Chapter 11

14 5 1
                                    

Haurious' POV

"Tara mga 'tol basketball tayo" Sabi ko kila Dwight na ka-vc ko ngayon.

"Pass tol" Gael.

"Gago, anong pass ngayon na lang ulit tayo magbabasketball!" Sumisigaw pa si Dwight, kahit saan talaga tong taong to napakaingay!

"Oo nga Gael, wala ka namang date! Tyaka sa 'min muna ngayon, walang pasok oh! Wala ka namang kadate." Sabi naman ni Ashton.

"Magtatampo na talaga ako sayo baby, hinayaan na nga kitang magkagusto kay Rosie, e" nakanguso animo'y totoong nagtatampo pa si Dwight.

"Anak ka ng kagang! Sino ba nagsabing gusto ko 'yon?" Sigaw naman ni Gael at nagtawanan kami, ending magbabasketball kami sa park dito sa lugar namin.


"Nanay selya si Haurious po?" rinig kong tanong ni Ashton.

"Andito na ako, ugok" sabi ko habang bumababa nang hagdan.

"Hindi ba muna kayo kakain mga ijo? Nagluto ako"- nanay selya

"Ahhh Nanay Selya, hindi na ho" sabi ko maman

"Aba kung ganon ay pagdadalhan ko na lamang kayo, d'yan lang naman kayo diba sa may park" biglang sabi ni nanay selya.


"Anong hindi! Nanay Selya kakain po kami nagugutom na 'ko, e. Hehehehhehehe" ngising asong sabi nya pa at niyakap si nanay Selya.



"Namiss ko ho kayo, long time no see nay!" At nakipag fist bomb pa kay nanay. Masyadong close ang mga tropa ko kay nanay selya at lalo na sa parents ko dahil pamilya ko, wala na ngang paalam kapag pumapasok kami sa bahay ng isa't isa.




"Grabe nay walang kupas ang galing mo sa pagluluto! The best!" Panguuto pa ni Ashton



"Hay nako! Wag nyo ngang utuin yan si nanay!" Sigaw ko naman sa kanila.




"H'wag mo sabihing hindi ka nasasarapan 'tol? Aba tanga ka kung hindi" sabi ni Gael at tumawa na parang tanga naman si Dwight.


"Hay nako mga bata kayo o oh, nasa hapag kainan kayo! Tss ikaw talaga Deix! Puro ka kontro kahit kelan! Iiwan kita at sa mgakaibigan mo na 'ko makikituloy sige ka!" Natatawang banta ni nanay.

"Yan tama yan nanay, aalagaan ka ho namin! Hindi ka ho namin hahighblood-in tulad ng ginagawa nitong alaga nyo" at nagtuloy tuloy pa ang kwentuhan.

Maya maya pa ay....


"Sapat na ho pahinga namin nay, pwede na ho kaming magbasketball"sabi ko naman.

"Magiingat kayo!" Paalala naman ni manang.



Luna's POV


Inagaw ko ang bola kay Rosie tumakbo papunta sa ring at saka ni layup ito.

"Apakaling talaga ng girlfriend ko, kiss nga dyan" sabi pa ni Rosie at hinalikan ko naman sya pisnge. Dahil baliw si Rosie umacting pa na animo'y kinikilig.

Patuloy lamang kami sa paglalaro maya maya pa ay naagaw nya ang bola sa 'kin dahil pilya akong kaibigan hinawakan ko ang kabundukan na nasa dibdib nya at tinulak nya ako! Muntik pa akong mapaupo dahil sa lakas.


"Ba't ka nanunulak?!" Kunwaring inis na tanong ko pa sa kanya ngunit ang totoo ay natatawa ako dahil panigurado nahihiya sya dahil may ibang tao pa ang naririto! Hahahaha

"E bakit ka nanghahawak ng dede!?" Mahina ngunit pasigaw na tanong nya.

"AHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAH" kilala ko ang tawa na yon ah! Tumingin naman sa likod ko si Rosie at mas lalo syang namula tumingin rin ako sa likod at kitang kita kong nakatingin sa kanya si Gael.


Haurious' POV

Andito na kami sa mini court ngunit may dalawang babaeng naglalaro at si Luna yon pati si Rosie, mga magagandang babae pero mga kilos lalake!


"Hoy pre naglalaro crush mo! Panuorin mo"tukso ni Ashton kay Gael.

"Tanginamo naman Kano! Sabing hindi ko nga crush yan, e!" Sigaw naman sa kanya ni Gael.

"Wushuuuuuu, nakalimutan mo na ba yung mga araw na pumupunta ka pang ANS para lang makita sya?" Ngising sabi naman ni Dwight.



Ang totoo ay matagal na namin silang kilala pero kung anong katauhan ni Luna ay hindi namin alam, kilala lang namin sya sa pangalang Luna ngunit ang katauhan nya ay hindi, kay Rosie naman nakilala namin dahil kay Gael. Ang company ng parents ni Gael at Rosie ay magkatambal, simula bata pa lang nakikita na ni Gael si Rosie ngunit hindi sila naging close dahil sadyang mahiyain daw si Rosie noon na hindi mahahalata ngayon dahil sa sobrang ingay nya.

Naagaw ni Rosie ang bola kay Luna, nagdidrible at nakangisi si Rosie sa kanya ng maya maya pa ay..... hinawakan ni Luna ang dibdib ni Rosie! Pakshet?! Ba't ganon sila?!


"HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA!" Biglang tawa ni Dwight dahilan para mapalingon samin ang dalawa. Binatukan naman sya ni Gael.

"Oh F4 ginagawa nyo rito?" Biglang bati ni Rosie, siguro para matakpan ang hiya nya


"Magbabasketball sana pero naglalaro kayo e, btw nice game and nice----" hindi na natapos ang sasabihin ni ashton dahil binalya sya ni Gael.


"Game kayo? 3v3?" Biglang aya naman ni Dwight.


"Pahinga muna kami saglit ni Rosie, bili lang kami tubig tas pahinga ng ilang minutes, si Gael at Dwight kakampi ko. Deix at Ashton kay Rosie kayo" sabi ni Luna at hinatak si Rosie.


"Larosie at Luna Kleith! May tubig si Gael at Haurious! Ayon na lang muna inumin nyo para hindi dagdag pagod" nakangising sabi ni Ashton, tanginang lalaki talaga 'to!


"Hindi na, bibili na lang kami" sabi ni Rosie.


"I-ito na lang muna inumin mo Rosie, hindi ko pa naiinuman yan" nakangiti ngunit kabadong bigkas ni Gael, nice move dre!

"Sige na Rosie, maiwan ka na muna dito. Bibili muna ako ng sakin" sabi ni Luna at iniwan si Rosie.

"Wala pre! Mahina ka! Nakadamoves na si Gael ikaw hindi pa" asar ni Dwight sa 'kin inapakan ko naman ang paa nya. Peste 'tong pranses na 'to.

"Hindi ko sya gusto! Manahimik ka nga!"


"Ulul ka Houston, lokohin mo na lahat wag lang ako" sabi pa ni Dwight


"Tss! Tyaka na 'ko iibig kapag napasalamatan ko na yung babaeng nagbigay sakin nito" at ipinakita ko sa kanya ang panyong ibinigay sa akin ng babaeng 'first love' ko.


"5 minutes, pahinga lang ako" sabi ni Luna pagkarating at nahiga sa bench na animo'y lalake. Si Rosie naman ay tiningnan sya at nilapitan ito upang gawing unan ni Luna ang hita nya. Tss, may relasyon ba 'tong dalawang 'to


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maraming salamat sa pagbabasa! Isa lamang akong baguhan sa larangan ng pagsusulat ngunit sana'y inyong magustuhan. Happy reading everyone!

@BatesMoon

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Moon  (Houston Series) - On GoingWhere stories live. Discover now