Chapter 1-

179 3 1
                                    

Chapter 1-

Anaisse's Point of View

"What?" Tanong ng babae sa harapan ko.

"Ano po yung sinabi ninyo kanina?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"What." Sagot niya sabay balik ng tingin sa papel na kanina niya pa hawak.

"Ano po yung sinabi ninyo kanina?" Sabi ko ng mas malakas.

"What." Sagot niya ulit ng mas matigas kaysa sa kanina. Ano ba 'tong taong to.

"Ano ba po ang sinabi ninyo kanina?!" Medyo pasigaw kong tanong ulit.

"What!" Sigaw niya pabalik.

"ANO BA PO YUNG SINABI-"

"WHAT!"

"Ano?!! Bingi lang? A-NO-PO-YUNG-SI-NA-BI-"

"WHAT! THE ANSWER IS WHAT! I ASKED YOU WHAT A WHILE AGO!" Nanggagalaiti niyang sagot.

"Ahh. Kala ko kung ano. Ayun naman pala eh. Kaya naman palang magsalita ng buo. Lagi lagi akong sinasabihan na sumagot ng buo ang pangungusap tapos siya mismo hindi kaya." Medyo napalakas kong sabi.

Napatingin ako ng matagal sakanya. Hindi niya naman siguro narinig. 5 inches naman ang layo namin eh. Hmm. Pero bakit parang nanlalaki yung butas ng ilong niya? Normal ba 'to?

"Ms. Fondale, 6 hours in detention for using inappropriate language and behaviour. You're not even supposed to speak in Tagalog because this is an English class. Hopefully you'll think twice before doing this thing again. Please go back to your seat." Sinabi niya habang nakatingin sa mga mata ko at nilipat agad ang tingin sa mga kwaderno na nasa lamesa niya.

Magaling Anaisse. Nakakuha ka ulit ng detention! Magdiwang!

Dahil pangatlong detention ko na 'to sa linggong ito, dapat espesyal yung sayaw. Nag-oppa gangnam style ako sa harap for 1 minute bago umupo sa upuan ko sa pinakalikod.

That Stupid Girl (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon