chapter 5

42 29 1
                                    

Haurious' POV

Nahuli akong lumabas ng campus dahil may kukunin ako sa locker ko. Pagkakuwa ko nito ay naglakad na ko palabas ngunit hindi ko pa man din naaapak ang paa ko sa labas ng gate ay may biglang sumapak sa pisnge ko


"Tarantado ka Hauston! Hindi porket pagaari mo tong school ay gaganonin mo ang kapatid ko!" Sigaw saakin at may kasama pang 7 ito!


"Tarantado ka sino ka ba!?" Sigaw ko at sinuntok rin sya


"Ako?! Ako ang kapatid ng lalakeng binato no kanina ng bola" sinapak nyang muli ako, malakas!


"Tarantado sya ang unang nambato! Lumayas ka sa eskwelahan ko tyaka taga saan ka ba!?" Hindi na ko sumuntok, mamaya na lang para tuloy tuloy


"Napakayabang mo! Baka hindi mo alam kung saan ako galing! Galing sa Arce National School!" Psh! School kung saan maraming matalinong gago ang kingina


"Lumayas ka dito!" Maglalakad na sana ako ngunit bigla nya kong hinatak at sinuntok! Kingina yari to sakin kapag nagkaroon ako ng peklat sa mukha


Patuloy lamang ang suntukan naming dalawa ng biglang may dalawang nakisuntok na rin!hindi pa nakuntento at sumali ang lahat! Dehado ako neto


"Hoy!" Sigaw ng kungsino



"L-luna? A-anong ginagawa mo rito" tanong ng kapatid nung lalakeng kapatid kuno nung binato ko ng bola


"Nagaaral malamang, napakaengot mo kahit kelan Gab! Alam nyo ba kung sino yang kinakanti nyo?" Tanong ni Luna



"Bakit dito? Bakit hindi ka ron sa Arce National School! Pagaari mo yon!" Sabi naman nung Gab! Kingina nagkwentuhan pa! At ayun pala yung school na pagaari nya! Tss


"Napakadami mong dada! Bakit ka nandito?"sabi naman ni Luna

"Etong tarantadong to! Kinanti yung kapatid ko!" Turo pa sakin


"Gago ka pala e! Kapatid mo pala yung ginalaw bat ikaw rumesbak at ang dami nyo pa?" Sabi pa ni Luna! Nagmamayabang! Tingnan lang natin kung makakapalag ka sa mga ito Luna psh!

Umayos ako ng tayo at pinagpag ang gamit ko


"Magkita nalang tayo sa susunod kapag nagiisa ka na" sabi ko pa


"Hoy gago hindi pa tayo tapos!"sigaw nya sakin


Pagkaharap ko ay nakita ko kung paano suntukin ni Luna yung lalake


"Tarantado ka Gab, hindi ko makakalimutan kung paano ako napatalsik sa sarili kong school nang dahil sa kapatid mong babae! Talagang tyempo at nakita kita, sayo ako gaganti!" At doon na nga nagsimulang pagsusuntukin ni Luna ang lalake! Kamang mangha kung paanong liit ng kamay ay syang sobrang lakas ng suntok nito! Lalapit na sana ang isa pa nang biglang sipain ni Rosie sa mukha ito at nagsimulang makipagsuntukan!


Pinagmasdan kong muli si Luna kung paano nya sipain sa mukha ang lalake at pagsusuntok suntukin ito, lumapit sya sa isa pa at binali ang braso nito. Sabay suntok sa dibdib at panga nito!


Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko! Dalawang napakagandang babae ay sanay na sanay! Napakaangas!


Nagitla ako ng makita kong may hahampas kay Luna kaya't dali dali akong sumugod at suntukin ito sa tyan. Hindi ako nakuntento at pinagsususuntok ko pa ito ng ilang beses sa mukha at tumayo, tinulungan si Rosie dahil dalawa ang kalaban nya at ang ilang kasamahan ay bagsak na!


"Hahayaan kong makaalis ka ngayon, Gab. Tulad ng dati ay patatakasin kita at sa susunod na makita ko ang itsura mo at ng alagad mo, idadamay ko ang pamilya mo!" Sigaw ni Luna


"L-luna, tama na. Pakiusap" nakikiusap na tono nito at sinapak syang muli ni Luna


"Tarantado! Titigil na sana ako pero wala kayong ibang ginawa ng kapatid mo kundi paalisin akosa teritoryo ko, bibilangan ko kayo at kelangan makaalis na kayo rito!"


"Isa!" Ginising nila ang ibang kasamahan yung iba ay inakay


"Dalawa!" Daliang sumukay ang mga ito sa kotseng dala


"Ang boring Luna, parang sarap bumalik sa dating gawi" ngising sabi ni Rosie. Ngumiwi lang sakanya si Luna at tiningnan ako


"Ayos ka lang?" Tanong nya, pormal na tanong. Hindi nagaalala pero malaki ang naging epekto saakin


"Hoy! Sabi ko ayos ka lang ba?" Tanong nyang muli


"A-aaahhh, oo ayos lang ako. Kayo?" Baling ko kay Rosie


"Ayos na ayos walang bangas, ikaw meron HahahHAHAHAHAHAHHQ!" Tawa pa ni habang nakaturo saakin



"Kilala namin ang mga iyon, mga tarantadong loko loko kung hindi kami dumating tiyak na nasa ospital ka na ngayon. Magiingat ka pauwi, hindi imposibleng balikan ka nila kapag ayos na sila at baka mas marami pa"pagpapaalala ni Luna


"Ingat Haurious!" Sabi pa ni Rosie at naglakad na silang dalawa


Hindi ko mawari kung ano tong naramdaman kong kakaiba sa pagsasalita ni Luna tila may boses akong maalala ngunit hindi ko mawari kung kanino galing! Bwiset.


Naglakad na ko palabas ng gate kingina nasaan kaya yung guard dito!


"Napakatagal mo naman ata Hauston at bakit may sugat ka?" Sita ni Gael nang marating ko ang parking lot.

"Kingina, binanatan ako! Bakit ba kasi hindi kayo bumalik!"sigaw ko


"Aba kasalanan pa namin kung ganon e sabi mo mauna nakami!" Sigaw ni Ashton!


"Ilan ba sila?" Tanong naman ni Dwight


"Walo!" Sigaw ko


"Aba buti kinaya mo? Baka kung si Dwight yon pinaglalamayan na sya" biro pa ni Gael


"Dumating si Rosie at Luna, sakto atang may atraso kay Luna yung mga yon! Ayun yung grupo nila at si Luna ang naglaban tumulong na lang ako" paliwanag ko pa.


"Edi totoo nga yung sinabi nilang nakikipagbasag ulo sila?" Tanong pa ni dwight! Ang dakilang tsismoso.


"Grabe para, sobrang lakas nila tingin ko kung itatapat sating apat wala tayong laban!" Kinuwento ko ang buong nangyari at hindi sila makapaniwalan



Matapos magkwentuhan ay sabay sabay kaming umalis

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maraming salamat sa pagbabasa! Isa lamang akong baguhan sa larangan ng pagsusulat ngunit sana'y inyong magustuhan. Happy reading everyone!

@BatesMoon

My Moon  (Houston Series) - On GoingWhere stories live. Discover now