100

1.8K 30 8
                                    

I smiled when I saw Adelina dancing in the middle of the dance floor.

"She said she can't dance!" Mhae said while laughing. Tumingin ito sa akin at bahagyang yumuko upang marinig ko ang kaniyang sasabihin.

Sa sobrang lakas ng music, kahit sigawan ng iba ay hindi na namin marinig.

"Pupunta lang ako sa nag mo-monitor ng lights. Follow me upstairs if something happened!"

"Okay!" nag-thumbs up ako sa kaniya at nisenyasan na umalis na.

"Una na ako!" pinandilatan n'ya ako ng mata. "Are you going to do it?" Mhae asked.

Tumango na lamang ako sa kaniya upang tigilan na ako. Mabilis akong uminom ng tubig ng maramdaman ang pag sikip ng aking dibdib. I can feel my hands trembling. This is it, damn hindi ko ata kaya!

Wala akong naaalalang ganito noong sinagot ko ang dating boyfriend ko-which is pinagsisisihan ko ngayon.

Hindi nagtagal, mas lalong dumami ang mga tao. Nakita ko kaagad ang mga kakilala ko na nagtatawanan.

Tag walked towards our table, nakasuot ito ng suit tulad ng iba pero kung titignan, mukhang mas pinaghandaan niya talaga dahil may silver flower pa siya sa dibdib.

"Hi!"

"Hello,"

"You look beautiful, Nics. Are you enjoying the night?" Tag asked while smiling widely. He looked really excited. Mukhang may pakulo siya for tonight.

"It's... okay, I guess." sagot ko.

"By the way, did you saw Adelina?" Tag asked again.

"Dance floor," sagot ko bago nag-tanong. "Where's Selik?"

Tag looked at me in the eyes.

"Outside," sagot niya bago simpleng ngumiti.

I thanked him.

"Are you going outside?"

Tumango ako bago tumayo.

"Hello, Nicasian!" Osmond and Caspian approached me. Binati ako ni Osmond ng paulit-ulit habang si Caspian na nasa tabi niya ay tahimik lang.

Wala ba silang makitang table?

I greeted him back.

"Don't you wanna dance with them?" Osmond asked, may hawak na itong juice ngayon at nakangiti sa akin. Si Tag naman ay nagpaalam na dahil may sasabihin daw siya kay Adelina.

There's something going on between them, right? I'll ask Adelina later.

"Dancing is not my thing." iyon ang sinagot ko sa kaniya. Lalabas na dapat ako para hanapin si Selik pero mukhang hindi ko pa magagawa iyon dahil komportableng nakikiusap sa akin si Osmond. Hindi naman kumikibo si Caspian kaya kung siya lang ang nandito, hindi ako mahihirapan mag hanap ng chance para umalis.

Mag hihintay muna siguro ako ng ilang minuto para matapos na ang sinasabi niya.

"What's your plans?" Osmond asked.

"About what?"

"Vacation, of course. Are you going somewhere? ibang bansa?"

"Nope, just going to my parent's house for family gathering."

"Wow!" iyon lang ang nasabi niya.

Ilang sandali pa, tinawag na siya ng kaniyang kakilala, mukhang gagawin siyang partner ng MC.

Nang tumayo si Osmond, tumayo na rin si Caspian. Mukhang sasama siya.

"Goodbye, Nics! enjoy the night!" Osmond said.

"You too," I replied.

"Bye," Caspian said.

"Bye," sagot ko naman sa kaniya.

Nang tuluyan na silang umalis, tumayo na rin ako at lumabas.

Pinunasan ko ng tissue ang aking pawis sa noo. Sa sobrang hyper ng mga tao parang ako iyong napapagod para sa kanila.

Yet Again (Again Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon