Chapter 10- Sweet Sweet Stupidity

11 0 0
                                    

Chapter 10-Sweet Sweet Stupidity

Author's Point of View

Nakalapat pa rin ang labi ni Scythe sa gilid ng labi ni Anaisse.

Pagkalipas ng ilang segundo, ay humiwalay na sa "halik" si Anaisse.

Ngunit di pa nakakarecober ang mga estudyanteng nakasaksi ng pagkahalik ni Scythe kay Anaisse ay napatigil naman ulit ang lahat dahil sa isang tunog na pinatunog sa buong campus.

Booty work~ Booty work~
Booty booty booty work~
Booty work~ Booty work~
Left cheek, right cheek~
Left cheek, right cheek~

Iyon ang narinig nila mula sa speakers na nalakabit sa bawat poste ng ilaw sa loob ng campus. At may automatic na lumabas na flat screen sa bawat poste rin, para mainform ang lahat.

Hindi pa tapos ang kanta ay may lumabas na imaheng hindi nila kailanman gustong makita pa muli. Ang lahat ng inaantok ay naalerto, ang mga naglalandian ay natigil, at ang mga kumakain ay nasuka.

"Ugh!" Sabay sabay at coincidental na sabi ng mga estudyante, habang nakadikit sa mukha nila ang kanya-kanya nilang nandidiring mukha.

Ang imaheng iyon ay isang maputing puwit na nakikita ang cleavage. Ito ay paikot ikot at parang pinapabounce pa ito. Mukhang pagmamay-ari ito ng isang matanda.

Pagkatapos ng kanta ay inalis na ang puwit sa tapat ng camera na siyang ikinahinga ng maluwag ng mga estudyante.

Syempre, tama nga ang lahat.

Si Principal Denver ang nagmamay-ari ng puwit na naexpose ang gitnang hati sa buong madla.

"Goodmorning students! Gising na ba kayo? Pampagising iyon para sa inyo lahat, dahil mahal na mahal ko kayo!" Nakangiting sambit ni Principal Denver, na mukhang hindi alam ang traumatic experience na binigay niya sa ibang estudyante.

"Alam ko namang nagustuhan ninyo ang aking paboritong kanta na Booty work! At kahit nahihiya akong sumayaw ay sumayaw pa rin ako para sainyo. " hingal ring sabi niya. Tumatagaktak ang kanyang pawis sa mukha niyang medyo kulubot na, ngunit masasabi mong may asim pa, as in iyong literal at sa parehong oras ay hindi din literal.

"But, of course, nag announce ako ngayon hindi dahil gusto kong ipakita sainyo ang aking 'flawless dancing', kung hindi dahil may gusto akong sabihin sainyo." Nakangiting sabi niya sabay upo doon sa upuan niya.

"Gusto kong ipaalam, na ang anak ko, ay nagtransfer na dito." May ibang kunwari naggasp, ngunit alam naman na ng lahat ng estudyante na kalat na ang balita tungkol doon.

"At nakatagpo siya ng isang babaeng nasa pangalan ni Anaisse Fondale. Siya ang girlfriend niya, kaya ito na... sasabihin ko na... "Mukhang paiyak na sabi nito.

Awtomatikong napalingon ang lahat kay Anaisse. Na ngayo'y akbay akbay ni Scythe, kaya wala na silang takas.

"... Anak, I love you! Sana wag mo akong kalimutan kahit andiyan na si Anaisse. Alam mo naman na sinubukan kong punan lahat ng kailangan mo, kahit na walang gatas ang mga ito," tukoy niya sa kanyang man boobs . "Ay sinubukan pa rin kitang painumin..." umani ito agad ng mga sukang suka na mga comment.

"...ng gatas mula sa mga can. " at nakahinga ulit ang lahat ng maluwag.

Habang si Scythe ay pulang pula na sa kahihiyan.

"Punta ka sa office ko kasama si Anaisse mamaya ah? Hehe. Celebrate tayo! So, ayun lang students. Peace out~" sabi niya sabay suot ng hat na may nakasulat na "Obey"

Umitim na lahat ng mga Flat screens, at tila automatic ulit na bumalik ito sa pagkakatago sa mga poste.

Hindi pa rin makapaniwala si Scythe.

That Stupid Girl (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon