92

1.6K 35 8
                                    

"What are you doing here?" bungad ko sa nakangising si Adelina ng buksan ko ang pintuan ng aking condo.

Hindi n'ya sinabi na tatambay pala siya dito. Sana maaga ako nagising para nakapaglinis.

Mas lalong lumaki ang ngisi nito ng pasadahan ng tingin ang aking mukha. Kaagad nag salubong ang kilay ko. Iniisip niya nanaman ang nangyari noong nakaraan.

Nag-init ang pisnge ko kaya mabilis akong tumalikod.

"You look cute," Adelina said while pinching my cheeks. "But you need to tell me why are you blushing since yesterday!"

I frowned.

Pumasok sa loob habang bitbit ang laptop at ilang mga papel. Probably cases or digests.

"What?" tanong ko.

Tumayo ito sa aking harapan habang nakataas ang kilay.

"Are you dating someone?" She asked seriously. Hindi kaagad ako nakasagot, nakikipag date ba ako? Hindi naman..

"You're dating someone?!" parehas kaming nagulat sa kaniyang pag sigaw.

"I'm not interested. I have one ex though." I explained.

Sumimangot ito, "Sino nga kasi? Buti na lang tinanong ko kay Mhae kung ano ang mga dahilan ng pamumula ng tao maliban sa allergies, kung hindi hanggang ngayon wala akong alam!" pabagsak itong umupo sa sofa.

"Iniisip ko nga noon na baka maging hotdog ka, eh. Buti na lang hindi ko sinabi." Adelina murmured.

I can hear that.

"Let's not talk about that. Mag aral na tayo."

Tumalikod na ako at pumunta sa aking kwarto upang kuhanin ang aking mga gamit. Mas ayos ang ganito, para hindi na hassle pag simula na ng klase...

Akala ko tatahimik na s'ya kapag nag aaral na kami but no. Hindi nga s'ya nangungulit pero tinitignan n'ya ako sa bawat galaw ko!

ilang oras n'ya akong pinag mamasdan habang ako ay pilit na tinatanggal sa isip ang kaniyang mga mapang-husgang tingin.

"Stop it!" pinandilatan ko siya ng mata.

"Stop what?" she asked innocently.

This girl... kawawa naman ang magiging asawa ng isang ito.

Kung si Mhae ay palaging mainitin ang ulo, itong isa naman na ito ay... hindi ko mapaliwanag.

I just shrugged and start reading again.

"Sabihin mo na kasi!" pangungulit niya, "kapag hindi mo sinabi iisipin ko na talaga na ako ang crush mo!"

I rolled my eyes.

"Wala nga,"

"Meron kaya!" Adelina insisted.

parang siya iyong mas may alam.

"Wala nga!" pagtataas ko ng boses dahil hindi talaga siya titigil hangga't hindi siya satisfied sa sagot ko.

"Meron sabi, Nics. Ang kulit mo ha!" Adelina shouted back.

I almost laughed. Nakakastress.

"Oh diba! Meron-"

"Maybe?" I cut her off.

Mabilis itong tumingin sa akin. Napaawang ang bibig nito habang pinag mamasdan ako.

"S-sino?"

Someone

Hindi ko napansin kung kailan ako nagsimulang maging conscious sa kaniya. Sa una, ang alam ko isa lang s'yang stalker na manggulo sa akin. But then, during my downfalls, that person helped me.

He's not that bad after all.

Day by day, napapansin ko ang presence niya. Now I'm wondering, ano kayang nangyari kung hindi niya ako natulungan noon? paano kung hindi niya rin ako naintindihan?

I'm grateful.

"Sino nga, hoy?"

"Someone."

"Who's someone?" Adelina asked.

Tinignan ko siya. If I will answer that now, hindi niya maiintindihan dahil masyadong magulo ang kwento.

Pinaliwanag ko muna sa kaniya ang mga nangyari. Inabot siguro kami ng isang oras at kalahati. Mabuti nalang hindi masyadong nag react si Adelina, mukhang gulat siya dahil nakatakip ng kamay niya ang kaniyang mata.

Dapat bibig ang tatakpan pero mata ang nakatakip sa kaniya. Hindi ko rin alam kung ano bang ginagawa nito.

"How did you know na siya si Selik?" Adelina asked when I finished explaining what happened.

"Sinabi niya last time."

"Kaya namula ang mukha mo?" tanong niya ulit bago naningkit ang mga mata. "Seriously, siya talaga iyon? sabi na parang may something sa kaniya."

"I think that really is the cause." there's no need to deny.

"Sure na ba talaga na si Selik iyon?"

"Umamin siya,"

"Did you smell something fishy?"

"I don't know," sagot ko.

Tumango siya at kinuha ang kaniyang phone, nag simula itong mag type. "I'm telling this to Mhae." she looked at me, "Any violent reaction?"

She looked really serious.

Umiling nalang ako.

I'm not expecting this kind of reaction.

Yet Again (Again Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon