Chapter 7- Agreement

41 3 0
                                    

Chapter 7- Agreement

Anaisse's Point of View

Okay. Okay.

Naguguluhan pa rin ako!!

"So.. Si Principal Denver yung tatay mo."

"Oo."

"Tapos, 'girlfriend' mo ako."

"Oo."

"Si Scythe at ikaw ay iisa."

"Oo."

"At ngayon, kailangan nating magpanggap bilang magnobyo dahil nalaman ng buong angkan mo na girlfriend mo ako?"

"Oo."

"Paano ba nila nalaman?"

"Tsk. It's that old man's fault!" Inis na bulalas nito.

"Tignan mo to." Sabi niya sabay pakita ng isang picture sa fb.

At ako yun!!

Ohmy! Sikat na ako!

103,458 likes. 54,782 comments.

At ano ang nabasa ko? Ito lang naman.

Denver Rellion XD

My son's, Orion Scythe Rellion, girlfriend, Anaisse Fondale.

Tapos sumunod dun ay yung picture ko na hawak hawak ni Principal Denver yung kamay ko na nakataas. At nakangiti siya.

Ito yung sa party kanina ah!

At nung tinignan ko nga ng maigi yung picture...

OhMyGosh talaga to the highest level!

Yung kili-kili ko may buhok buhok na maliliit!

Kahit nakauniform ako nakita siya!

OH.EM.

Tinignan ko yung comments at ang sabi naman ng iba ay..

Denny Wadger
Oh my god! Look at her kili-kili! It's so nakakadiri talaga!

Janna De Guzman
She looks like our maid naman!

Myra Mirana
She is so disgusting! My foot is like her face naman!

Pero isang comment ang nakapukaw ng atensiyon ko..

Rina Germen Fondale
How dare you slut! Mang-aagaw! Akin lang siya!

Kinabahan ako doon.

OhMyGod! Si Rina!

Pero kakalipat lang naman ni Scythe ah? Bakit parang ang sikat sikat niya na?

Nabigla ako nung kinuha niya yung phone niya.

"At ito pa." Sabi ni Scythe sabay pakita ng isang text message.

Ang sabi naman nito ay..

From: Old man

Hello mga ka tropa!

Ang saya kanina dahil birthday ko! Atsaka pinakilala saakin ni Scythe si Anaisse Fondale! Ang kanyang girlfriend! Thank you sa lahat ng bumati! Mahal na mahal ko kayo! :*

@Scythe- anak, pahingi naman ng number ni Anaisse. Para may katextmate ako.
@Pareng Jerry-pare, ang galing ng plano natin. The best ka!

#birthday
#swag
#maygirlfriendsiscythe
#angpangalanayanaissefondale
#happy
#iloveyouall
#greatestgift
#44yearsoldnaako
#bumatinaangbumati
#gandanungparty
#patibong
#thebest
#siparengjerry
#usapangpare
#planongastig
#obey
#success
#hashtagpa
#hashtagboss

That Stupid Girl (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon