Prolouge

135 33 1
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places and incidents are product of the author's imagination. Any resemblance to any actual events, places or person, living or dead, is purely coincidental.

This story might have typographycal errors, I will edit the whole story when I finish this thankyoy for understanding!

Haurious' Pov



"hoy! Andito na 'ko sa parking lot nasaan na ba kayo?" Patukoy ko sa kaibigang kausap ko sa telepono




"Anak ka ng kagang Houston , bakit napakaaga mo naman ata?" Dwight Villin, kaibigan kong may lahing French




"Bilisan nyo, tawagan mo na rin sina Ashton at Gael" utos ko pa




"Aba, loko ka. Nagutos pa!" Sigaw nya sa akin




"Anak ka ng pranses! Napakaingay mo talaga dwight!" Sigaw ko pa at binabaan sya ng telepono




Kahit kelan napakaingay ng taong iyon, kung anong tahimik ni Gael syang ingay ng loko



First day of school kaya malamang sa malamang ay nandoon sila sa court para magmeeting. Bago pa ako makapasok sa court ay narinig ko na ang aking mga kaibigan na tinatawag ako



"Houston!!!" Sabay sabay na sigaw pa ng tatlo




Kaya naman ang mga babaeng may gusto samin ay syang nagbubulungan na animo'y wala kami rito

"Hoy girls ang gwapo ni Gael! Lahian mo ko español! Omg!!"



"Tanga mas gwapo si Ashton! Lahing kano kaya yan! Tingnan mo perfect body!"



"Bobo si dwight ang gwapo lahing pranses! Lahian mo 'ko dwight!!" Sigaw pa ng babae




"Mga gaga, ang pinakagwapo sakanila ay walang iba kundi si Houston! Tingnan nyo naman! Napakagwapo! Full package at matalino! Napakaswerte talaga ng taong liligawan nya!"



Hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi nila at lumapit na sa mga tropa ko




"Ano't napakatagal nyo?!" Sigaw ko sakanila




"Loko ka Houston! Sinigawan mo na nga ko sa telepono pati ba naman dito! Manahimik ka susungalngalin ko yang bibig mo!" Sabi pa ni Dwight at sabay sabay kaming nagtawanan.




Pagpasok na pagpasok namin sa covered court ay syang ingay muli ng mga tao sa paligid.



Sa hindi malaman na dahilan ay inilibot ko ang aking mata umaasang may mapupuntiryang biktima.


Sa hindi malamang dahilan ay napukaw ng babaeng maganda ang aking paningin. Victim spotted!



"Ashton, samahan mo 'ko may biktima na ako" bulong ko kay Ashton na kasama ko sa pambubully




"Aba naman talaga Deix! Akala ko ba tapos ka na sa pambubully mo!?" Sita sa akin ni Gael



"Napaka-KJ mo Gael kahit kelan HAHAHAHAHAHA!" Tawa pa ni Ashton




"Oo nga Gael kung gusto mo ay sumali ka na lamang sa amin" sabi ko pa



"No thanks, ang panget tingnan, galing ako sa marangyang pamilya pero kung umasta ay daig pa ang nakatira sa squaters area" sabi nya pa sakin



Saming apat si Gael ang palagi kong kaaway dahil sa sobrang pagiging mature nya! Nakakabanas. Sinuntok ko sya sa braso nya dahilan para magitla sya.




"Kung ayaw mong sumali edi h'wag hindi yung kung ano ano pa ang sinasabi mo!" Sigaw ko rito dahilan para mapansin kami ni Dwight




"Ano ba naman! Ngayon na nga lang muli tayong nagkita kita eh ganyan pa kayo ng ganyan!" Si Dwight, as usual ang taga awat sa amin ni Gael



"Tsh! Pagsabihan mo 'tong kaibigan mong espanyol! Namumuro na 'to" sabi ko pa at sininghalan lamang ako ni Gael


Luna's pov



Naglalakad kami ng mga kaibigan ko ng bigla na lamang may humila sa aking bag ng hindi ko namamalayan kaya naman ay napaupo pa ako at nakuwa neto ang bag ko



"Hoy! Akin na nga yan! Tarantado ka ah!" Sigaw ng bestfriend ko na si Rosie.



"Aba pare akalain mo nga naman may kasama palang duwendo ito" Sabi ng kasama netong mukhang kano base sa panlabas na itsura



"HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAH, gago ka talaga ashton!" Tawa pa ng malakas ng lalakeng hindi ko mawari kung anong lahi ngunit nasisiguro kong may ibang lahi ito




"Hoy anong duwende ang sinasabi mo dyan ha kanong espasol! Matangkad ka lang!" Sigaw pa nito.Hinawakan ko ang kamay ni Rosie at tumayo.


"Rosie, huminahon ka lang wag mong dalhin ang ugaling pakikipagbasag ulo natin dito" bulong ko upang hindi marinig ng apat na ito.



"Pasensya na kayo sa ingay ng kaibigan ko, maaari ko na bang makuwa ang bag ko?" Pagpapakumbaba ko pa, ayaw ko ng makick out muli dahil sa pagiging siraulo ko.



"HAHAHAHAHAHAHAHAHHAAH napakabait mo naman at miss?" Sabi pa ng pulpol na humatak ng bag ko




May nanunuod sa amin na animoy tinitingnan ang magiging galaw at kilos namin, paniguradong may gusto itong mga to sa apag na ito



"Nakikiusap ako sayo mister akin na ang bag ko" pakikiusap kong muli



"Paano kung ayaw ko?" Tanong nya pang muli, nangunot ang noo ko. Kinginang yan first day na first day of school may perwisyo na agad. Nagulat ako ng binuksan nya ang zipper ng bag ko at dagliang binuhos ang lahat ng laman nito



Tumawa ang karamihan sa mga nanunuod ang iba ay naaawa



"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA look at them, that two girls they look trash"


"Yes! They are! Hindi naman pagt tripan ng f4 yan
kung nagandahan sila!"



Bulong ng dalawang babaeng malapit saamin sinamaan ito ng tingin ni Rosie




"Sino ka ba sa akala mo Mister!" Sigaw ni Rosie. Hinawakan kong muli ang kamay nya upang huminahon sya.



"Umalis na kayo Mister, patatawarin ko kayo ngayon. Lubayan nyo na kami, ayaw namin ng gulo" Muling tumawa nang nakakainsulto iyong may kulay green na mga mata


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maraming salamat sa pagbabasa! Isa lamang akong baguhan sa larangan ng pagsusulat ngunit sana'y inyong magustuhan. Happy reading everyone!

@BatesMoon

My Moon  (Houston Series) - On GoingWhere stories live. Discover now