Chapter 2

48 33 1
                                    

Luna's POV

sa susunod na klase ay nagkaroon ng emergency meeting ang lahat ng guro, unang araw ay emergency agad! Psh.



"Hello! Ako si Lea Larqueza! I am the president of the classroom! Sa classroom lang and he is my bestfriend! Jamie!" Pagpapakilala pa nito.



"Taray te! He ang sinabi tapos jamie ang pinakilala! Che" kunwaring galit na sabi ni Jamie.




"Hello Lea! Sure kilala nyo na kami heheh pero papakilala lang ulit ako. Ako si Rosie at sya si Kleith" sabi pa ni Rosie.




"Hello kleith! Antahimik mo naman ata!" Sabi pa ni Lea nang biglang may isa pang babae ang umakbay kay Jamie at at isang lalakeng nasisiguro kong bakla.




"Ay nakalimutan ko may mga dukha pa pala akong kaibigan" Pinalo naman sya nung babae at tinarayan sya ng bakla, animo'y biro lamang sakanila iyon




"Sya si Angelica Rey pero demonyo sya" natatawang pagpapakilala nya don sa babae na pinalo sya sa balikat.




"At sya naman Yuri Yanai hapones ang peg pero call him Yuna, He hate his name kahit na napakaganda palibhasa'y bakla ang gaga! So kwentuhan nyo naman kami about sa first day nyo!" Sabi pa ni Lea at dahil pabibo si Rosie ay kinuwento nya simula nung nangyari sa parking lot at yung feeling f4 na sinabi nya.



"Hay nako teh! Ganon talaga yon! Palibhasay may kapit. Yung nanguwa ng bag mo ay anak ng mayari ng school at iyong tatlo ay may ambag rito sa schools! Yung parents nila ay shareholder dito sa NHS" paliwanag ni Yuna.




"Psh kaya naman pala sila ganon!" Sabi pa ni Rosie, nakikinig lamang ako sa kanila.



"Yung apat na yon ay sina Dwight Villin, Ashton  Williams, Gael Martinez and ang leader nila kuno na si Haurious (hawryus) Deix (deyks) Houston! The soon to be owner of this school!" Sabi pa ni Angelica.



"Si Ashton ay isa ring bully! Pero nahawa lang sya kay Deix psh! Ultimate crush ko pa naman sya! Ang gwapo nya naman kasi! Isa syang lahing kano. Mabait maman sila kahit papaano nasisira lang imahe nila dahil sa pangbubully. At may lahing kano si Ashton" paliwanag ni Angelica.




"Hoy ayusin nyo yung kay Dwight ha!" Sabi pa ni lea.




"Oo na te! Porket manliligaw mo yon! Aba kung hindi ka lang maganda ay hindi ka naman liligawan non! Che!" Kunwaring pagtataray ni Yuna at tumawa naman sila.




"Si Dwight ay ang may pinakamalakas tumawa at nakakainsulto! Nakakabanas ang tawa ng lalakeng iyan pero mabait sya" sabi pa ni Yuna





"Nasaan ang mabait don! Kung pagtawanan nga kami akala mo nanunuod ng comedy" singhal ko at nagtawanan naman sila sumabay pa si Rosie!




"Kaloka ka te, buti nga't tinawanan ka lang! Baka nagandahan sayo kaya tawa alng ang ginawa at balak ng iwan itong si lea!" Tumawa na naman sila pati si lea ay tumawa rin. Nakakabilib ang pagkakaibigang ito kung matutuloy man





"So ayun na nga si Dwight ay isang french iyong may green na mata! Ang nagiisang matang green dito sa NHS, sya ang tagaawat at taga ayos sa gusot ng F4 kapag, hindi magkaayos sina Gael at Haurious sya ang umaayos"



"Ganon kabait ang Dwight ko hihi!" Pagmamalaki ni Lea



"Makaangkin! Sinagot mo na ba teh?" Pangaasar ni Jamie




"Alam mo kayong dalawa Yuri at James pinagtutulungan ako!" Singhal nyang natatawa.


"Gaga ka! Yuna at Jamie nga" tumawa na naman sila at natawa naman ako.



"Si Gael, sya ang pinakamabait sa lahat the most mature one sa apat na yan. Tagapigil sa pambubully ni Ashton at ni Haurious pero madalas ay hindi napipigilan dahil masyadong matigas yung si Haurious!" Sabi naman ni Jamie.



"Gago nga yung lalakeng yon, kating kati ang kamay ko na sapakin sya! Buti na lang at nakakapagpigil pa ko!" Singhal ko.



"Ay taray ni ate mong Kleith barako!" Natatawang sabi ni Yuna.



"At si Haurious, French rin ata ang lahi nya at sya ang pinakagwapo sa apat at may pinakamagandang asul na mata, nagiisang asul na mata rito sa buong NHS ang mata ni dwight at Haurious ang pinakarare na mata. Kahit manliligaw ko at gusto ko si Dwight hindi ko matatanggi na si Haurious ang pinakagwapo sa lahat. Pero sya rin ang pinakabully! Naalala ko non!binubully ako ng loko kung hindi lang siguro ako niligawan ni Dwight ay hanggang ngayon binubully pa rin ako! Sa pakiwari ko'y bakla yan bakla at babae lang naman ang binubully nyan pero mabait sya sa ibang babae pero kapag gusto ka nyang bullyhin, bubullyhin ka talaga" sabi ni Lea.




"At ayaw nyang tinatawag syang Deix dahil panget raw pakinggan" napangisi ako sa dinutong ni lea na ito.



Kring krinngg



Tunog yan ng bell, break time na raw.




Kasalakuyan kaming kumakain sa table kasama ang apat na taong nagpakilala samin kanina nang bigla natapunan ako ng Juice! Isang nerd na babae ito muntik na ngang sabunutan ni Rosie kung hindi lang nakitang kawawa ang babae.



Kumuwa ito ng panyo at pinunasan ako.


"Ayos lang, hayaan mo na. Magpapalit na lamang ako" nginitian ko sya.



"Sorry, hindi ko sinasadya pinatid kasi ako. Sorry hindi ko ho talaga sinasadya" pagpapaumanhin nya.




"Ayos lang, sino bang pumatid sayo?" Tumingin sya sa likuran nya at nakita kong si Houston iyon. Psh, bakla nga siguro to.




----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



Maraming salamat sa pagbabasa! Isa lamang akong baguhan sa larangan ng pagsusulat ngunit sana'y inyong magustuhan. Happy reading everyone!

@BatesMoon

My Moon  (Houston Series) - On GoingWhere stories live. Discover now