Chapter 10

13 9 1
                                    

Luna's POV

"Rosie tinatamad akong pumasok" sambit ko habang kumakain.


"Magtigil ka Luna! Bukas weekends na, walang pasok! Papasok ka ngayon!" Sigaw nya sakin.



"Tyaka aasikasuhin yung research na pag ka aga aga ibinigay! At bakit hindi ka papasok ha?!nako!! Nako!! Ano na namang problema mo ha!??!?! Andito ako pwede ka magsabi sakin jusko ka! Ano pa't naging bestfriend mo ko kung hindi ka magsasabi!?! Anak ka talaga ng tatay mong iniwan ka! Bak----"



"Tangina Rosie napakaingay mo, oo na papasok ako" pagputol ko sa sinasabi nya. Kahit kelan napakaingay ang kingina. Di man lang manahimik.



Nasa parking lot na kami at inaayos ang helmet ko pero bigla na lang ako muntik matumba dahil sa pagbukas nang pinto ng sasakyan! Hinarap ko ito at si Deix ang nagmamay ari.



"Paharang harang kasi! Wag nga kayo dito mag park!" Sigaw nya sakin at umalis.



"Lakas ng topak non, no?" Natatawang sabi ni Rosie.



"Okay class so today we're going to discuss about bullying! Hindi ko naman to dapat ididiscuss kaso sabi ay dapat idiscuss ngayong first subject. Siguro dahil sa nangyari kahapon" at isa isa syang tumingin saming anim nila Rosie, Ashton, Dwight, Gael, ako at si Deix.



"May nangyari kahapon?" Tanong ng kaklase ko.



"Gaga, di mo nabalitaan?nakipagsuntukan ang F4 at yung dalawang transferee"sagot naman nung isa.




"Class quiet! Walang nangyari kahapon ano ba!?" Pagtatakip ni ma'am. Tss lakas ng tama, gaganom tas babawiin. Tyaka ano bang bully don? Utak ng mga teacher na 'to.



"So bakit nga ba nangbubully ang mga kabataan or ang mga tao" biglang tanong naman ni ma'am.





"Yes Rosie?" Tawag ni ma'am kay Rosie, tibay ng babaeng 'to sumagot pa hahahaha!



"Popularity ma'am, kapag popular ka agad kakalat lahat ng sinabi mo mapatunay o peke man ito. At madali kang paniniwalaan dahil nga popular ka" sagot naman ni Rosie.


"Good, Yes Angelina?"



"Dahil sa naranasan nila ito dati? Sa kagustuhan nilang hindi na 'sila' yung mabully ay sila na ang nangunguna" at nagtawanan ang mga kaklase ko



"Class quiet! May point sya. Ikaw naman Mr Houston" tinawag nya si Deix kahit hindi nagtataas ng kamay!



"Tss" pangunguna nya at tinaasan naman sya ng kilay ni ma'am



"Because of power. Tss, aaminin ko na rin isa sa dahilan kung bakit nambubully ako dahil alam ko namang matatakasan ko dahil 'anak ako' ng mayari ng eskwelahang ito" sagot nya at naupo.



"How about you Kleith?"biglang tawag sakin. Anak ng kagang nakikinig na nga lang e!



"Dahil trip lang ma'am. Hindi naman lahat ng tao porket binubully ka may dahilan, yung iba ginawa tong libangan." Sagot ko at naupo, kaurat tong topic.



"Is those reasons enough para mambully ang mga 'tao' " tanong ni ma'am sa lahat.


"No ma'am" at nagtuloy tuloy pa ang discussion 'di na 'ko nakinig dahil nakakaurat.


'Kringgg kringgg' recess na raw.



Nagaayos ako ng bag ko ng biglang may bumato sakin ng papel hindi ko pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglilinis. May bumato ulit ng mas mabigat na bagay! Hindi ko pinansin ng biglang dumami ang nambato sakin hindi lang ako ang pinatamaan pati si Rosie.



"Kingina sino yon!?" Tumayo at sumigaw si Rosie.



"Kayo pala, hehehe bakit?" Biglang tanong ni Rosie tapos bigla ulit syang binato ng mga loko!


"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawanan naman ulit nila.



"Hoy te! Antagal nyo!tara na sa baba kakain na" biglang pasok ni Jamie.


"Sige una na kayo, bababa na kami order nyo na kami ha" nakangiting sabi ko at tumingin muli sa likod.



"Ano bang problema n'yo?" Naiiritang tanong ko sa kanila.




"Ikaw" sagot ni pulpol na si Deix. Akala ko ayos na kami? Tss!




"Inaano kita?" Tanong ko ngunit mahinahon na.



"Umalis ka sa school ko" biglang seryosong sabi ni Deix, lakas ng topak nito.



"Aalis ako kapag nagawan mo ng paraan na makabalik kami ni Rosie sa Arce" sabi ko ng nakangisi at hinatak si Rosie palabas.




"Kinginang yon! Lakas ng tama. Akala ko oks na tayo, e" sabi naman ni Rosie.


"Hayaan mo na, cutting tayo. Uuwi na ako. Wala akong gana ngayon, e. Punta na lang tayo sa mall" biglang sabi ko, nginitian nya naman ako at pahiwatig na yon na okay sa kanya.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••


"Sige sapakin mo! Ayan pa! Tangina! Bobo nasa likod!" Sigaw ni Rosie. Kasalakuyan kaming nanunuod ngayon sa sine at action ang pinapanuod namin.


"Ate baka pwede namang manahimik ka?" Pagtataray ng katabi ni Rosie.




"Takpan mo tenga mo, wag mo kong pakialaman" pagtataray din ni Rosie hahahahhaa! Bwiset talaga 'tong saltik na 'to.




"Hindi lang ikaw nanunuod, manahimik ka" taray ulit ng katabi nya.




"Tss! Sa sobrang daming nanunuod ikaw lang nagrereklamo! Tse! Ampanget mo" sabi ni Rosie hahahahahah! Bwiset talaga "tong babaeng 'to.


"Hoy miss! Wag mo ngang awayin girlfriend ko!" Sigaw naman ng katabi nyang lalake, boyfriend nya malamang.



"Ikaw din!panget ka rin!" Sigaw naman ni Rosie sa kanya at nagtawanan ang mga tao sa likod dahil sa sinabi ni Rosie


"Aba gago 'to ah! Papalag ka ba miss?!" Sigaw naman nung lalaki kay Rosie napatayo pa yung lalake.



"Tss, ako. Ako papalag ako" mahinahong sabi ko at tumingin naman sa kanya


"Bakit, kaano ano mo ba 'to at nangingialam ka?!" Sigaw nya sakin. 'Di ba marunong magsalita 'to ng mahinahon?



"Girlfriend ko sya, bakit?" Mahinahong dagdag ko pa.



"Aba, sa ganda mong yan tomboy ka pala miss? Sama ka sa 'kin ipapagahasa kita sa mga tropa ko baka sakaling maging babae ka" at doon na ko di nakapagpigil. Sinapako sya.


MALAKAS NA SAPAK!!!!!

Ang ibang tao sa loob ng sinehan ay lumabas ang iba naman nanuod at nagvideo pa.


"Gago ka ah!" Susugod na sana sya sakin pero sinalubong sya ni Rosie at sinuntok sa ilong



Susugod sana ang girlfriend nya pero sinampal ni Rosie.



"Hoy! Bawal yan dito" sigaw ng nagbabantay hinarap sya ni Rosie at tumayo naman yung lalake habang hawak hawak sa balikat ang girlfriend nya.



"Kuya! Paalisin mo nga dito yan nanggugulo"



"Ma'am Larosie, hindi ko ho kayo nakilala" biglang ngiti ni Manong.



"Ayos lang manong tantan, pakidala na ho sa labas 'tong dalawa at ayaw ko na hong makapasok yang muli sa 'mall ko'" pinagkadiinan nya pa ang salitang mall habang nakatingin sa dalawa at nginisihan naman sila ni Rosie.



------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maraming salamat sa pagbabasa! Isa lamang akong baguhan sa larangan ng pagsusulat ngunit sana'y inyong magustuhan. Happy reading everyone!

@BatesMoon

My Moon  (Houston Series) - On GoingWhere stories live. Discover now