako marunong sumayaw.
------------
"Last na tong ulit guys baka kase umulan na, pakiaral nalang sa bahay nyo yung sayaw"
"Keisha aralin mo ha? Kaya mo yan, kaya natin to guys AJA! sabi pa ni Arron na kagrupo ko, sya din Yung choreographer namin.Nakakapagod pala talagang sumayaw lalo na at hindi mo hilig, buti nalang magaling yung mga kagrupo ko at tinutulungan nila ako. Medyo nahihiya panga ako sa kanila pero diba nga kailangan kong masanay.
"Kuya Sonny pasundo napo ako dito sa may Ayala homes po, kahit po sa gate nalang dun nalang po kita hintayin"
"Ma'am pasensya napo mukang di ko po kayo masusundo nasiraan po ako dito sa may Marcos Highway, kung gusto mo ma'am ibobook kita ng Grab" malumanay na sagot ni Kuya Sonny.
"Kuya wag nalang po ingat nalang po kayo, magtataxi nalang po ako, don't worry Kuya I can manage"
Nagmamadali ako maghanap ng taxi dahil nga mukang uulan na, pero bakit parang walang dumadaan na taxi dito?
"Miss bihira dumaan ang taxi dito kung gusto mo maglakad lakad ka sa banda doon baka may masakyan kanang taxi doon" buti nalang mabait si Kuya Guard.
Muka talagang uulan na kaya binilisan ko na ang paglalakad pero hindi pa ako nakakalayo ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Ang malas ko lang wala akong payong. Tuluyan na akong nabasa, nako baka masira yung cellphone ko, patay ako neto.
Tatawid sana ako ng kalsada ng biglang may mabilis na kotse and dumaan.
"Ano ba Miss magpapakamatay ka ba? " sigaw ng isang pamilyar na tinig.
"Jayceon? Sorry talaga"
"Keisha ano ba gusto mo na ba talaga mamatay? Tss stupid, ano Hindi ka pa ba sasakay? Sumakay kana ako na maghahatid sayo"
"Eh?" nagaalangang tanong ko diba nga sabi nya iwasan ko sya tapos isasabay nya ako pauwi.
"Ano tutunganga ka nalang? Sakay na!"
Nagmamadali akong pumunta sa shotgun seat pero pagbukas ko ng pinto ng kotse hindi lang pala si Jayceon yung nandun may kasama syang magandang babae."Dun ka sa back seat Kei bilisan mo may pupuntahan pa kami ng girlfriend ko"
"Ah sige Jayceon, Sorry for interrupting your date Jayceon and Miss. pasensya na"
"Si Claire nga pala girlfriend ko" Jayceon said.
"Hi Keisha right? Nice to meet you, maganda ka pala talaga, sige na pasok kana sa backseat lalo kang nababasa ng ulan oh" sabay ngiti nya sakin.
Maganda si Claire at mabait din, masaya ako para sa kanila ni Jayceon. Masaya ako pero bakit parang di ako makahinga, bakit parang ansakit sa dibdib? Baka dahil basa lang ako ng ulan kaya ganito ang nararamdaman ko. Dapat maging masaya ako dahil kaibigan ko si Jayceon, dapat masaya ako dahil masaya sya kahit pa pagkatapos nito ay iwasan nya na ako ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
Long Lost Treasure
Teen FictionKeisha Rosario is a girl who wants to prove herself to everyone, ngunit paano nya mapapatunayan ang sarili kung laging may Jayceon Flores na humahadlang sa kanya? " You can prove that you are not a pathetic anymore if you find my treasure" Ngunit...