84

1.5K 52 13
                                    

Hindi ako nakatulog kagabi, dahil siguro sa dami ng iniisip ko. I ended up fixing my schedule and buying new books online.

I will ask Adelina to accompany me after this. Kailangan ko na mag palit ng number. It's a bit hassle dahil sasabihin ko pa iyon kala Mommy.

Kumunot ang noo ko habang pinapanood si Adelina na nasa harapan ko dahil mukhang hirap na hirap na siya.

"Push it to the left," utos ng katabi ko. Naka hawak ito sa kaniyang mag kabilang beywang habang sinusukat kung tama ba ang pwesto ng lanter centerpiece.

Sinamaan siya ng tingin ni Adelina pero sa huli sinunod niya parin ang utos nito.

Nag salubong ang kilay ni Mhae. "Hmm, no. Push it to the right."

"Anak ng-" daing ni Adelina bago ibalik sa dating pwesto ang lanter centerpiece. Sa sobrang inis nito, muntik na itong gumulong pababa sa table. "peace..." sabi niya bago nag peace sign.

Napahawak ako sa aking tyan sa katatawa dahil sa kanilang dalawa. Kanina pa sila nag tatalo, ako naman ay nakasunod lang sa kanilang dalawa dahil wala naman akong ginagawa.

"Nics, anong tinatawa tawa mo d' yan?" bumaling sa akin si Mhae at kinuha ang kaniyang telepono. "parating na pala yung string lights, pwede ikaw mag abang sa gate?"

Kakasabi ko lang na wala akong ginagawa.

"Okay," sabi ko.

"Selik! samahan mo 'tong si Nics, kukuhanin n'ya yung string lights sa ibaba." huminto ang nag lalakad na si Selik at humarap sa amin.

This is getting awkward.

"Okay," he said.

Binigay sa akin ni Mhae ang phone niya para abangan ang reply ng delivery guy at para na rin ma-scan.

Nauna itong maglakad kaya sumunod nalang ako. Bago pa ako tuluyang makalayo, binalik ko ang tingin ko kala Mhae na nag-aaway na ulit ngayon.

Maybe I should tell them na may hinala ako kay Selik? na siya iyong tumutulong sa akin although I didn't ask?

Maybe later.

Hindi na ako nagsalita at sinundan nalang si Selik na malayo na ang nalakad. Hanggang sa gate, kung saan namin ipipick-up ang parating na gamit, walang nagsalita sa aming dalawa.

"Nasaan na daw?" tanong niya.

"Malapit na daw," sabi ko.

Hindi na ako nakatanggap ng sagot sa kaniya. Tumango lang ito at humarap na ulit sa daan.

Alam kong dapat hindi ako mabother dahil hindi pa naman ako 100% sure kung sino ba talaga ang nag tetext sa akin at nagpapadala ng gamit for my studies-hindi naman siguro masamang mag-tanong? if hindi siya, then hindi.

"Can I ask something?"

"What is it?" he asked.

"Were you the one who's texting me recently?" I asked.

Kumunot ang noo niya at parang inisip kung ano ba ang tinatanong ko.

So, hindi siya?

"If not, okay-"

"Yes, I'm the one."

Yet Again (Again Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon