Chapter 4

39 31 1
                                    

Haurious' POV

"Goodmorning Nanay selya, nasaan po sila mom and dad?" Tanong ko sa kasambahay naming naging pangalawang ina ko.


"Ano ka ba naman ijo, hindi ka pa nasanay malamang sa malamang ay maagang umalis para sa business nila" napabuntong hininga na lamang ako, sa tuwing gigising ako ay palaging wala sila.


"Pasok na ho ako nanay, wala ho akong ganang  kumain" paalam ko.



"Ano ka ba ijo! Kumain ka rito! Halina't sasabayan kita!! Kapag dumating na ang kuya mo ay hindi pwede yan dito! Naiintindihan mo ba ko?!"




"Oho nanay, pero sa ngayon ho hindi muna ako kakain. Promise nay, ngayon lang po ito!" Sabi ko at nagpauna nang lumabas dahil tiyak na hindi nya ako papayagan!




Habang pinapark ko ang sasakyan ko ay may ingay akong narinig napaparating at parehas nagpark sa magkabilang gilid ng sasakyan ko. Dalawang motor na mamahalin. Bumaba ako upang tingnan kung sino itong dalawang to at nakita kong si Luna at Rosie! Psh kababaeng tao nagmomotor!




Matapos kong tingnan kung sino iyon ay daglian akong pumasok sa school may nakatama ng bola sa ulo ko!pakshet ang gwapo kong mukha! Inis na lumingon ako sa pinanggalingan non! Varsity player kingina! Hamunin ko kaya ng 1v1 to! Dati akong player ng basketball ngunit dahil senior high na kami ay hindi na pwede.




"S-sorry deix, hindi ko s-sinasadya" pagpapaumanhin ng gago, nabanas ako lalo nung narinig ko ang itinawag nya sakin.




"Nasaan ang bolang tumama sa ulo ko? Akina" sabi ko at ibinigay nya naman ito.




"Sa paanong gusto mo tumama saiyo ito? Iyong alam mo o iyong bigla na lang tatama sayo?" Tanong ko nang mahinahon ngunit maotoridad.




"Sorry na nga d-de--" naputol ang sasabihin nya nang binato ko ng malakas ang bola sa tuhod nya at kinuwang muli ito.




"Napakapanget ng pangalan ko kapag ikaw ang nagbabanggit alam mo ba yon!?" Sigaw ko sa kanya.




"Pare, pasensya na ako na ang bahala sa kanya pakiusap player to ng school natin" anang kaibigan ko nung kasali pa ako sa varsity.


"Sa susunod na pakalat kalat yan sa lupang tatapakan ko tatanggalin ko at papalitan ko kayo, naiintindihan nyo!? Aga aga binabanas nyo ako!" Sigaw ko at ibinato patalikod ang bola upang pulutin nila ito sa malayo.



Luna's POV


Kitang kita ko kung paano inalipusta ni Deix ang lalakeng iyon, hindi nga sya bakla.


"Tara na Rosie, ESP ang una natin" aya ko pa kay Rosie.



"Goodafternoon class, for now gusto ko munang magkwentuhan tayo kung paano kayo nakukuntento sa nakaraan nyo." Sabi ni Ma'am



At tuloy tuloy na nga ang pagkekwento nila, halos karamihan ay nakakatawa buti pa sila naranasang sumaya.



"Mister Houston ikaw na"




"Pagbalik sa parke kung saan ko unang nakita ang first love ko ma'am" sagot nya psh parke ang kingina. Corny.



"Maaari mo bang sabihin ang pangalan nya?" Tanong ni ma'am




"Hindi ko sya nalaman ang pangalan nya ngunit tanda ko ang itsura nya. Kung gaano sya kaganda, kung nasaan ang nunal nya, kung gaano kaperpekto ang hugis ng ilong nya" sagot naman ni Houston.



"Interesting, paano mo syang naging first love kung ganon?" Tanong muli ni ma'am




"Ma'am! Nakakahiya e!" Sabi naman ni Deix




"Walang nakakahiya! +2 ito sa card at kapag natuwa ako magiging +4 pa!"




"Umiiyak ako no'n dahil sa walang panahon sakin ang mom and dad ko, nandoon ako sa park na yon. Asking myself why? Bakit wala silang oras sa kin. Umiiyak ako doon ng may babaeng nagabot sakin ng panyo, tapos nagkwentuhan kami higit sa dalawang oras. i think I was 6 or 7 that time" nagitla ako sa sinabi nya a lil bit familliar lang. I was crying also at the park when I met my first love.



"Pagkatapos non ma'am umalis na sya dahil may sumundo sakanya at nakalimutan kong tanungin ang pangalan nya" sagot namin ni Deix.



"Hoping that you'll meet her again" ngiting sabi naman ni ma'am.





"And you Arcegono" kingina bakit ba naman kasi naging A pa start ng surname ko, una tuloy palagi ako sa girls, psh!




"Sa pakikipagr-rambulan ma'am"utal na sabi ko at nagtawanan sila bukod kay Rosie. 



"Gago, sabi ko sayo barako yang si Kleith e!" Sabi pa ni Gael.




"Type ko na talaga sya!" Sabi naman ni kyle, kaklase ko. At di ko na pinakinggan pa ang iba.



"Class quiet! Continue Arcegono" sabi ni maam.



"I was 6 when my mother died, I've never known kung sino man ang tatay ko at ayaw ko nang makita sya. Nagrebelde ako, sinisi ko ang lahat. Pati ang diyos kung bakit nya kinuwa agad ang nanay ko. Im the only child. Lumaki ako kasama ang katulong namin. Sya ang nagalaga at nagpalaki saakin ngunit hindi ako nakontente roon. When I was 7 doon ako nahsimulang maging siraulo pero hindi pinapabayaan ang pagaaral. Sa tuwing nasasaktan ako sa pagkamatay ng nanay ko or nababadtrip ako, nakikipagsuntukan ako kahit kanino para maibsan yung nararamdaman ko" mahabang paliwanag ko.



"Huminto ka na ba sa ganyan?"tanong muli ni ma'am.



"Huminto na ako nung napatanggal ako sa eskwelahang pag aari ko mismo, hindi na ako pinayagan ng tumatayong dean na manatili sapagkat puro basag ulo ako. Sa tingin ko ay papanget masyado ang record ko kung ipagpapatuloy ko rito kaya naman ay inihinto ko na" sagot ko at umupo.




Nagtuloy tuloy pa hanggang sa matapos abg klase at naguwian na.



----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maraming salamat sa pagbabasa! Isa lamang akong baguhan sa larangan ng pagsusulat ngunit sana'y inyong magustuhan. Happy reading everyone!

@BatesMoon

My Moon  (Houston Series) - On GoingWhere stories live. Discover now