Chapter 2- Clash with who?

137 3 0
                                    

Author's Note.

Hey mates! I don't know if the story is good, or something, but please let me know your point of view in this story cause I'm kind of a beginner. Thank you guys!

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Chapter 2- Clash with who?

Author's Point of View

Natapos na ang tatlong asignatura nila Anaisse kaya naman ay nagsilabasan na sila para sa kanilang lunch break.

Pagkalabas ni Anaisse ay sumalubong sa kaniya ang mga mapanuksong mata. May ibang mukhang naiinis ngunit mas marami ang tila natatawa sa kanyang presensya.

Bakit? Dahil nasagap nila malamang ang balita tungkol sa ginawa niya kanina. Kilala ang kanilang Prof bilang isang daldalera, lalo na kapag may galit ito sa pinagtutungkulan nito.

Ngunit mukhang hindi na nasanay ang kaniyang mga kaeskwela sa kanyang mga inaasal.Madalas siyang madetention dahil sa mga kashungaan na ginagawa niya. At dahil na rin sa kanyang mga "stupid stunts" na siyang nakakagawa ng gulo. Pero walang masyadong nangbubully sakaniya dahil magaling siya sa martial arts,kahit di halata. Wala, maliban sa isa. Ang kanyang step sister na si Rina. Kasali ito sa grupo na pwede mong sabihin na para lang sa mga matataray. At iyan, ay isa rin dahilan kung bakit lima lang ang kaibigan niya.

Oo, mula sa 3,000 students ng Cresthigh University, 5 lang ang naging kaibigan niya.

Epic hindi ba? Hindi siya kinakaibigan ng iba dahil nga sa mga "Mean Girls" na iyon. Lahat ng gustong makipagkaibigan sa kanya ay binubully rin nila, kaya naman walang lumalaban sa mga ito.

Ang kanyang mga kaibigan na sila Loki, Deana, Wendell,John at Gregory ay mga sikat, mayaman, gwapo at magaganda. Ngunit yun ang mas lalong nagpagalit kay Rina, dahil ayaw niyang nalalamangan siya.

Habang binabagtas ni Anaisse ang hallway, hindi pa rin naaalis ang mga mapanuring mata, datapwat ay nadagdagan pa ito. Pagkadating niya sa kanilang cafeteria ay tumigil lahat sa kanilang ginagawa. Literal na tumigil, at tanging ang ugong lang ng mga aircon ang maririnig. Kahit na mga tunog ng kutsara't tinidor ay walang maririnig.

Ngunit dumire-diretso lamang si Anaisse sa table ng kanyang mga kaibigan.

Anaisse's Point of View

Bakit kaya sila ganoon? Grabe.. Nakakatakot sila. Hindi kaya... Robot na sila?!!!

Pagkarating ko sa table namin,umingay na ulit ang cafeteria.

Robots nga! Kapag naglalakad ako eh walang ingay pero kapag nakaupo ako, umiingay!

Tinignan ko sila Loki,Deana,Wendell, John at Gregory.

Kailangan kong puksain ang mga robot!

"Deana. Psst." Pabulong kong sabi kay Deana para hindi marinig ng mga katabi namin table.

"Oh?" Tanong niya saakin.

"Pahingi naman ng tubig mo oh." Bulong ko sakanya habang palinga linga ako sa paligid. Mahirap na, baka marinig nila ako.

"Ha? Ito oh. Bakit mo kailangan ng tub-" hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya dahil tumayo ako at tumalikod ako sakanila at isinaboy ito doon sa lalaking may hawak ng tray.

*cricket wings*

Tignan mo! Tignan mo! Kahit ugong ng aircon nahiya oh!

Tinignan ko yung lalaking basang basa ang pang-itaas, kasama na yung mukha at buhok. Ha! Ang hihintayin ko nalang ay yung sparks para patuloy kong gawin yung plano ko!

Binuksan niya ng konti ang polo niya at lumapit saakin.Binitawan niya na rin sa floor yung tray niya kaya nanginig ako.

OhMyGosh. Kamatayan, ikaw na ba yan?

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo babae? Ha?!" Bulyaw niya saakin.

Napapikit ako kasi medyo tumalsik yung laway niya. Ano na kayang ginagawa niya? Buksan ko na kaya yung mata ko?

-___-

-___O

*glint* *glint*

Waaaaaaa! May nagglint! Robot nga siya!!!

Kaya naman ay sinabunutan ko na siya!

"Hiya! Yaaa! Yan ang sayo ROBOT! Yaaaaaaa!"sigaw ko habang pinagsasasabunot ko siya, sabay sampal sampal sa mukha niya at sipa sipa sa paa niya.

I'm a kungfu master.~^O^~ Yehe-

"Ouch." Nasabi ko iyon noong hinawakan niya ang dalawang kamay ko at binaba niya ang isa. Hinigpitan niya ang hawak niya sa kanang kamay ko na may glass hello kitty bracelet.

Aw.. huhuhu. Ang shakit.

"Stop you bitch! What the hell are you planning to do?!"

Wait. Nagsalita siya ng dalawang beses. At parang hindi naman siya robot. OhMyGosh. Mali ako ng akala?

"A-h-hahaha! E-eh. A-ahm, s-sorry kuya c-cafeteria. A-akala k-ko k-kasi robot ka. E-eh. He... he he?" Patanong kong sabi.

"What?! A robot? Do you think I'm a fvcking robot?!!! Damn! What is wrong with you?!"Sigaw niya saakin.

Biglang may tumayo, narinig ko ang mabibilis na yapak at may biglang pumunta sa tabi ko.

"Hey man. Back-off. Stop shouting at Ana." Sabi ni Loki. Si Loki pala yun?

"Ana, pumunta ka sa likod ko." Sabi niya kaya sumunod ako.

"What do you mean back-off? You fvcking back-off asshole!" Sabi ni kuyang cafeteria sabay tulak kay Loki.

OhMyGosh! Nagtutulakan na sila! Pero bakit? Nakita kong malapit kami doon sa pilahan ng pagorder-an ng cafeteria.

Kaya naman pala sila nagsisigawan ng back-off at nagtutulakan! Naku naman! Simpleng problema pinapalaki!

"Huy! Kayong dalawa! Wag na kayo magtulakan diyan! Hindi niyo kailangang mag-away dahil sa pila.May kabila pa namang pila. Dun ka nalang Loki. okay? Now shake hands and hug each other.." sabi ko habang pinaglalapit yung dalawa.

"Pvta. Ano daw?"

"What the fvck are you saying Miss?!"

Hala? Nagmura pa sila?

"Di ba nag-aaway kayo dahil sa pila? Ayan na oh! Pinagaayos ko na kayo!"

Pagkatapos nun ay marami akong narinig na *pak!*. Parang may tinatampal? Ganun?

"Hahahaha!Peste!"

"Pfft. This is crazy."

Sabi nung dalawa sabay iniwan ako. Ha? Anong nangyayari?

Bumalik na rin yung ingay sa cafeteria.

Iniwan nila ako dito? ~T_T~

That Stupid Girl (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon