Chapter 8

22 18 4
                                    

Luna's POV

"Pwede bang samin yung kalahati?" Hindi ko na kelangang lingunin pa dahil boses pa lang kilala ko na.




"Oh kamusta F4!" Masiglang bati ni Rosie




"Sasali kayo? Kaya ba ng mga buto nyo to?" Asar pa ni Rosie at nginiwian naman sya ni Gael



"Bilis bilis! Kakain pa kami!" Sigaw ni dwight. Tss kahit kelan maingay ang kingina.



Nagsimulang sumugod ang lahat. Kanya kanyang sugod ang lahat habang si Eunice ay nakatayo lamang. Humanda ka sa akin Eunice isusunod kita punyeta ka!



Sinipa ko si Aldrin na sa tiyan, hindi ko aakalain na ang tapat kong tauhan ay kakampi sa kalaban, tss. Sisipain ko pa sana syang muli sa tiyan ng biglang sumugod yung isa pa. Kay bagal nitong tumakbo dahil sa katabaan. Sinalubong ko at nilagpasan sya nang kakaunti sabay siko sa batok dahilan ng pagtumba nya. Knock out. Ayaw kasi magpapayat.



Pag lingon ko sa likuran ay aapat ang kalaban ni Deix kaya naman dali dali akong pumunta doon para kuhanin ang dalawang lumalaban pa sa kanya. Tinuhod ko ang isa at pagkayuko nito ay syang sapak ko sa baba nya. Sinampal ko si Gab at sinuntok sa panga kasabay ng pagtadyak sa tiyan nya, dahilan para mamilipit sya sa sakit.




"Ako ang lalaban sa kanya Luna" biglang nagsalita si Deix at nilapitan si Gab. Umalis na ko doon at hinarap si Eunice.



"Alam mo bang gustong gusto kong itorture ka sa tuwing nakikita kita?" Galit na sambit ko sakanya.



"Eh bakit hindi mo ginagawa?" Nakangising sabi pa nito.



"Ayaw ko kasing mabahiran ng maduming dugo mo. Pero sige, dahil willing ka naman lalo akong napoprovoke na gawin yon" lumapit ako sakanya at sinampal sya. Pagkatapos sampalin ay hinila ko sya sa buhok at dinala kay Rosie.


"Tandaan mo, hindi ka lang sa 'kin may kasalanan. May kasalanan ka rin kay Rosie" bulong ko pa.



"Oh Eunice! Long time no see. Kamusta? Masarap ba sa kama ang 'boyfriend' ko?" Diniinan pa ang pagsambit ng boyfriend



"Yes dear, habang kinakama nya ko ay wala syang ibang ginawa kundi ang umungol sa sara---" pinutol ni Rosie ang sinabi ni Eunice sa pamamagitan ng isang suntok sa tiyan.



"Kulang pa 'to Eunice, sa sobrang daming kalokohang ginawa mo sa 'kin, sa 'min ni Luna ay kulang pa 'to!!" Biglang sigaw ni Rosie dahilan para matinag ang natitirang nakikipaglavan ngunit bumalik rin naman sila sa kanya kanyang ginagawa.



Siniko ko ang batok ni Eunice ngunit bago pa man sya matumba ay sinipa na ni Rosie ang mukha nito. Dahilan para tuluyang tumumba si Eunice. Hinatak ni Rosie ang buhok nito ngunit bago pa man magawa ni Rosie ang gagawin nya ay may biglang pumito! Sinong tanga ang nagpatawag ng security guard!



"Hoy! Bawal yan! Pasaway na mga bata!" Sigaw nung guard



"Manong sagot ko na 'to" sabing bigla ni Ashton.




"Ser ako po ang mapapagalitan ng dean." Sabi pa ni manong.




"Ako na ang bahalang magpaliwanag kay lolo, manong paalisin nyo na lang sila" sabat ni Deix




"Pero sir ak----"



"Sabing ako nang bahala e!!!" Biglang sigaw ni Deix, loko talaga.



"A-aah sige po sir"



Lahat ng mga nakakatayo pa ay tinulungan yung iba at sabay sabay sila. As usual si Eunice ay nauna na! Palaging walang pake sa mga kasamahan.




"Salamat nga pala at dumating kayo!" Biglang sabi ni Rosie.




"Pagod na kam---"pinutol ko ang sasabihin nya.



"Tss, ikaw lang ang pagod" singit ko naman.



"Napakayabang mo talaga! So anyway salamat at dumating kayo. Kingina andami non e! So paano, sibat na kami ha!" Sabi ni Rosie.



"H-hoy anong sibat! Libre nyo k-kami!" Biglang sabi ni Gael.




"Aba so babae na ngayon nanlilibre sa lalake?!" Biglang sabi ni Rosie, kahit kailan ay halata tong babaeng 'to.




"A-aahh, oh sige s-sama na lang kayo samin" biglang sabi ni Gael.



"Hindi na, kami na lang manlilibre. Tinulungan nyo kami e" nakangiting sabi ko.


Hauston's POV



'Grabe talaga tong dalawang babae na 'to, grabe yung lakas.' Sambit ko sa isip ko.




"A-aahh, oh sige s-sama na lang kayo samin" biglang sabi ni Gael.



"Hindi na, kami na lang manlilibre. Tinulungan nyo kami e" nakangiting aniya ni Luna at natigilan naman ako, napakaganda ng ngiti ni Luna, nakita ko na ata tong ngiting to.



"Laway mo vro, ngiti palang ni Kleith nakanganga ka na" bulong naman ni Dwight.



"Ulul" sabi ko.




"Oh sya tara na aba! Gugutom na ko saan tayo magkikita?!"



"Jolibee! Dyan sa pinakamalapit na mall dito" sabi ni Rosie.




"What?! Jollibee?" Biglang sabi ni Dwight.




"Oh bakit may angal ka!? Aba edi ikaw manlibre sa sarili mo!" Biglang sigaw ni Rosie. Bagay na bagay tong dalawang to, kung hindi lang talaga nililigawan ni Dwight si lea tutuksuhin ko si Dwight sa kanya e.





Pagkarating na pagkarating namin sa Parking lot ng mall ay nakita namin si Rosie at Luna na nakaupo sa motor animoy hinihintay kami.




"Ayaw nyo ba sa Jollibee? Kasi kung ayaw nyo sa restaurant na lang tayo" sabi ni Luna, nakangiti! Pakshet nakangiti! Bakit ba bigla akong nagandahan sa ngiti ng babaeng to! At bakit ngiti naman sya ng ngiti!




"Aahh, hindi. Okay lang sa Jollibee nalang tayo" sabi ko.




"Gago anong jol--"




"Edi kumain ka magisa mo sa gusto mo" pagputol ko sa sasabihin ni Dwight




"Hoy gago. Tinatalo mo na ko para kay Luna" Pabulong na sabi pa nito at hindi ko na sya pinansin pa.



------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maraming salamat sa pagbabasa! Isa lamang akong baguhan sa larangan ng pagsusulat ngunit sana'y inyong magustuhan. Happy reading everyone!

@BatesMoon

My Moon  (Houston Series) - On GoingWhere stories live. Discover now