Chapter 7

28 18 2
                                    

Haurious POV

Gumising na naman akong wala si mom and dad at bukas raw ay pupunta na naman silang ibang bansa dahil may aasikasuhin sila sa France at sa susunod na araw na naman ay sa Korea.




"Nay kelan po uuwi si kuya?" Tanong ko kay nanay celia na kasabay kong kumain.




"Sa makalawa ata ijo, siguraduhin mong ang grades mo ay kaaya aya dahil panigurado pagagalitan ka non! At sana naman tumigil ka na sa pangbubully mo!" Pangaral pa nya. Kada gising ko ay palagi na lang ako pinangangaralan ni nanay.





------------------------------------------------------------------




"Andito na ko pare asan na kayo?" Kausap ko ngayon si Gael sa telepono.




"Malapit na ko, malapit na rin daw sila Ashton. Mauna ka na sa room" sabi nya pa at binabaan ko sya ng telepono.




Paakyat na sana ako ng hagdan ngunit narinig ko ang boses ni Luna.



"Ano bang mapapala mo sa kakatulak sa 'kin?" Tanong nya sa babaeng kaharap nya at kung hindi ako nagkakamali ay si Maribela ito! Ang dati kong linigawan na niloko ako! Psh.




"Wala! Pero layuan mo si Haurious! Wala kang karapatang dumikit sa kanya!" Sigaw nya at nagitla ako, psh hanggang ngayon nagseselos pa rin. Lokohin ako tapos ga ganyan ganyan, buti na lang talaga ako trip lang naming magtotropa yon.




"Hindi ko sya dinidikitan, pwede ba yung laway mo tumatalsik baka mapaso ang balat ko" mahinahong sabi pa ni Luna.




"HAJAJAJAHAJAHAHHAHA palag na Bela! Ano palag" tawa pa ni Rosie.



"You bitch shut the f---" naputol ang sasabihin nya nang itulak sya ni Luna.




"How dare you!? Don't you know me?! Don't you know who I am huh! My dad is a shareholder dito sa school na 'to! Say sorry bitch!" Sigaw naman ni Maribela, kahit kaylan ay napakaarte ng babaeng to! Kahit nung nililigawan ko sya ay pabili ng pabili! Pulubi ang gaga!





"I don't care, you better get lost. Dahil hindi mo magugustuhan kapag nilabanan kita" sabi ni Luna at hinatak si Rosie ngunit bago pa man ito makahakbang muli ay sinabunutan nya si Luna.





Pupunta na sana ako para pigilan si Maribela ngunit nagkapalit ang pwesto, ang Maribelang nakahawak sa buhok ni Luna ay nasa sahig na at umiiyak dahil sinampal ito nang pagkalakas lakas ni Luna.




"Wag mo 'kong artehan! At wag mo 'kong niyayabangan dahil ang lupang kinatatayuan ng bahay nyo ay pag mamay ari ko at wag mong pinagmamalaki ang pera na mayroon ka dahil wala pa sa 1/4 ng pera ko ang pera nyo" bulong pa ni Luna ngunit naririnig ng mga malalapit sa kanya.




Pagkaalis na pagkaalis ni Luna ay syang alis ng karamihan at nanatili lamang si Maribela sa sahig. Nilapitan ko sya at tinulungan.





"Haurious!" Tumayo sya at niyakap ako. Etong babaeng to malandi talaga. Kinalag ko ang pagkakayakap nya.





"Sa susunod na makita kong inaaway mo ang babaeng yon ako mismo ang magtatanggal sayo sa eskwelahan ko, naiintindihan mo?" Sabi ko sakanya at iniwan sya.




Luna's POV




"So I want you guys to form a group! 2boys and 2 girls in one group! That will be the permanent group for the whole school year! Unless I see something wrong in your group! Clear?!" Sir Manzon said.






My Moon  (Houston Series) - On GoingWhere stories live. Discover now