76

1.6K 38 0
                                    

Pasimple akong nagbabasa sa loob ng coffee shop ng marinig ko ang tawag mula sa aking likuran.

Kumunot ang noo ko ng makita ang tatlong lalaking papalapit sa akin. Nang marinig ko ang kaniyang pangalawang pag tawag, doon ko 'lang nalaman kung sino ito.

"Dito ka pala nag re-review?" Tanong ni Tag ng makalapit s' ya sa akin.

Ngumiti naman ako, "Yes."

Tinignan ko ang kaniyang mga kasama. Hindi ako sanay na hindi n'ya kasama ang pinsan n'yang si Damek, I don't know his reason kung bakit s'ya umalis ng Law School, wala naman din akong paki-alam dahil buhay n'ya iyon.

Tumigil ang tingin ko sa hindi pamilyar na kasama ni Tag. Napansin n'ya ata na nakatingin ako sa kaniya kaya't kaagad itong nag pakilala.

"I'm Osmond." He said.

"Nics."

"Goodluck bukas!" Ngumiti din ito saka binalingan ng tingin ang aking mga gamit. "Nakapag pasa ka na ng digest?" He asked.

"Yep. Pinasabay ko kay Adelina." Hindi ko alam kung imagination ko 'lang ba but Tag's expression immediately changed.

"Ah." Usal nito. Mabilis itong tumingin sa kaniyang mga kasama. "Ako na mag order, dito na 'lang muna kayo." and then he walked towards the counter.

Iniwan n'ya ang mga kasama n'ya dito na wala atang balak mag salita.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang pag-galaw ng upuan sa aking harapan. Umupo doon si Osmond habang si Selik ay nasa aking tabi.

"Are you done reading the cases?" Oh, gosh. I take a deep breathe before placing my eyes on the screen of my laptop.

"Yep, you?" Bakit ako kinakabahan.

"Yeah," Hindi ko alam kung kailan pa kami naging close na dalawa. Palagi kami nag kakasabay sa pag pasok ng Torts class but hindi naman kami nag uusap, as in usap na usap.

Kinakausap n'ya lang ako pag nag tatanong ng mga cases and readings and it's okay with me.

But right now I feel uncomfortable. Hindi ko naman iniisip na s'ya ba iyon, pero feeling ko talaga.

Should I ask him? it's been bugging me since I realized na baka s'ya nga iyon.

"Una na kami, Nics. Good luck tomorrow!" Hindi ko napansin na nakabalik na pala si Tag.

"Goodluck din."

Yet Again (Again Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon