Chapter 3- Banal na Detention

138 3 0
                                    

Chapter 3- Banal na Detention

Anaisse's Point of View

Naglalakad na ako papuntang Detention Room. *pout*

Kasi naman, nameet ko si Proffie kanina, nakalimutan niya daw akong bigyan ng red slip. Buti na lang pinaalala niya.. may puso rin pala si Proffie eh!

Ang hindi kasi sumusulpot sa detention room kung inatasan ka, kinaumagahan, papatayuin ka sa gitna ng quadrangle habang may sign na nakakabit sa katawan mo na "Give me no mercy, for I bailed out in Detention."

Ang cool nga nung nagisip nung sign eh. "Bailed out" pa yung word. Hihihihi.

Red slips indicate detention. At ito ang pangbente kwatro ko ngayong linggong ito. *pout* Minsan nga, sinuhulan ko ng Hello Kitty bag yung Professor namin sa Araling Panlipunan para hindi na ako ipapunta ng detention.. Kaso, dinagdagan niya pa ng 3 oras.. huhuhu! Mommy! Binubully nila ako!

Atsaka naalala ko yung usapan namin nila Wendell noong bumalik ako sa table namin kaninang lunch break.

*flashback*

Nakapout ako nung bumalik ako kila Wendell. Kanina pa sila kumakain, kaya ibig sabihin....

Wala silang pake kaninang pinagtutulungan ako ng dalawang devils?

Huhuhu. Meanies!

"Oh Ana, andiyan ka na pala. Buti naman tapos na yung drama ninyo. Kanina pa kami gutom eh!" Sabi ni Gregory habang maraming pagkain sa bunganga niya. Tumalsik pa nga yung iba sa plato ni Deana eh.

"Kadiri ka Greg! Ano ba yan! Eww! Ano ba 'tong kinakain mo? Bakit may heart heart?" hiyaw ni Deana kay Gregory.

"Ana, pang-ilang gulo mo na ba yan? Alam mo, para sa isang SLOW at CHILDISH na babae, ang rami mong nakakarambulan." Sabat ni Wendell sa gulo nila Deana At Gregory.

Anong tinawag niya saakin?

"Ha? Slow? Paano naman ako naging slow? Di ko gets.. " sabi ko sa kanya.

"O M G! You are so slow talaga!" Sabi ni John sabay pabagsak na tumayo at kunwaring nagwalk-out pero bumalik ulit.

Hala? Nababaliw na si Bakla! I mean,John! OhMyGosh!

Di kaya..

Nasaniban siya ng multo?!

"John!" Sigaw ko sakanya sabay sampal sa mukha niya.

"John! Maghunos-dili ka! Kung sino man ang nandiyan sa katawan ni Johnny, lumabas ka!" Sigaw ko ulit sabay sampal sakanya.

Si John naman ay hawak hawak lang ang pisngi niya na parang hindi makapaniwala.

"John! Huy! Gumising ka! Masamang espiritu, lumabas ka!" Sampal ko ulit sakanya sabay yugyog sakanya.

"Gaganess ka talaga Ana Girl! Bakit mo aketch sinasampal? Luka luka! Kayo Deana! Vaket wit niyo akems ipagtanggol? Akala ko friends tayels? Lafang lang kayo ng lafang! Kaimbyerna!" Pageemote niya.

"Buti naman at bumalik ka na Johnny!" Sabi ko sakanya sabay hinga ng maluwag. Yayakapin ko na sana siya kaso....

"Don't hold me!(Wag mo ako hawakan!) My skin is sensitive! Atsaka Jane ang pangalan kems! Wit Johnny, okay?" Mataray nitong sambit.

"Ang ingay mo Johnny. Wag ka nalang magsalita, di kita maintindihan. Bwisit." Inis na sabi ni Deana.

"Anyway, Ana, di ka ba nagtataka kung bakit love ang usapan kanina?" Takang tanong ni Gregory.

"Ha? Hindi naman. Bakit ba?"

"Kasi daw, si Charlie, may boyfriend na. Nalaman ni Prof. Man na yung anak niya eh lumalandi na kaya ayun, naglecture para matamaan si Charlie. Ewan ko ba dun. Blablabla"

Di na ako nakinig sa tsismis ni Gregory. Kalalaking tao ni Gregory, tsismoso. Hihihi.

*flashback ends*

Di ko alam na ganun pala si Proffie. Pati sariling anak pinapahiya. Naaawa tuloy ako kay Charlie. Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit ang sama ng ugali niya?Hay..  Hayaan na, sheshare-an ko nalang siya ng push pops ko para sumaya naman siya.

Pagkadating ko sa Detention Room, pumasok na ako at pinakita ang red slip doon sa chaperone namin na si Sir Gomez. Nakataas pa yung paa niya sa table tapos may parang hibla ng walis tambo sa bibig niya.

Tinignan niya ako, sabay sabi ng

"Tsk tsk tsk tsk tsk tsk tsk tsk tsk tsk tsk tsk tsk tsk tsk tsk tsk *cough* *cough* *cough* *ehem* *ehem*"

"Tch. Tsk kasi ng tsk."narinig kong sabi ng isang taong nakatalikod. Hmm. Bakit parang pamilyar yung boses niya?

"Sino yun?!" Sigaw ni Sir, pero walang sumagot.

" Ehem. Umupo ka na nga doon Miss Fondale!" Bulyaw niya saakin.

Hala! Ako pa ang napagbuntunan ng galit ni sir. Huhuhu.

"Uh, sir, may tanong po ako.." sabi ko, kasi kating kati na talaga akong tanungin eh!

" Bakit po may hibla walis tambo sa bibig ninyo? Di ba po, pang linis lang yan?"

"Ha? Anong walis tambo?" Sabi niya sabay kapa ng bibig niya. Tinanggal niya ito at saka pagkakita niya ay..

"GREGORRRYYYYYY!"

"Yes sir? " sabi ni Gregory mula sa awang ng pinto ng Detention room. So yung ulo niya lang yung nakikita.

"Bakit walis tambo ito?! Diba sabi ko toothpick?!!"

"A-ah. S-sir. H-hehe." Kabang kaba na sabi ng Greg.

"E-ehm. *clears throat* n-nagkabaliktad po kasi ako kanina, n-nung pinapawalis niyo yung o-office niyo eh n-nataranta po a-ako kasi nagmamadali p-po k-kayo." Utal utal na sabi niya.

"4 hours detention Mc Fline!"

"Hala sir! Pwede po ba kayong magpadetention?" Takhang tanong ni Greg.

"Sa tingin mo hindi?! Upo! Bilis!"

"Aw, darn." Narinig kong bulong ni Greg.

Namili na ako ng upuan at nakita ko si Bean. Pupuntahan ko na sana siya kaso may lalaking nandoon sa pinakasulok. Siya yata yung sumagot kay Sir Gomez.

Tumabi ako sakanya at tinignan ko siya. Ngayon naman ay may nakatakip na libro sa mukha niya. Naramdaman ko rin na umupo si Greg sa tabi ko.

"Uy."*poke*

"Uy."*poke*

"Mr. Tsk?" *poke*

"Mr. Book?" *poke*

"Mr. Sulok?" *poke*

"Mr.-"

"Stop calling me names, will you?!" Sigaw niya sakin sabay tanggal ng libro sa mukha niya.

*gasssssssssp*

"Mr. Cafeteria?!"

That Stupid Girl (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon