Chapter 11- Normally Abnormal

17 0 0
                                    

A/N

Lame,lame,lamy,lame.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Chapter 11- Normally Abnormal

Anaisse's Point of View

Andito na kami sa cafeteria. Yup! Kami! Hihihi! Kasama ko sila Arthur.

Lumingon lingon ako para hanapin sila Deana,kaso wala talaga sila eh..  Nakakalungkot nga eh. Buti naman at kahit papaano, masaya ako na may kasama akong kumain ngayon.

Pero kinakabahan ako kasi pinagtitinginan kami ng mga tao. Yung tingin kasi nila kakaiba eh. Parang may meron...

Di kaya naging robot ulit sila?

Hindi! Hindi naman siguro! Baka magkamaling akala nanaman ako. Iba naman siguro yun..

Tama! Anggaling mo talaga Anaisse! Hihihi!↖(^ω^)↗

Habang naglalakad kami ay hinawakan ni Scythe yung kamay ko. Kaya naman tinignan ko siya ng nagtataka.

Bakit niya hinawakan yun kamay ko??


Di kaya.....


Natatakot siya doon sa mga tao dahil nakatingin saamin?

Umupo na kami sa upuan nung nakakita si Craig ng vacant table. Umalis ang magkapatid para daw bumili ng lunch namin. Manglilibre daw kasi sila.. *0*

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Scythe sa kamay ko kaya nilingon ko siya ulit.

"Scythe.. Okay lang yan. Hindi mo kailangang matakot.. Alam mo namang andito kami ni Craig para protektahan ka... Hindi ka nila sasaktan.. Promise. Ako pa kaya? Malakas ako no!" Sabi kong nakangiti habang hinawakan ang isa niyang kamay na nakapatong sa lamesa.

Siya naman, tinignan ako na parang nalilito.

"What are you talking about?" Sabi niya, na nakakunot ang noo.

Nako! Itong si Scythe talaga. Hindi niya naman kailangang itago pa eh.. Diba gf niya ako?

"Hay nako..  Scythe talaga! Di mo naman kailangang itago saakin eh. Alam ko kung anong nararamdaman mo no! Ano man ang sabihin nila, di kita ipagkakaila, pagkat ikaw lang ang minamahal ko oh, aking diwata, ah ah ah ah- aray!" Sabi ko habang hawak hawak ang tenga ko. Kasi naman tong si Scythe! Tinampal niya yung kanang tenga ko!

Huhuhu! Mommyyyy!

"Ginawa ka pang babae Scythe oh! Diwata daw! Hahaha! Jejemon naknang!" Narinig kong natatawang sabi ni Craig, pero nung tinignan siya ni Scythe bigla siyang sumipol.

"Ang jejemon nung babae oh! Katabi nung masungit na lalaki! Hahaha-aray!" Sigaw rin ni Craig. Kasi binatukan naman siya ni Scythe.

"Bakit mo ginawa yun?" Nakasimangot kong sabi.

"Wag kang kumanta. Ang pangit ng boses mo.  Atsaka ano bang sinasabi mong natatakot? Para kang tanga." Sabi niya saakin habang nakapoker face.

"Psh. Sabihin mo, gusto mo lang iwasan yung topic na natatakot ka sa mga tingin ng school mates natin! Hoo! Sinabi ko naman na sayo na andito lang kami ni Craig para sayo eh! Diba Craig?"

Yung nakasimangot na mukha ni Craig ay napalitan ng nagtataka. Sus! Magbestfriend nga sila! Nagkakampihan pa sila para itago ang nararamdaman ni Scythe! Hay nako naman!

"Hmp! Nagtatago pa kayo! Halatang halata naman na natatakot ka sa mga tingin nila!!" Hiyaw ko. At napansin kong mas maraming napatingin saamin.

Oops. Nakita ko si Scythe na naningkit ang mata at naging isang straight line ang lips niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Stupid Girl (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon