Chapter 3

44 32 1
                                    

Haurious' POV



"Anong tinitingin tingin mo dyan veronica!" Sigaw ko sa babaeng pinatid ko, kung makatingin akala mo ay papalag na.



"Sa susunod wag kang haharang harang sa daraanan ko! Tuloy ikaw pa ang napuntirya ko para lang mabadtrip ang isang yan!" Turo ko kay Luna! Nababadtrip ako sa babaeng 'to wala man lang nagbago sa itsura!



"Pre tama na yan! Kawawa naman si Veron alam mo naman iyakin pinaiiyak mo, pa ahuhuhuhu kawawang Veronica magsusumbong na naman sa mommny nya pero ending sya pa rin ang pagagalitan huhuhuhu" asar pa ni Ashton, sobrang tawa naman ang ginawa ni Dwight at itong si Gael ay tinulungan pa si Veronica na punasan ang sarili!



"Kawawang Veronica isang nerd na---" pinutol ni Luna ang sasabihin ko, kabwiset!!



"Sino ka ba sa tingin mo para manganti ng kapwa estudyante mo?" Mahinahong tanong ni Luna.



"Sino ka ba sa akala mo para magtanong!?" Sigaw ko naman sa kanya.



"Hindi nasagot nang sinabi mo ang tinanong ko 'DEIX' " diniinan nya pa ang salitang pangalab ko na DEIX! Nakakabanas!





"Wala kang karapatang tawagin ako sa ikalawang pangalan ko!" Sigaw ko sakanya, sa sobrang inis napalakas ang sigaw ko.






"Bakla ka ba?" Sabing bigla ni Luna at nagtawanan ang basa paligid ganon na rin ang dalawang kaibigan at si Gael na ngingisi ngisi.




"Tama, bakla ka. Bakit hindi ka manganti ng kapwa mo lalake? Bakit pulos babae itong kinakanti mo? At talagang gagamit ka ng iba para maperwisyo mo ako?" Sabi nya ng mahinahon.




"Siguro kaya mo 'ko tinatawag na bakla ay para mahalikan kita, tss! Asa ka!" Singhal ko sa kanya.




"Kung magpapahalik na rin naman ako, sisiguraduhin kong hindi sayo. Ayaw kong mabahiran ng mabaho at malansang laway ang magandang labi ko" ngisi at nakakainsultong sinabi nya at dahil doon ay lumakas ang tawang nasa paligid ko.




"Hoy babae! Tumigil ka sa sinasabi mo! Baka mas mahal pa ang gamit na ginagamit ko kumpara dyan sa damit mo!" Sigaw kong muli.




"Wala akong pake, sa susunod kung gusto mo ng away. Sabihan mo ako, hindi kita uurungan" ngising sabi nya at tumalikod. Upang kumain muli.




Pinagmasdan ko syang kumain! Nakakabanas ang babaeng ito! Hindi ko na lamang namalayan ang sarili kong lumapit at sinipa patigilid ang upuan nya dahilan para masira ang plastic na upuan at tumamba sya, umugong ang malakas na tawanan.




"Bagay yan sa kanya! Pinapahiya nya si Haurious!"




"HAHAHAHAHAHAHA basurang basura"




"HAHAHAHAHAHAHHA bagay na bagay sa kanya ang spaghetting nasa ulo nya" at nagtawanan na naman silang muli.



Sumugod si Rosie at sinampal ako. Nagulat ako at nahinto ng saglit bago tumingin sa kanya.





"Hoy tarantadong pulpol! Wala akong pake kung sino ka man! Kung ikaw man ang anak ng may ari ng eskwalahan na ito! Lahat nang ginagawa mo sa kaibigan ko ay ibabalik ko sayo!" Sigaw nya.




"Rosie, tama na. Hayaan mong ako ang bumawi para sa sarili ko" nakangising sabi ni Luna.





"Isang galaw isang ganti. Tatandaan mo yan Mr. Houston, yan ang patakaran ko" nakangisi ngunit galit na sabi nya.





Naglakad sila  papalayo.





"Bakla ka pala, e!" Asar sakin ni Gael.




"Manahimik ka! Crush mo siguro si Veronica! Ba't mo tinulungan! Aba kung crush mo yon ay hindi na kita kilala!" Sigaw ko pa.





"Naaaaayyy, nakooo ppoo crush mo si Veronica?? Hindi ko alam na Nerd na pala nais mo tol" Gatong ni Dwight.





"Mukhang may ibubuga yung nakaharap mo, bro" sabi naman ni Ashton.




"Hayaan mo, patatalsikin ko sila sa eskwelahan ko.



Luna's POV



"Kinginang lalake yon" sabi ko sa sarili ko.


"Ayos ka lang Luna?"-Rosie hindi ko sya sinagot.


"Ayos na nga ang Luna" pagkausap nya sa kamay nya, kahit kelan ay siraulo talaga to.


"Luna!! Pasensya na! Wala kaming nagawa for you" nakangusong sabi pa ni Angelica.

"Wala yon, hayaan nyo na lang ako kapag may ganoong bagay, tara na. History na"

"Goodafternoon class, I am Cecilio Gonzaga. Your history teacher! Sa ngayon ay wala tayong gagawin! Dahil may meeting kami. Napadaan lamang ako rito para sabihin sainyong gusto kong magresearch kayo about sa nangyari noong world war 2, understood?! Go to the library  and search for it! Walang pwedeng gumamit ng Internet!" Sigaw nya pa.


"Lea! The class president and James! Isulat sa papel ang gagamit ng cellphone! Nasa isang hilera lamang ang lahat sa loob ng library! And please be quiet! Form your line! Now!" At nagpauna nitong lumabas. Uso ba sa mga teacher ang sumigaw rito!? Psh!



Natapos ang klase ay sabay sabay kaming pumunta sa parking lot. Iisang kotse lamang ang dala namin ni Rosie. Nasa iisang bahay lamang kami dahil gusto namin. Ang iba ay may kanya kanyang sundo. Pagkauwing pagkauwi ng bahay ay syang higa ko sa sofa.



"Nakakapagod ang araw na ito" sabi pa ni Rosie.



"Magmotor tayo bukas Rosie, namimiss ko nang magmotor at para naman bumalik ang angas ko" sabi ko.




"Sige, matulog ka na muna dyan at magluluto lang ako" sabi ni Rosie.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maraming salamat sa pagbabasa! Isa lamang akong baguhan sa larangan ng pagsusulat ngunit sana'y inyong magustuhan. Happy reading everyone!

@BatesMoon

My Moon  (Houston Series) - On GoingWhere stories live. Discover now